16/10/2025
Matandang Ice Drop Vendor nakatulog dahil sa tumal ng kanyang paninda!
Sya si Lolo Carlo, 81 years old. Madalas nakapwesto sa tapat ng bakery sa palengke ng Quiapo. Ayon sa ating sender, madalas nyang makita si Lolo Carlo na naka upo at naghihintay ng bibili sa kanya, awang awa sya sa sitwasyon nito kaya halos araw araw syang nabili. Isang hapon nadatnan nyang nakatulog ang matanda dahil sa tumal, kaya hinintay nya munang magising ito bago bumili. Dito na nya naisipang ipadala ang litrato at magbaka sakaling maipadala ito sa ating page.
Si Lolo Carlo pala ay mag isa na lang sa buhay, dahil may kanya kanya ng buhay ang kanyang dalawang anak. Saktuhan lang din ang kita ng mga anak nya, ayaw nyang maging pabigat sa mga ito kaya umalis sya at lumuwas ng Maynila, dito na sya nag simulang magtinda ng ice drop. Dagdag pa ni Lolo Carlo, natutulog lang sya kung saan abutin ng antok. madalas naglalatag lang sya ng karton tuwing gabi sa tabi ng palengke. Madalas na abono pa sya sa paninda nyang ice drop dahil sa natutunaw na ang iba.
Maswerte nang makakain sya ng dalawang beses sa isang araw. Kaya nagpapasalamat sya sa mga taong tumutulong sa kanya upang makaraos sa araw araw. Pangarap lang nya ay kumita ng 300pesos kada araw ay malaking bagay na.
Sa mga taong may mabuting puso na makakita kay Lolo Carlo sana mabilhan natin sya kahit isang ice drop. Maraming salamat!