VLOG Ni MAT'S

  • Home
  • VLOG Ni MAT'S

VLOG Ni MAT'S *General Digital Creator/Digital Creator sharing viral videos, tips & behind-the-scenes moments.
*sharing life experiences as an ofw

exploring and sharing experiences as an OFW.

11/10/2025

Celebrating my 5th year on Facebook. Thank you for your continuing support. I could never have made it without you. 🙏🤗🎉

Yung nababasa mo lang sa aklat, pocketbooks, newspaper at nakikita mo lang sa tv,facebook news feed.Pero ngayon nasa har...
11/10/2025

Yung nababasa mo lang sa aklat, pocketbooks, newspaper at nakikita mo lang sa tv,facebook news feed.Pero ngayon nasa harapan ko na mismo☺😍

Thank you, Lord, isa sa pinakagrateful experience ko🙏🙏🙏

🇵🇭

*Gusto mo bang gawin special ang paggawa mo ng pork at beef siomai?Ok,try my new special cheesy recipe😋😋😋  Cheesy Pork/B...
11/10/2025

*Gusto mo bang gawin special ang paggawa mo ng pork at beef siomai?Ok,try my new special cheesy recipe😋😋😋

Cheesy Pork/Beef Siomai
Mga Sangkap:
1 kg Pork/Beef GIniling na may konting taba(fats)
1/4 tasang tinadtad na carrots
1/4 tasang tinadtad na puting sibuyas
1 kutsaritang pamintang durog
2 kutsaritang iodize salt
2 kutsaritang puting asukal
2 kutsaritang chicken powder/knorr chicken cube
1/4 tasang all purpose flour
2 pirasong itlog
1 kutsarang oyster sauce
1/4 tasang grated cheese

Paraan ng paggawa:
1.Dapat salain mo muna ang giniling mo para hinde magtubig bago ihalo ang ibang sangkap.
2.Ihalo ang lahat ng sangkap,kung wala kang chicken powder pwedeng gumamit ng knorr chicken cube (durugin mo ito habang hinahalo ang lahat ng sangkap)
3.Pwede mo rin lagyan ng 1/4 tasang grated cheese ang mixture na ginawa mo para mas maging cheesy ang ginagawa mong siomai.
4.Pagkatapos mahalo lahat ng sangkap irest mo muna ang mixture ng 1 oras sa loob ng ref para kumapit ang lasa sa giniling.
5.Ihanda ang siomai wrapper maglagay ng 2 kutsara ng mixture or depende sa laki ng siomai na gusto mo,para hinde dumikit ang mixture sa kutsara pahiran mo ito ng konting mantika.
6.Maglagay ng grated cheese sa ibabaw ng mixture(toppings) bago mo tiklupin or iseal ang wrapper.
7.Pahiran o ibrush ang steamer ng mantika para hinde dumikit ang nagawang siomai kapag naluto na.
8.Siguraduhing kumukulo na ang tubig bago mo isalang ang steamer,hinaan lamang ang apoy ng kalan/stove at gawin ang pagsteam ng 15 minuto.
9.Lagyan ng malinis na tela ang takip ng steamer bago isalang para hinde matubigan or matuluan ng tubig ang siomai mixture mo.
10.Kapag luto na ang siomai hayaan munang mawala ang ang usok ng pagsteam o palamigin lang ng konti bago tanggalin ang nalutong siomai para maiwasan ang pagkadurog at pagkasira ng wrapper nito.
Happy Eating Everyone!😊hala gumawa ng sawsawan ng siomai mo😁pwede kang gumawa ng toyo mansi na may chili oil at toasted bawang para magdagdag ng flavor sa siomai mo.😉

*for a more special recipe comment "more" sa comment section.😉

Happy Eating EveryOne!😊

Sa mga Kababayan ko na nasa Pinas at may planong mag abroad,para makatulong at matustusan ang pangangailangan ng Pamilya...
11/10/2025

Sa mga Kababayan ko na nasa Pinas at may planong mag abroad,para makatulong at matustusan ang pangangailangan ng Pamilya.
Ito ang mga dapat mong gawin:

1.Kailangan isecure mo muna ang passport mo dahil yan ang unang tiket mo para makaalis at makapag-abroad.Kung available na iyong passport dapat 3 yrs validated,or pwede mo rin gamitin if nakaprocess na for renewal with official receipt katunayan naka process na ang passport mo.
2.Icheck mo kung valid pa ba mga Government ID's mo kung hinde na,alam mo ng dapat mong gawin.Renew pag expired na.
3. Kumuha ka ng mga Authenticated documents like PSA Birth Certificate, Valid NBI Clearance(for abroad) (No derogatory record or No Record on file)
4. Mag-ready ka ng full detailed Resume or CV mo naka include ang Skype-ID at job description ng work experience mo sa Pinas,para kung mabasa ng Agency na inapplyan mo alam nila agad na fit ka sa hiring job nila,advantage din sayo para alam mo agad kung need mo ng mag apply sa iba para iwas sa paghihintay at umasa ng matagal kung sakaling sasabihin sayo na "tatawagan ka nalang".
5.Magregister ka sa E-Registration make sure na active pa ang gmail account na gagamitin mo at syempre sure mo rin na alam mo ang password nito.Ito muna ang kailangan mong gawin bago ka makakuha ng peos certificate.
6. Kumuha ka ng PEOS Certificate,ang gagawin mo lang is panoorin ang 8 module na makikita mo sa website at sagutin ang mga katanungan na ibibigay sayo after mong mapanuod ang module,
8 questionare ,5 out of 8 na tamang sagot ang passing grades para makakuha ka ng certificate.
7. Magrequest ka na agad ng Employment Certificates sa Company mo habang maaga.
8. I-ready mo lahat ang School Credentials mo (High School/College Diploma, TOR)
9. I-ready mo na rin ang Covid 19-Vaccination Card at Yellow Card just in case na hanapan ka.
10. Magready kana na rin ng Voter's Certificate kung sakaling wala kang Voter's ID for assurance lang kung hanapan ka.

As a first-time experience abroad/OFW dapat matiyaga sa pag-aapply, in my experience mga 10 yrs muna ako nag apply for Taiwan pero halos 3 months lang ng makaalis ako for Europe☺️😁 🙏

*Complete requirements sa pag apply for abroad is not yet guaranteed na makukuha ka agad,pero this is a big chance na mapansin ang application mo sabi nga nila " para handa ka sa laban,dapat may dala kang bala"😉

*Regards sa mga nag aapply for abroad😊Praying na maisakatuparan nyo ang mga pangarap nyo para sa Pamilya nyo🙏

10/10/2025

🎉 Exciting News: We're Evolving! 🎥✨

Hi everyone! 👋

After 2 years & 10months of running this page as an online store, I’m thrilled to share that I’m taking a new direction — this page is now officially transforming into a Digital Creator/Content Creator space! 🚀💡

What does that mean?

👉 I’ll still be here, but now with a fresh content-focused lifestyle, food, travel, experience as an OFW, etc.
👉 Expect behind-the-scenes, helpful tips, fun videos, and real stories — all from my personal journey and passions.
👉 My goal? To inspire, connect, and build a creative community here with YOU. ❤️

To my amazing customers and followers — thank you for your support so far. I hope you’ll stick around for this new chapter. If you're into lifestyle, food, travel, and experience as an OFW, you're going to love what's coming! 💫

Let’s grow together! 🙌

05/10/2025

🎉 Big change! This page is now dedicated to content creation and behind-the-scenes digital life.
Expect Reels, tips, and lots more. Thanks for being here 🙌

Send a message to learn more

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when VLOG Ni MAT'S posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to VLOG Ni MAT'S:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share