21/11/2025
𝐏𝐚𝐲𝐨 𝐤𝐨 𝐬𝐚 𝐬𝐚𝐫𝐢𝐥𝐢 𝐤𝐨 𝐚𝐭 𝐬𝐚 𝐚𝐭𝐢𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐭𝐢𝐝 𝐧𝐚 𝐛𝐚𝐛𝐚𝐞:
Hindi mo responsibilidad bilang babae na ilahad sa isang lalaki ang buong kwento ng pinagdaanan mo para lang maging “tamang lalaki” siya para sa’yo.
Hindi niya kailangang malaman lahat ng failures at sakit na pinagdaanan mo para maging maayos siyang tao.
Ang pinakamahalaga: alagaan mo ang sarili mo at patuloy kang magpakabuting babae.
Dahil kung tunay kang mabuti at tapat sa Allah, ang mabuting lalaki ay kusa at tamang panahon darating, hindi mo kailangang pilitin.
At tandaan, para maging mabuting babae, hindi mo kailangang maging sikat, maging ustadha, maging successful businesswoman, o maging sobrang ganda sa paningin ng kahit sinong lalaki.
Ang tunay na mabuting babae ay yung tapat, may takot sa Allah, at nagsusumikap maging mabuting alipin Niya.
Hindi kailangan ng pagiging perpekto.
Ang kailangan ay pusong puno ng taqwa at kababaang-loob.
At kapag nasa puso mo ang takot at pagmamahal kay Allah, hindi mo kailangang lumabas o maghanap ng kung sino.
Si Allah mismo ang magdadala ng tamang lalaki sa’yo sa oras na handa ka na, sa oras na buo ka na bilang babae at kaya mong gampanan ang bigat at ganda ng pagiging ilaw ng tahanan.
Kaya kapatid, habang naghihintay ka, gamitin mo ang panahon na ito para ihubog ang sarili mo, para maging mabuting asawa sa tamang panahon at mabuting ina sa magiging anak mo.
Dahil kapag dumating na ang lalaking nakatadhana para sa’yo, magiging handa ka, hindi lang sa pagmamahal, kundi sa paghubog sa isang pamilyang may takwa.
Matuto tayong maghintay sa taong inilaan ni Allah para sa atin, para hindi tayo magsisi sa maling pagpili at maling panahon.
Sinabi ni Allah sa Surah An-Nur (24:26):
“Ang mga mabubuting babae ay para sa mga mabubuting lalaki, at ang mga mabubuting lalaki ay para sa mga mabubuting babae.”
Ito ang paalala na ang tunay na halaga natin ay hindi base sa standards ng mundo, kundi sa kung gaano tayo katapat, kapakumbaba, at kalapit kay Allah.
Kapatid, alam ko nakakapagod minsan ang maghintay, yung pressure, yung pag-asang may makaka-intindi, yung desire na may makakasama.
Pero tandaan mo: alam ni Allah ang laman ng puso mo, ang mga pagsisikap mo, at ang mga tiis mo.
At ikaw, mahal kong kapatid, ay may napakalaking halaga, hindi dahil sa tingin ng tao, kundi sa kabutihan at katapatan na pinipili mong gawin araw-araw.