13/08/2025
Dahil lang sa isang Social Media Post: Teacher, pinaslang ng kanyang sariling mister sa Rodriguez, Rizal
Isang trahedya ang gumulantang sa Barangay Mascap, Rodriguez, Rizal nitong Miyerkules ng umaga, July 23, 2025.
Ayon sa ulat ng mga otoridad, isang babae—na kinilalang si Mary Ann Manzanillo, 34-anyos, g**o, at residente ng lugar—ang nasawi matapos ang matinding pagtatalo nila ng kanyang asawa.
Bandang alas-7:10 ng umaga, habang nagkakape sa kanilang tahanan, nagsimula ang hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa.
Pinaniniwalaang isang post sa social media (fb post) ng biktima ang pinagmulan ng tensyon. Sa gitna ng mainit na palitan ng salita, nauwi ito sa marahas na insidente na nagdulot ng matinding pinsala sa g**o. (Bin*h*san ng k@pe sa m*kha ang biktima at pinags*s*ks*k ng ilang bes3s.)
Agad siyang isinugod sa San Mateo Medical Center, ngunit hindi na naisalba ang kanyang buhay.
Ang kanyang asawa, na kinilalang si alyas “Herson,” 37 taong gulang at isang barbero, ay kusa namang sumuko sa mga awtoridad.
Ang insidenteng ito ay nagsisilbing paalala sa lahat: sa bawat salitang binibitawan online o offline, may kaakibat na responsibilidad.
Sa gitna ng anumang hindi pagkakaintindihan, sana'y laging piliin ang pag-uusap, hindi ang init ng ulo.
🕊️ Paalala: Ang tunay na pagmamahal ay hindi nananak!t, hindi nananakot, at lalong hindi nagwawakas sa trahedya.
💬 Kung may hindi pagkakaunawaan, mas mainam ang tahimik na pag-uusap kaysa sa marahas na pagtatalo.
Ang pag-unawa ay laging mas mahalaga kaysa sa pagiging tama.
💔 At tandaan: Walang karapatang manak!t—pisikal man o emosyonal—ang kahit sinong minamahal.
sa mga babae diyan piliin ninyo ang tunay at karapat dapat 💐