16/07/2025
Mas mapya eh manahimik isalig dn sa Allah ☝️🥲
Ang mainam na paghihiganti ay ang mabuting gawa
Alam nyo po ba sa panahon ngayon laganap na ang mga mapagpanggap at pilitin kang magsalita ng mga bagay bagay sa buhay mo upang ipunin ito at gawin nilang bala laban saiyo pagdating ng panahon.
Kung may nagawa man saiyo ang isang tao na masama, masakit o labag sa iyong kalooban, imbes na gumanti ka, gumawa ka nalang ng mabuti sa kapwa mo o sa kanya, yon ang pinaka the best na paghihiganti sa lahat ng sama ng loob o masakit na salita.
قَالَ تَعَالٰى : ﴿ وَجَزَاءُ سَيِّئَةٍ سَيِّئَةٌ مِّثْلُهَا ۖ فَمَنْ عَفَا وَأَصْلَحَ فَأَجْرُهُ عَلَى اللَّهِ ۚ إِنَّهُ لَا يُحِبُّ الظَّالِمِينَ ﴾ سورة الشورى ، رقم الآية : ٤٠
Sabi ng Allâh: ﴾At ang kabayaran para sa isang gawang kasamaan ay isang kasamaang nakakatulad nito; nguni’t sinuman ang nagpatawad at gumawa ng pakikipagkasundo - ang kanyang gantimpala ay nasa (kapasiyahan ng) Allâh. Katotohanan, Siya ay hindi nagmamahal sa mga mapaggawa ng kamalian.﴿ Qur’an 42:40
Tandaan ang buhay natin sa mundong ito ay napakaiksi lamang, kaya nararapat lamang na gawin natin itong laging makabuluhan at kapaki-pakinabang.
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)