20/12/2022
HATOL SA BUHOK NA NAKATALI AT NAKATIRINTAS SA PANAHON NG SALAH❗❗
👉 Halos nagkaisa ang mga pantas "Ulama" na ang pagtali ng buhok ng lalaki sa kanyang likuran sa panahon ng Salah ay Makruh (hindi kanais-nais), Ngunit ito ay natatangi lamang sa mga lalaki at hindi sakop ang mga kababaihan.
Kaya, ipinahintulot sa mga babae na magdasal na nakatali ang buhok.
👉 Sinabi ng Mahal na Proepta Muhammad sumakanya ang kapayapaan): "Ipinagbawal ng Propeta ang pagdasal ng lalaki na nakatali ang buhok sa likod"
👉 Binanggit sa Fiqh Encyclopedia: "Nagkaisa ang mga Fuqaha (mga Ulama) na Makruh (hindi kanais-nais) ang pagdasal na nakatali ang buhok sa likod"
Isinalaysay ni Imam Ash-Shawkani na sinabi ni Imam Al-Iraqi: "Ang bagay na ito (pagbabawal sa pagtali sa buhok) ay natatangi lamang sa mga kalalakihan at hindi sakop ang mga kababaihan"
☆ Ang pinaka mainam sa lahat (babae man o lalaki) ay huwag ng talian ang buhok sa likod ayon kay Shaikh Ibn Bazz ngunit kung magtatali ang babae ay wala namang problema.
☆ Ang pagtitirintas (braid hair) ng buhok ay hindi ipinagbawal sa mga lalaki at babae at hindi narin kailangan na tanggalin ang tirintas sa panahon ng Salah.
Hinggil sa pagligo ng Junob, tatanggalin lamang ang tirintas kung hindi papasok ang tubig sa ulo, ngunit kung makakarating ang tubig sa ulo ay hindi na kailangan na tanggalin ito
PAALAALA:
♦️ Ang (wisdom) ng pagbabawal sa pagtali ng buhok sa panahon Salah ay upang ito ay makasali narin sa pagsagawa ng Sujud
♦️ Ipinagbawal din ang pagtatali ng balbas (beard) ito man ay sa panahon ng Salah o hindi
👉 Sinabi ng Mahal na Proepta Muhammad:
"Sinuman ang magtali ng kanyang balbas (beard), Katunayan si Muhammad ay taliwas sa kanya (walang ugnayan o kinalaman sa kanyang gawain)" Ang Hadith ay Authentic ayon kay Shaikh Albani
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
-حديث: "نهى رسول الله ﷺ أن يصلي الرجل وهو عاقص شعره "، صححه الألباني.
-" اتفق الفقهاء على كراهة عقص الشعر في الصلاة" الموسوعة الفقهية (26/ 109)
-قال الشوكاني رحمه الله :
" قَالَ الْعِرَاقِيُّ: وَهُوَ مُخْتَصٌّ بِالرِّجَالِ دُونَ النِّسَاءِ" نيل الأوطار" (2/ 393
حديث: " مَنْ عَقَدَ لِحْيَتَهُ.... فَإِنَّ مُحَمَّدًا صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مِنْهُ بَرِيءٌ" صححه الألباني صحيح أبي داود 36
✍ Zulameen Sarento Puti