27/09/2024
KUNG TOTOONG MAHAL MO ANG PROPETA DAPAT MO SIYANG MAKILALA SAMPU NG KANYANG PAMILYA❗❗❗
👉 Napakaraming Muslim na mangmang patungkol sa kanyang mahal na Propeta ngunit kapag tinanong hinggil sa iniidolong artista o sinumang celebrities ay ididetalye pa sa iyo ang paborito nitong pagkain, pamamaraan ng pananamit, ang mga brand na ginagamit etc.. masalimoot na pangyayari❗❗
👉Kabilang sa pagmamahal sa Mahal na Propeta ay mahalin mo ang pamilya nito lalu't higit ang mga asawa, anak at mga kamag-anak nito an yumakap sa Islam.
PAANO MO MAMAHALIN KUNG HINDI MO KILALA ANG IYONG MINAMAHAL?!
HUWAG PURO ARTISTA O CELEBRITIES LANG ALAM MO❗❗
1-PANGALAN NG PROPETA: Muhammad Bin Abdullah Bin AbdulMutalib Bin Hashim
2-PANGALAN NG KANYANG INA: Aminah Bint Wahb Bin Abdi Manaf
Note: Ang magulang ng Propeta ay malapit na magkamag-anak.
Ipinanganak siyang wala ng nakagisnang ama at pumanaw narin ang kanyang ina nasa ika-anim palang ang edad ng Propeta.
3- PANGALAN NG KANYANG MGA ASAWA:
-Khadigia Bint Khuwailid
-Sawda Bint Zam'a
-Aisha Bint Abibakar
-Hafsa Bint Umar
-Zainab Bint Khuzaimah
-Hind Bint Hudhaifa
-Zainab Bint Jahsh
-Zuwairiyya Bint Harith
-Safiyya Bint Huyay
-Ramla Bint Abu Safyan
-Maimoona Bint Alharith
-Maria Bint Sham'oon
*Note: lahat ng kanyang naging asawa ay tanging si Khadigia at Maria ang nagkaroon ng anak.
-Ang pag-asawa ng mga Propeta ng higit sa apat ay natatangi lamang sa kanila.
Ang normal na tao ay pinahintulutan hanggang apat lamang kung may kakayahang pinansiyal at pisikal
4- PANGALAN NG KANYANG MGA ANAK:
*Mga anak na lalaki:
-Qasim
-Abdullah
-Ibrahim
* Mga anak na babae:
-Zainab
-Ruqayya
-Umm Kolthoom
-Fatima
5- PANGALAN NG KANYANG MGA APO:
a-Hasan
b-Husain
c-Muhsin
d-Um Kholtoom
e-Zainab
f-Abdullah
g-Ali
h-Umamah (pinaka unang apo ng mahal na Proepta)
* Note:
-Mula "A" hanggang "E" ay kanyang apo kay Fatima.
-Ang (F) ay apo niya kay Ruqayya.
-Ang (G-H) ay apo niya kay Zainab.
6- PANGALAN NG KANYANG MGA KAPATID SA PAGPAPADEDE:
a-Mga kapatid niya kay Haleema As-Sa'diyya:
-Abdullah
-Aneesa
-Huzafa
b- Mga kapatid niya kay Thuwaiba:
-Hamzah Bin Abdulmutalib (tiyo niya sa ama)
-Abdullah Bin jahsh
-Abu-Salamah Bin Abdul-Asad
-Mamdooh Bin Thuwaiba
7- PANGALAN NG KANYANG MGA TIYO SA AMA:
a-Hamzah
b-Abbas
c-Abu Talib
d-Abu Lahab
e-Zubair
f-Abdul Ka'bah
g-Muqawwim
h- Dirar
i-Qutham
j-Mugheera
k- Gaydaq
* Note: Tanging yumakap sa Islam ay sila: Hamzah at Abbas
8- PANGALAN NG KANYANG MGA TIYA SA TIYA SA AMA:
-Safiyya
-A'tiqah
-Barra
-Arwa
-Umayma
-Umm Hakim
* Note: Tanging yumakap sa Islam ay si: Safiyya. Ngunit ayon sa ibang salaysay ay si Arwa ay yumakap narin sa Islam
9- PANGALAN NG KANYANG MGA TIYO SA SA INA:
-Aswad Bin Wahb
Sa ibang salaysay siya ay yumakap narin sa Islam
10- PANGALAN NG KANYANG MGA TIYA SA SA INA:
-Fa'khita
-Furai'a
11- PANGALAN NG NAGING MANUGANG NG PROPETA "asawa ng kanyang mga anak":
-Uthman Bin Affan.
Nauna niyang napakasalan si Ruqayya. Nang ito ay pumanaw ay kanyang pinakasalan si Umm Kholtoom (tinawag siyang Dhun Noorain "nagmamay-ari ng dalawang liwanag")
-Ali Bin Abi Talib. Napangasawa niya si Fatima
-Abul A's Bin Rabiy. Napangasawa niya si Zainab
* Note: lahat na lalaking anak ng Propeta ay hindi na nakapag-asawa dahil sila ay pumanaw na maliliit pa lamang
PAALAALA:
Kabilang sa tanda ng pagmamahalan nila Umar at Ali na asawa ni Fatima ay kanilang ipinakasal ang kanilang anak na si Umm Kholtoom kay Umar at sila ay nagkaroon ng mga anak.
Nagkaroon ng apo ang mahal na Propeta mula sa anak ni Umar.
Ang bagay na ito ay tinatakpan ng mga Shia dahil ayaw nila kay Umar na kabilang sa pinangakuan ng Allah na mananahanan sa Jannah (Paraiso) at pinaka mainam na tao pagkatapos ng Propeta at ni Abubakar.
✍ Zulameen Sarento Puti