IHSAN BALIK ISLAM

IHSAN BALIK ISLAM LA ILAHA ILA ALLAH MUHAMMADAN ABDUHU WA RASULLULLAH WALANG IBANG DIYOS NA DAPAT SAMBAHIN MALIBAN KAY

12/09/2025

AANYAYAHAN ANG SANGKATOHAN SA PAGSAMBA LAMNG KAY ALLAH swt

By ustad Brother Sudais Mobarak Assalamo alaykom warahmatullahi wabarakatoho maaring mamayang gabi magkakaroon ng lunar ...
07/09/2025

By ustad Brother Sudais Mobarak
Assalamo alaykom warahmatullahi wabarakatoho maaring mamayang gabi magkakaroon ng lunar eclipse basahin nyo lang ito upang malaman nyo ang mga batas patungkol
Dito:

ANG SALATUL KUSUF/KHUSUF

1. Ano ang kahulugan nito?

Ang kusuf ay ang eklipse ng araw o sa wikang Ingles ay solar eclipse samantalang ang khusuf ay ang eklipse ng buwan o sa wikang Ingles ay lunar eclipse.

2. Ano ang hatol nito sa Islam? At ano ang mga katangian nito?

Ang salatul kusuf/khusuf ay isang uri ng salah na sunnah muakkadah at hindi wajib, na binubuo ng dalawang rak’ah kung saan sa bawat rak’ah ay mayroon itong dalawang qiyam (pagtayo)/qiraah (pagbasa), dalawang ruku’ (pagyuko), at dalawang sujud (pagpapatirapa) na taliwas sa ibang mga karaniwang dalawang rak’ah na mga sunnah na salah na may isang qiyam/qiraah at isang ruku’ lamang sa bawat rak’ah nito. Samakatuwid ang salatul kusuf/khusuf ay may kabuuang apat na qiyam/qiraah, apat na ruku’ at apat na sujud sa loob lamang ng dalawang rak’ah.

Ang pagbasa ng imam ng Quran ay sa paraang hayag o malakas.

Ito ay mas mainam na isinasagawa ng kongregasyon (grupo ng mga ma’mum na pinangungunahan ng imam) subalit maaari rin naman itong isagawa na ikaw ay mag-isa lamang.

Kapag isasagawa ito ng jama’ah ay itinatawag ng malakas ang mga katagang “As-Salatu Jami’ah” na ang ibig-sabihin ay “Magsasagawa tayo ng salah sa paraang kongregasyon” upang marinig ng mga tao at magtungo sila sa masjid o musalla na pagdarausan nito. Ang salatul kusuf/khusuf ay walang adhan at iqamah. At mainam din naman na kung may prediksyon na alam ang pagdating ng isang eklipse ay ipaalam ito ng maaga sa mga tao na sa ganitong oras ay magkakaroon insha Allah ng eklipse upang sila ay makapaghanda. Ang mga babae ay maaaring sumama sa kongregasyon subalit sila ay sa likod ng mga lalake.

3. Kailan ito isinasagawa?

Ang oras ng pagsasagawa nito ay sa panahon kung kailan magkakaroon ng eklipse. Nagsisimula ito kapag nagsimula ang eklipse at hanggang sa matapos ito. Kung minsan ay tumatagal ang eklipse ng mga isang oras lalo na kung ito ay buong eklipse. Kung minsan naman ay mas maiksi rito kapag ang eklipse ay bahagya lamang na natatakpan ang araw o buwan.

Kahit sa oras mismo na bawal isagawa ang mga salah naganap ang eklipse ay sunnah pa rin na isagawa ito habang nagaganap ang eklipse hanggang sa matapos ito.

4. Mayroon ba itong khutbah?

Pagkatapos ng salatul kusuf/khusuf ay sunnah rin na tumayo ang imam upang magbigay ng khutbah hanggang sa tuluyan nang maglaho ang eklipse. Mainam na ipaalala ng khatib/imam sa mga tao ang pagpaparami ng paggawa ng ibadah at paggunita kay Allah, paghingi ng kapatawan at pagbabalik loob, at pagbibigay-kawanggawa.

5. Narito ang bai-baitang na pagsasagawa nito.

a. Takbiratul Ihram.
b. Basahin ang Suratul Fatihah.
c. Magbasa ng anumang surah o mga ayah sa Quran. Higit na mainam at sunnah kung mahabang surah ang babasahin.
d. Magtakbir at magruku’. Sunnah na mahabang ruku’ ang isasagawa. Kaya’t maraming beses na basahin dito ang mga tasbih at mga dua na binabasa para sa ruku’.
e. Umangat mula sa ruku’ habang binibigkas ang “sami ‘allahu liman hamidah rabbana wa lakal hamd”. At basahin ulit ang Suratul Fatihah.
f. Pagkatapos basahin ang Suratul Fatihah ay magbasa ng anumang surah o mga ayah sa Quran. Sunnah na mas maiksi ang babasahin dito kumpara sa nauna.
g. Magtakbir at magruku’ ulit at sunnah rin na mahabang ruku’ subalit mas maiksi kumpara sa nauna.
h. Umangat mula sa ruku’ habang binibigkas ang “sami ‘allahu liman hamidah rabbana wa lakal hamd”.
i. Magtakbir at magsujud. Sunnah na mahabang sujud ang isasagawa. Kaya’t maraming beses na basahin dito ang mga tasbih at mga dua na binabasa para sa sujud.
j. Magtakbir at umupo. Dito ay hindi mahabang pag-upo at huwag kakalimutang basahin ang mga dua na binibigkas dito.
k. Magtakbir at magsujud ulit at sunnah rin na mahabang sujud subalit mas maiksi kumpara sa nauna.
l. Pagkatapos ay magtakbir ulit upang tumayo at ulitin ang prosesong katulad sa unang rak’ah.
m. Kapag umabot na sa ikalawang sujud ay magtakbir para umupo at isagawa ang tahiyyat/tashahhud at pagkatapos ay magsagawa ng taslim.
n. Pagkatapos ng taslim ay magbibigay ng khutbah ang imam ng isang tayuan lamang. Hindi ito katulad ng khutbah sa Salatul Jumu’ah o Salatul Eid na dalawang beses tatayo ang imam/khatib kung saan sa pagitan nila ay may panandaliang pag-upo.

6. Mga Ilang Paalala.

a. Maaaring basahin ang anumang surah subalit mas mainam na ito ay mahaba.
b. Mas mainam na ang pinakamahabang bahagi ng qiraah, ruku’ at sujud ay sa unang bahagi at paiksi ng paiksi hanggang sa ikaapat na qiraah, ruku’ at sujud.
c. Hindi pahahabain ang bahagi ng i’tidal o pag-angat mula sa ruku’ at sa julus o pag-upo sa pagitan ng dalawang sujud. Normal lamang na haba ang dapat dito.
d. Sunnah na magbigay ng sadaqah.
e. Ang eklipse ay hindi nagaganap dahil may namatay at hindi rin dahil may ipinanganak na tanyag o dakilang tao. Ang araw at buwan ay kabilang sa mga tanda ni Allah subhanahu wa

23/08/2025

Asalamualaikum
Jazakallahumukairan
Thank you all my

20/08/2025

Jazakallahumukairan
Madami salamat sa inyong lahat

Address

Riyadh

Opening Hours

Monday 6am - 6pm
Tuesday 6am - 6pm
Wednesday 6am - 6pm
Thursday 6am - 6pm
Friday 6am - 6pm
Saturday 6am - 6:08pm
Sunday 6am - 6am

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when IHSAN BALIK ISLAM posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to IHSAN BALIK ISLAM:

Share