19/03/2025
NAPAKARAMING GANTIMPALA ANG HAKBANG PATUNGONG MASJID❗❗❗
👉 Narito ang iilan sa kahigitan ng iyong hakbang patungong Masjid:
1- Ang kanang hakbang ay nag-aangat sa tao sa pinaka mataas na antas sa paraiso
2- Ang kaliwang hakbang ay nagpapawi ng kasalanan (napapatawad)
3- Ang Hakbang ay katumbas ng Ribat (pakikibaka sa landas ni Allah)
4- Sila na naglalakad patungong Masjid ay binibigyan ng kumpletong liwanag sa araw ng paghuhukom
5- Ang siyang pinaka malayo ang nahakbang ay magkakamit ng pinaka malaking gantimpala!
👉 Alalahanin na ang iyong hakbang patungong MASJID at pabalik sa iyong tahanan ay punong-puno ng biyaya, walang hanggang gantimpala, at kabilang sa iyong mga Sadaqa (kawanggawa)!!
👉 NARITO ANG IILAN SA MGA BATAYAN!
♦️a- Sinabi ni Propeta Muhammad (sumakanya ang biyaya at kapayapaan): "Ninanais ba ninyong ipabatid ko sa inyo ang mga nakakapawi ng inyong kasalanan at nag-aangat ng inyong karangalan?…Paramihin ang hakbang patungong Masjid.” Inulat ni Imam Muslim
♦️b-Karugtong ng Hadith: “Ito ay isang Ribat (pakikibaka sa landas ni Allah).
♦️c-Sa ibang Hadith: “Ang kalilwang hakbang ay nagpapawi ng kasalanan at ang kanang hakbang ay nagtataas ng kanyang antas sa Paraiso" Inulat ni Imam Muslim
♦️c- Hinangad ng Banu Salama na lumipat at magpatayo ng bahay na malapit sa Masjid ng propeta dahil ang kanilang tahanan ay malayo sa Masjid.
Sinabi ng Mahal na Propeta: "Huwag na kayong lumipat dahil ang lahat ng inyong hakbang patungong Masjid ay inyong magiging tanda (gagantimpalaan kayo ng malaki sa araw ng paghuhukom)
♦️e- Sinabi ng Mahal na Propeta: "Ang pinaka malaking gantimpala ay sila na malayo ang nahakbang. Magpalayo ng habang" Inulat ni Imam Muslim
PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: ”ألا أدلكم على ما يمح الله به الخطايا, ويرفع به الدرجات؟.....كثرة الخطا إلى المساجد.“ رواه مسلم 251
حديث: "فَذَلِكُمْ الرِّبَاطُ , فَذَلِكُمْ الرِّبَاطُ" رواه مسلم 251
حديث: " خَطْوَتَاهُ إِحْدَاهُمَا تَحُطُّ خَطِيئَةً , وَالأُخْرَى تَرْفَعُ دَرَجَةً" رواه مسلم 666
حديث: " إن أعظم الناس أجرًا في الصلاة أبعدهم إليها ممشى فأبعدهم" رواه مسلم
✍ Zulameen Sarento Puti