OFW in Riyadh

OFW in Riyadh (PROUD MAGUINDAON)
ASSALAMO ALAYKOM WARAHMATULLAHI WABARAKATUHO☝️

MASISIRA ANG BUONG KARAGATAN SA PAMAMAGITAN NG IYONG PAMIMINTAS❗❗❗👉 Ipinagbawal ang pamimintas o pangungutya kahit sa pa...
23/06/2026

MASISIRA ANG BUONG KARAGATAN SA PAMAMAGITAN NG IYONG PAMIMINTAS❗❗❗

👉 Ipinagbawal ang pamimintas o pangungutya kahit sa pamamagitan ng biro lalu't sa hitsura ng iyong kapwa tulad ng pagsabi ng:

-PANDAK, PANGO, PANOT "may kaakibat na pangunutya"❗

-PANGIT! HINDI KAAYA-AYA ANG HITSURA MO

- IKAW AY MULA SA LAHI NG MABABANG ANGKAN etc..

-HINDI KA NAMIN KA LEVEL❗❗❗

👉 Nang mabanggit ni Aisha sa harap ng Propeta si Safiya ay isang pandak.

Sinabi ng Propeta: "Katunayan, ikaw ay nakapagsalita ng isang matinding salita na kapag ito ay inihalo sa karagatan "pamimintas o pangungutya" ay MASISIRA ANG LASA NG BUONG KARAGATAN"

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang biyaya ang kapayapaan): "Huwag saktan (kutyahin o pintasan) ang Mukha" Authentic na Hadith ayon kay Albani

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Nang dinala ako sa langit nadaanan ko ang mga taong may mga kuko na yari sa tanso at pinagkakamot nila ito sa kanilang mga mukha at dibdib. Ako'y nagsabi: Sino sila oh! Anghel Jibreel? Sya'y sumagot:Sila ang mga taong naninirang-puri sa kapwa at namimintas ng dangal ng mga tao". (ABU DAWUD)

👉 Sinabi ni Ibno Kather sa kanyang Tafseer sa sa Surah alhujarat 11-12 sa tafseer na sa Volume 7/376 :
"Ipinagbawal ni Allah ang Pamimintas at Pagmamaliit at pang iinsulto sa mga tao,

Naiulat mula sa Sahih na sugo ni Allah ay nagsabi:
"Ang Kibr/ Pagmamalaki ay ang Pagtatanggi sa katotohanan at Pagmamaliit sa mga tao"

PAALAALA:
👉 Sakop din ng pamimintas ang panggagaya sa galaw o boses ng isang tao na ang hangarin ay upang kutyahin.

👉 Kadalasan din ito nangyayari sa may ka-DUAYA (minsan mataas ang tingin ng isa sa kanyang ka duaya👎👎👎

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "لقد قلتِ كلِمَةً لو مُزِجت بماءِ البحرِ لمزجته"أخرجه أبو داود (4875) واللفظ له، والترمذي (2502
حديث: "ولا تقبِّحِ الوجْهَ" صححه الألباني في صحيح أبي داود
حديث: "لما عرج بي مررت بقوم لهم أظفار من نحاس يخمشون وجوههم وصدورهم فقلت: من هؤلاء يا جبريل؟ قال: هؤلاء الذين يأكلون لحوم الناس ويقعون في أعراضهم"
قال ابن كثير رحمه الله في تفسيره (7/ 376): " ينهى تعالى عن السخرية بالناس، وهو احتقارهم والاستهزاء بهم، كما ثبت في الصحيح عن رسول الله صلى الله عليه وسلم أنه قال: "الكبر بطر الحق وغمط الناس"

✍️🇸🇦🌻🌾

HUWAG MAGDAMOT UPANG HINDI KA PAGDAMUTAN "pagkaitan ng biyaya mula kay Allah"❗❗❗  👉Tinanong ni Asma (anak ni Abubakar) A...
23/06/2026

HUWAG MAGDAMOT UPANG HINDI KA PAGDAMUTAN "pagkaitan ng biyaya mula kay Allah"❗❗❗

👉Tinanong ni Asma (anak ni Abubakar) Ang Mahal na Proepta:
"O Sugo ni Allah! Wala akong kayamanan maliban kung ano lamang ang ibinibigay sa akin ni Zubair (aking asawa), Magbibigay paba ako ng Sadaqa (kawanggawa)?

Ang tugon ng Propeta: "Magbigay ka ng SADAQA (kawanggawa) at huwag mong pagkaitan ang sarili mo sa pamamagitan ng pagbigay ng SADAQA upang hindi ka paga
kaitan ni Allah mula sa Kanyang Biyaya" Inulat nila Imam Albukhari at Muslim

- Kung nais mo na laging mabiyaya o pagkakalooban ka lagi ni Allah ng maraming Biyaya ay panatilihin ang pagkawanggawa kahit man ito ay sa maliit na bagay👍

👉Alalahanin na ang pagkawanggawa ay hindi nakakabawas ng kayamanan

👉Sinabi ng Mahal na Proepta: "HINDI MAKAKABAWAS SA KAYAMANAN ANG PAGKAWANGGAWA"

Dahil ang kawanggawa ay nagpaparami ng Biyaya sa kayamanan.

PAALAALA:

♦️Kapag may labis na kayamanan pagkatapos maibigay ang obligadong gastusin o sustento sa pamilya ay mainam magkawanggawa

♦️Ang pinaka mainam na kawanggawa ay umpisahan sa pinaka malapit na kamag-anak o mahal sa buhay dahil gantimpala nito ay dalawa:

1-Gantimpala dahil sa Sadaqa

2- Gantimpala dahil sa ugnayan kamag-anakan

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "لا تُوكِي فيُوكَى عَلَيْك" أخرجه البخاري (1433)، ومسلم (1029)
حديث: " ما نقصت صدقةٌ من مالٍ" أخرجه مسلم (2588)

✍️🇸🇦🌻🌾

23/06/2026

Marami ang takot kumain ng baboy dahil alam nilang ito ay haram, ngunit nakalulungkot na may mga taong hindi gaanong nag...
23/06/2026

Marami ang takot kumain ng baboy dahil alam nilang ito ay haram, ngunit nakalulungkot na may mga taong hindi gaanong nag-iingat sa riba, samantalang ito ay isa sa pinakamalalaking kasalanan na may matinding babala mula sa Allah at sa Kanyang Sugo ﷺ.

Tandaan natin mga kapatid, kung takot tayong kumain ng karne ng baboy dahil ito ay haram, dapat ganoon din tayo mag-ingat sa perang galing sa riba. Ang perang kinita sa haram ay haram din gamitin at ipangkain sa ating sarili at pamilya.

﴿وَأَحَلَّ اللَّهُ الْبَيْعَ وَحَرَّمَ الرِّبَا﴾

"Pinahintulutan ng Allah ang kalakalan at ipinagbawal ang riba." (Al-Baqarah: 275)

Nawa'y pagkalooban tayo ng Allah ng halal at pinagpalang kabuhayan at ilayo tayo sa lahat ng uri ng haram.

✍🏻🇸🇦🌻🌾

PARUSA SA MGA SHI,A SA PANAHON ASHOORAH NG DI NILA NAPAPANSIN❗❗❗👉 Marami parin sa atin ang hindi nakakaalam na kabilang ...
22/06/2026

PARUSA SA MGA SHI,A SA PANAHON ASHOORAH NG DI NILA NAPAPANSIN❗❗❗

👉 Marami parin sa atin ang hindi nakakaalam na kabilang sa paniniwala (Doktrina) ng mga SHI,A ay ang pamamaratang sa asawa ng PROPETA NG ZINA❗

-Kabilang sa batas ng Shariah kapag pinaratangan ang isang tao ng Zina na walang mai-provide na apat na testigo ay papatawan ng parusang walumpong paglatigo❗

👉Kaya sa panahon ng Ashoora ay Pinaparusahan ni Allah ang mga Shi,a ng hindi nila napapansin sa pamamagitan ng pananakit nila sa kanilang mga sarili, pananampal sa mga mukha at paghahampas ng patalim sa kanilang mga katawan etc..

Buong akala nila na ito ay isang uri ng paggunita, pagdadalamhati at pakikiramay sa kamatayan ni Hussain❌

Ngunit hindi nila napapansin (di nalalaman) na ito
ay kabilang sa kaparusahan at ganti sa kanilang pamiminsala sa Islam, sa mga Sahaba (kasamahan ng Propeta) at ang paninirang puri sa mga asawa ng Propeta❗❗❗

-Kanilang hinatulan ang karamihan sa mga Sahaba na pag-murtad, Pinaratangan ng Zina (maruming babae) ang mga asawa ng Propeta❗

-Araw / gabing pagmura, pagsumpa sa mga Sahaba tulad nila: Abubakar, Umar, Uthman, Aisha, Hafsa etc..❗

-Simula ng naitatag ang mga SHI,A magpahanggang ngayon ay hinangad na nilang pabagsakin ang Islam sa pamamagitan ng pamiminsala, pag-massacre (genocide / atrocity) sa milyon milyong mga Muslim, pakipagsabwatan sa mga kalaban ng Islam upang pabagsakin ang Islam, ito ay pinatunayan ng kasaysayan❗
(Libong Aklat na ang naisulat sa kanilang ginawang genocide, atrocity, massacre sa mga Muslim❗

PAALAALA:

👉KAPAG PINARATANGAN ANG IYONG INA NG ZINA AY MAKIPAGPATAYAN KA, PAANO NALANG KUNG ANG PINARATANGAN AY MAS HIGIT PA SA IYONG INA TULAD NG ASAWA NG PROPETA?!❗

👉Kabaliktaran naman sa mga MUSLIM (Ahlus Sunnah wal-Jamaa) na kung saan pinapatawad ang kanilang isang taon na kasalanan dahil sa kanilang pagsunod sa tamang panuntunan ng mahal na Propeta sa pamamagitan ng pag-aayuno sa araw na ito🤲

👉Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya nawa ang biyaya at kapayapaan):
“...At Ang pag-aayuno sa araw ng Ashoorah ay Umaasa ako na mapatawad ang isang taon na kasalanan na nagawa bago pa ang taong ito" Iniulat ni Imam Muslim 1162

حديث : " ....وَصِيَامُ يَوْمِ عَاشُورَاءَ أَحْتَسِبُ عَلَى اللَّهِ أَنْ يُكَفِّرَ السَّنَةَ الَّتِي قَبْلَهُ " رواه مسلم 1162

✍️🇸🇦🌻🌾

YUNG GUSTO NINYO ANG ISA'T ISA, PERO HINDI KAYO ANG QADAR PARA SA ISA'T ISA‼️BAKIT MASAKIT? KASI NAGMAHAL KA NG HINDI PA...
22/06/2026

YUNG GUSTO NINYO ANG ISA'T ISA, PERO HINDI KAYO ANG QADAR PARA SA ISA'T ISA‼️

BAKIT MASAKIT? KASI NAGMAHAL KA NG HINDI PA ORAS.

Ukhtie/Akhie, ganito yan.

Minahal mo siya. Gusto mo siya. Akala mo siya na.
Kinilig ka sa mga chat niyo.
Inisip mo na siya ang makakasama mo habang buhay.
Pinangarap mo na kasama siya sa Jannah.
Nag-du'a ka: "Ya Allah, siya na po sana."

Pero sa huli, hindi pala kayo para sa isa't isa.
Umalis siya. O ikaw ang umalis. O pinaglayo kayo ng tadhana..
Tapos ang sakit. Parang hindi makahinga.
Tanong mo: "Bakit Ya Allah? Mahal ko naman siya eh."

Sagot: Kasi hindi lahat ng mahal mo, para sayo.
At hindi lahat ng gusto mo, ibibigay sayo.

Sabi ng Allah: Maaaring kamuhian ninyo ang isang bagay, at ito ay mabuti para sa inyo. At maaaring mahalin ninyo ang isang bagay, at ito ay masama para sa inyo. Si Allah ang nakaaalam, at kayo ay hindi nakaaalam. [Surah Al-Baqarah 2:216]

Ukhtie/Akhie, akala mo siya na kasi masaya ka sa kanya.
Pero si Allah nakita Niya na baka hindi ka sasaya sa kanya habang buhay.
Akala mo siya ang makakapagpalapit sayo kay Allah.
Pero si Allah alam Niya na baka siya pa ang maglalayo sayo sa Kanya.

Si Allah hindi tumitingin sa 1 month o 1 year niyong relasyon.
Si Allah tumitingin sa buong buhay mo hanggang Kabilang Buhay.

Bakit pinagtagpo kung hindi rin pala kayo ang qadar?

Para turuan ka ukhtie/akhie.

Tinuruan ka ni Allah magmahal. Pero tinuruan ka rin Niya bumitaw.
Tinuruan ka Niya umasa. Pero tinuruan ka rin Niya na si Allah lang ang hindi ka bibiguin.
Tinuruan ka Niya na ang puso ng tao, nagbabago.
Pero ang pagmamahal ni Allah sayo, hindi kailanman magbabago.

Yung taong yun, lesson siya. Hindi siya destination.
Dumaan siya sa buhay mo para ihanda ka sa taong talagang para sayo.
O para ihanda ka na mas mahalin mo si Allah higit sa lahat.

Kaya wag mo sisihin si Allah. Wag mo sabihing unfair si Allah.
Ang unfair ay yung ipipilit mo yung taong hindi para sayo.
Tapos pag naghiwalay din kayo bandang huli, mas masakit.
Baka may anak na kayo. Baka may nasira nang pamilya.

Kaya ngayon pa lang, inilayo na kayo ni Allah.
Kasi mahal ka ni Allah. Ayaw Niya masaktan ka lalo sa dulo.

Isipin mo:
Kung kayo talaga ang qadar, walang makakapaglayo sa inyo.
Kahit buong mundo humadlang, pagtatagpuin pa rin kayo ni Allah.
Pero kung hindi kayo ang qadar, kahit anong kapit mo, bibitaw at bibitaw yan.

Ano gawin mo ngayon na ang sakit-sakit pa?
Unang gawin: Umiyak ka kay Allah. Hindi sa kanya.‼️
Sa sujud ka umiyak. Sabihin mo: "Ya Allah, ang sakit. Pero tinatanggap ko ang Qadar Mo."

Pangalawa: Putulin mo na lahat ng connection.
Unfriend. Block. Delete. Wag mo na i-stalk.
Kasi habang nakaabang ka pa, hindi ka makaka-move on.
Hindi ka makaka-move on kung bukas pa bintana mo sa kanya.

✍️🇸🇦🌻🌾

21/06/2026

TANDA A KABINASA NO MAGINGED NA AMAIKA EGKADAKEL SO LAMPAWI, PAWAL, MATEGEL EMBUKO ENDO DUPANGPidtalo no Nabi Muhammad (...
21/06/2026

TANDA A KABINASA NO MAGINGED NA AMAIKA EGKADAKEL SO LAMPAWI, PAWAL, MATEGEL EMBUKO ENDO DUPANG

Pidtalo no Nabi Muhammad (makatalingguma salkanin so Sajahatra):
"Padtaday (talima) no den i nganin a initagak ko salkano a kasuguan.
Sabensabenal ya kinabisa no mga taw a nangawna salkano na sabap kano madakel a pamakaidsa nilan (sabap sa kalampawi, pawal atawka mategel embuko) endo so kinasumpalit (kinambida-bida) nilan kano mga Nabi nilan.

Nganin a inisapal ko na tangkay no. Nganin manem i kasuguan ko na enggalbeku sa endaw taman i magaga no lon"
Nilimod ni Imam Albukhari endo Imam Muslim

Ya pakatutulo no niya a Hadith na so katangka sa kasumpalit endo kapawal labi lawan ya embitialan na so kapagagama!

Isalig tano den kano mga migkakataw so nganin a bitiala sa agama endo di tano manumpalit, mamawal endo dili embuko!

Guna isugo no Nabi Musa kano mga taw nin i sumumbali sa sapi (malmo gid a kasuguan), Sabap sa ka kadakelan kano mga taw na sumpalit, mga pawal, madakel i idsa endo mategel embuko na ya nin pidtamelan na so malmo a kasuguan na mimbaloy a malgen!

Guna isugo no Nabi Muhammad i kagkagi na aden pan kano mga taw i minidsa: "Nginto uman lagon na egkagi?" pimbabalingan nilan midsa sa nakasaut sa nakatlo na dili den pedtalo so Nabi. Ulianin na yanin nakasumpat na: "upama ka yako pidtalo i uway na, mawagib salkano"

Endaw i kauma na kasuguan na diden sumumpalit atawka mamawal so taw ka endo dili egkalgen so kasuguan!

Yabo idsa na taw na nganin a enggagaisa a dili nin katawan a makangguna salkanin. Diden iamong midsa i enggaisa a dala kataganin atawka imposibli a manggula!!

Kinandutan kano niya a bitiala:

حديث: "ذروني ما ترَكتُكم فإنَّما هلَك الَّذينَ من قبلِكم بِكثرةِ مسائلِهم واختلافِهم على أنبيائِهم ، ما نَهيتُكم عنهُ فاجتَنبوهُ وما أمرتُكم بِه فافعلوا منهُ ما استطعتُم" أخرجه البخاري (7288)، ومسلم

✍️🇸🇦🌻🌾

may mga kondisyon. Hindi lahat ng lalaki pinapayagan mag-asawa ng 4.Sa Islam, ang polygamy = max 4 na asawa, pero may 2 ...
21/06/2026

may mga kondisyon. Hindi lahat ng lalaki pinapayagan mag-asawa ng 4.

Sa Islam, ang polygamy = max 4 na asawa, pero may 2 mahigpit na kundisyon sa Qur'an 4:3:

Kaya mong maging patas sa lahat
"Pero kung natatakot kayong hindi kayo magiging makatarungan, mag-asawa na lang kayo ng isa" Qur'an 4:3.
Kung alam mong hindi mo mabibigyan ng equal na oras, pera, at trato ang mga asawa mo, mas mainam na isa lang. Ang pagiging "patas" dito sobrang hirap - pati pagmamahal atensyon dapat pantay.

May kakayahan ka financially at emotionally
Kailangan mo buhayin, tirahan, at alagaan lahat sila ng maayos. Kung kapos ka, hindi pwede.

Kaya "hindi pinahihintulutan" sa mga ganitong lalaki:
Hindi marunong maging makatarungan - mainitin ang ulo, bias, hindi kayang mag-manage
Walang financial capability - kahit pambayad sa basic needs ng 1 asawa hirap na
May sakit / hindi kayang magpamilya - physically o mentally hindi kaya ang responsibilidad

Ang default sa Islam ay monogamy = 1 asawa lang. Ang pag-asawa ng 4 ay exception lang, at para lang sa kaya talaga ang bigat ng responsibilidad.☝️

✍️🇸🇦🌻🌾

Address

Exit 13
Riyadh

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when OFW in Riyadh posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share