16/02/2026
VP SARA DUTERTE, NANGAKO PROTEKSYON SA MGA PILIPINO LABAN SA WARRANT-ARREST MULA SA ICC
Iginiit ni Sara Duterte na handa siyang ipagtanggol ang mga kapwa Pilipino kung sakaling hindi ito magawa ng Pangulo laban sa arrest warrant mula sa isang bansang walang hurisdiksyon sa Pilipinas. “I will do all my best to protect them… ako ang haharang jan bilang pangalawang pangulo at citizen ng bansang Pilipinas,” ani Duterte.
Aniya, ang korte ng Pilipinas lamang ang may karapatang humusga kung may nagawang sala ang sinuman, at hindi ang mga hukuman ng ibang bansa na wala namang ambag sa atin. Dagdag pa niya, “Kung sinasabi nyang wala syang kapangyarihan na gawin yan, ipakita ko sakanya na bilang official na binuto ng taong bayan, AKO KAYA KO.” Ang pahayag ni VP Sara ay malinaw na paninindigan sa proteksyon ng karapatan ng bawat Pilipino sa harap ng pandaigdigang isyu.