Mr. Edison

Mr. Edison Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mr. Edison, Digital creator, Al Batha, Riyadh, Saudi Arabia, Riyadh.

Ginawa ko ang Facebook account na ito para sa mga tunay na tagasuporta ni Inday Sara Duterte na gusto ng pagbabago. Paki...
03/04/2026

Ginawa ko ang Facebook account na ito para sa mga tunay na tagasuporta ni Inday Sara Duterte na gusto ng pagbabago. Pakiusap, bawal ang mga dummy Facebook account! Salamat sa inyong pagmamahal at suporta! Pagpalain nawa tayo ng Diyos! 😊💚💯

02/04/2026

Makinig kayo kay Inday Sara Duterte para malaman nyo ang totoo!

01/04/2026

Maraming Salamat sa inyong lahat 😊💚
-Inday Sara Duterte- 💯

01/04/2026

Life is here!

01/04/2026

Pag ito nakasurvive sa 2028 Goodluck nalang sa inyo!

54TH DATU BAGO AWARDS CONFERMENT 2026Davao CityIsang karangalan para sa akin na personal na nakadalo at maigawad ang pag...
01/04/2026

54TH DATU BAGO AWARDS CONFERMENT 2026
Davao City

Isang karangalan para sa akin na personal na nakadalo at maigawad ang pagkilala at parangal sa mga natatanging Dabawenyo sa ginanap na Datu Bago Awards Conferment—na bahagi ng taunang selebrasyon ng Araw ng Dabaw.

Ang Datu Bago Award ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad ng lokal na pamahalaan sa mga Dabawenyo para sa kanilang di-matatawarang kontribusyon sa paglago, pag-unlad, at pagpapanatiling buhay sa kultura at tradisyon ng lungsod.

Sa lahat ng mga pinarangalan, maraming salamat sa inyong paninindigan, pagsisilbi nang may layunin, at paggawa ng mga bagay na panghabambuhay.

Magpabilin kitang lig-on sa pagbarog alang sa atong pinalanggang dakbayan.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

LUNCH MEETING WITH DAVAO CITY COUNCILDavao CityMasaya tayong nakasama sa isang simpleng pananghalian noong nakaraang lin...
01/04/2026

LUNCH MEETING WITH DAVAO CITY COUNCIL
Davao City

Masaya tayong nakasama sa isang simpleng pananghalian noong nakaraang linggo ang mga miyembro ng Davao City Council—na ating naging katuwang noon sa paglilingkod sa mga Dabawenyo.

Espesyal ang pagtitipon dahil kasabay ito sa month-long celebration ng 89th Araw ng Dabaw ngayong Marso, kung saan nabigyan kami ng pagkakataon na makapag-kamustahan at makapagbahagi sa aming mga naging karanasan bilang lingkod-bayan.

Malipayon ako nga subli kamong makauban. Taliwala sa mga pagsulay, padayon kitang magkahiusa ug magtinabangay alang sa atoang isigkatawo ug sa atoang pinalangga nga lungsod.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

PAGBISITA SA MGA BAGONG PANGANAKZamboanga Medical CenterZamboanga CityKasiyahan ang dala sa akin ng nakumusta at nakausa...
01/04/2026

PAGBISITA SA MGA BAGONG PANGANAK
Zamboanga Medical Center
Zamboanga City

Kasiyahan ang dala sa akin ng nakumusta at nakausap ko ang mga bagong panganak na ina nang bumisita tayo sa Zamboanga Medical Center noong nakaraang buwan.

May nakilala tayong isang nanay, at labis ang aking kasiyahan nang nabigyan tayo ng pagkakataon na makapagbigay ng suhestiyon sa ipapangalan sa sanggol.

Lagi nating paalala sa mga magulang ang kahalagahan ng family planning, lalo’t dito nakasalalay ang kinabukasan ng ating mga anak.

Hinihikayat din natin ang mga nanay na magpa-prenatal checkup upang masigurong maayos ang pagbubuntis at ang kalagayan ng batang dinadala nila. Libre ito sa mga Rural Health Unit at Barangay Health Stations sa ating mga lugar.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

COMMENCEMENT EXERCISESJohn Paul Benedict School of Meycauayan, Inc.Meycauayan, BulacanKarangalan para sa atin na maimbit...
01/04/2026

COMMENCEMENT EXERCISES
John Paul Benedict School of Meycauayan, Inc.
Meycauayan, Bulacan

Karangalan para sa atin na maimbitahan sa Commencement Exercises ng John Paul Benedict School of Meycauayan sa Bulacan kahapon.

Naging laman ng ating mensahe sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng edukasyon. At tulad ng pagpapahalaga sa academics o bawat asignatura, pinaintindi rin natin sa kabataan ang importansiya ng values o pagkakaroon ng magandang asal.

Kinilala at pinasalamatan din natin ang mga magulang na nagsakripisyo upang makapagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak. Sa kabila ng nararanasang krisis, hinihikayat natin ang mga magulang na patuloy na mamuhunan sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Maraming salamat sa bumubuo ng John Paul Benedict School of Meycauayan. And congratulations to our movers and graduates. Remember to always walk with courage and live with purpose.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

GRADUATION CEREMONYKananga National High SchoolSenior High School DepartmentKananga, LeyteIkinagagalak kong nakadalo at ...
01/04/2026

GRADUATION CEREMONY
Kananga National High School
Senior High School Department
Kananga, Leyte

Ikinagagalak kong nakadalo at nakasama ang mga mag-aaral ng Kananga National High School–Senior High School Department sa Leyte, sa mismong araw ng kanilang pagtatapos.

Sa ating mensahe sa kanila, muli nating ipinaalala ang kahalagahan ng edukasyon sa pagbabago ng kanilang buhay at maging ng kanilang pamilya.

Ibinahagi rin natin sa mga nagsipagtapos ang apat na Be’s na itinuro ko rin sa aking mga anak.

Una, be kind. Huwag manira at manakit ng kapwa.

Pangalawa, be humble. Ang kakayahan ay ating gamitin sa pagtulong sa kapwa.

Pangatlo, be happy. Palaging magpasalamat sa Diyos kahit sa mga maliliit na bagay sa ating buhay.

At pang-apat, be careful. Piliin nang mabuti ang mga magiging kaibigan, lalo’t sila ang magdadala sa inyo tungo sa kabutihan o kapahamakan.

Pinaalalahan din natin ang kabataan na magpasalamat sa kanilang mga magulang at mga taong tumulong upang sila’y makapagtapos. Bilang ina, alam kong hindi madali ang pinagdaanan ng mga magulang upang mapag-aral ang kanilang mga anak.

Sa lahat naman ng magulang, pakiusap natin na sa gitna ng krisis ay patuloy na mamuhunan sa edukasyon ng kanilang mga anak.

Maraming salamat sa Kananga National High School at sa mga dati kong kasamahan sa Kagawaran ng Edukasyon sa inyong imbitasyon at mainit na pagtanggap.

Mahalin natin ang Pilipinas—para sa Diyos, sa Bayan, at sa bawat Pamilyang Pilipino.

01/04/2026

Tulong tayo sa pag-abot ng 32 Million supporters ni VP Inday Sara Duterte! Follow for exclusive updates!

Address

Al Batha, Riyadh, Saudi Arabia
Riyadh
11461

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mr. Edison posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share