11/09/2024
I can’t imagine na gumawa ako ng kilay sa isang client at umabot ng 4hrs which is 1hr lang dapat and I am not satisfied with the results dahil pinakikialaman ako sa gagawin ko at napepressure ako while doing the procedure. Bago po ako naging spmu artist isa po akong professional makeup artist and i’ve been doing this for almost 5 years now. Passion ko na po ito at hindi lang basta nakisunod sa uso dahil lang sa uso ang ganitong negosyo. Bago po kayo magpabook ng appointment ninyo please read the following below 👇🏻
- Please don’t teach me how to do your eyebrows.
- Please huwag ninyo ipilit yong shape na gusto ninyo dahil may tamang measurement po diyan.
- Please avoid using phone, lalong lalo na po video call kapag ginagawan ko po kayo ng kilay.
- Please refrain from talking while i do your eyebrows dahil gumagalaw po ang kilay ninyo kapag nag sasalita po kayo.
- Please stop checking your eyebrows from time to time on your phone screen habang ginagawan ko po kayo ng kilay.
- Please ipaubaya ninyo po sa akin yong kilay ninyo kasi mas alam ko po kung anong gagawin at kung anong babagay sainyo.
- Please check your own flaws too before kayo magpakilay kasi lahat po ng face and eyebrows ay asymmetrical.
- I’m an eyebrow expert not a reconstruction plastic surgeon kaya hindi ko po mapapantay ang mga brow bones ninyo.
- Para naman po sa mga magpapareconstruction ng kilay, ipalaser ninyo po muna yong old spmu tattoo ninyo, yong wala na talagang bakas ng nakaraan para hindi ninyo sa amin isisi yong magiging outcome ng kilay na gagawin sainyo.
Your Artist,
Dana ✨