02/08/2022
PANAHON NI NANAY/ AT ANG APO! DINE SA BATANGAS AREH
Nanay Upeng: nuong araw Kintina, pag araw ng sabado'y biyabet namin ang isang linggo tubal sa ilog. sunong sa batiya na madaling-araw pa laang e nalusong na para makapwesto sa bukal. gawa ng pag wala kang napwestuhan e agwanta ka sa labak na masasagap mo'y mga libag ng nilalabhan ng nasa bukal. kuskos naming maige ng perla o wil ang mga tubal sa pagbabalakbak tapos bubugbugen. swerte pag ma-araw at makakatuyo ng nilabhan, pag dag-em e di baktot namin ng basa paahon ang nilabhan. pagdating sa bahay e arya naman ng pagsasampay. kinabukasan naman e papalansahen ang mga nilabhan. magpapabaga ng uleng sa plansa, paypay dine, hihep doon, lag-es sa dahon ng sageng. ay kayo naman, maghuhuho laang ng sabon at ilalagay ang mga tubal sa painog na iyan tapos babanglaan at hahanguen e kinapapangkalan pang gaw-en. katakot-takot pang suysoy bago kayo maingle.
Kintina: washing machine ho are, di painog.
Nanay Upeng: kahit ano pang tawag dyan sa wasing matsin mong iyan. makikineg kami nuon ng balita ni dyani de leyon at ngongo sa avegon na pag diskarga at nakayat na ang batriya e tiis kami na ngongo na rin si dyani de leyon. samantalang kayo'y walang habas ng pakikineg dyan sa pakurireng nyong iyan na maya't-maya e saksak sa kuryinte kaya nalake ang upa natin sa batilek.
Kintina: cellphone ho are, di pakurireng. sari-sare e.
Nanay Upeng: sya uo na. makikineg kayo ng patugtog dyan sa may liteng na iyan na nakapalsak sainyong taynga na napapaghalata ang inyong kadamutan, kayo laang ang nakakarineg.
Kintina: headphone ho are. ano ga hong liteng e cord are?
Nanay Upeng: pagka kame'y binabanas nuon e paypay laang ng abaniko o ginayat na karton, ayos na. kayo naman, kaunteng banas laang e agad e pindot nyang balakatak na iyan.
Kintina: electric fan ho ang tawag dine, balakatak kayo dyan.
Nanay Upeng: trikpan-trikpan, kahit ano pang tawag diyan, aksaya kayo sa kuryinte.
Kintina: (whatever) blah blah blah blah amen.
Nanay Upeng: tinamaan ka ng lintek na bata ka, anong bala bala bala? ibabala kita sa kanyon diyan nakita mo.
Mga bata nga naman ngay-on (di naman nilalahat).