
13/03/2024
Think 100x about this👇
An OFW asking for a good business to start in PH.. then I told her this.
Bago po tayo maginvest, pwede po nating sundan/pagisipan ito.
#1. Healthcare. Dahil kapag nagkasakit tayo, baka ibenta rin natin yung “investment” natin. At kung kailangan na kailangan ang pera pampahospital, ibebenta mo ng palugi yung “investment” (e.g. real estate, car, stocks). Sayang. Kung may healthcare, pwedeng di na magalaw yung investment.
#2. Protection / Life Insurance. Instant cash na marereceive ng family kapag kinuha ni Lord ang breadwinner or policyholder. Ito naman ay para sa family natin. Kasi kung kinuha tayo ni Lord at ang naiwan lang natin sa family ay yung “investment” natin, kung wala silang pera (dahil walang life insurance) ay baka ibenta lang din ang ating investment ng palugi. Sayang nanaman. 🙂
If you love yourself, dapat may healthcare. If you love your family, you need to protect them.
#3. Eliminate bad debts. Bago po natin simulan maginvest, siguraduhing walang utang na may malaking interest. Dahil baka mas malaki yung interest ng utang kaysa sa kikitain ng investment. Tignan mabuti.
#4. Emergency fund. Hindi po emergency ang panganganak at pagpapaaral ng anak. Dahil pinaghahandaan po ‘yan. Pwedeng maging emergency ay kung mawalan ng trabaho, nagkacalamity, pangsuporta sa kamaganak kung may di inaasahang mangyari, etc. 3x ng iyong monthly na gastos ay unti unting ipunin pang emergency. Kung wala nito, baka mabenta mo ang investment ng palugi o kaya mangutang ng may interest.
#5. Investment. Pwedeng pwede na at may peace of mind ka na. 🙂 Saan? Kung may goal ka, mas madali mo malalaman kung saan mo ilalagay. Common na investment natin ay sa stocks or sa real estate or business. Kung gusto mo ng business pero ayaw mo ng sakit sa ulo, pwede kang makipartner nalang sa ibang companies. Kung gusto mo real estate, bili ng stocks ni Ayala Land. Kung gusto mo ng food business, bili ng stocks ni Jollibee., Etc. Pwede mong ipaubaya sa experts dahil sila sure na kumikita at di kailangan ng malaking kapital. May kita ka na, di pa stress. Pwede mong gamitin ang iyong oras sa mas productive na bagay.
Paano magsisimula? Pwede nating simulan sa tinatawag na long-term care.
Ano yun? Ganito yan...
☝️ Una, meron kang healthcare ngayon at sa pagtanda. Kahit retired ka na meron pa rin. Kailan ba lumalabas ang sakit? Pagtanda natin.
✌️ Pangalawa, kung sakaling may nangyari sa kumuha nito, yung family makakareceive ng insurance. Considered paid na ang buong plan at malilipat yung buong healthcare sa beneficiary.
👌 Pangatlo, ito yung maganda. Kung di nagagamit yung healthcare fund, nakasave and invest lang sya. Kaya di sayang. 🙂
Pwede nyo pong simulan sa ganyan. Wag po muna traditional business agad kung hindi pa tayo protected at lalo na kung di po kayo hands on at syempre kung wala ring experience ang magmamanage sa business. Normal po yan na pagkakamali lalo na ng ofws. Kadalasan nalulugi.
Sana po ay makatulong ito. 🙂