Darius Castro

Darius Castro 7-term Councilor of Real, Quezon | Ang Inyong Trabahador sa Konseho
!

It really hurts when you
expected so much more
from the person you once loved so much.

Maligayang Pasko po sa ating lahat, mula sa aming pamilya.Idiwang natin ito nang mapayapa at makabuluhan, kasama ang ati...
24/12/2025

Maligayang Pasko po sa ating lahat, mula sa aming pamilya.

Idiwang natin ito nang mapayapa at makabuluhan, kasama ang ating mga mahal sa buhay.

Dalangin namin ang patuloy na biyaya at masayang pagdiriwang ng kapaskuhan. ๐Ÿ™๐Ÿ’•

Sa paggunita ng Undas, alalahanin natin ang mga banal at ating mga mahal sa buhay na pumanaw. ๐Ÿ•ฏ๏ธNawaโ€™y magbigay-inspiras...
01/11/2025

Sa paggunita ng Undas, alalahanin natin ang mga banal at ating mga mahal sa buhay na pumanaw. ๐Ÿ•ฏ๏ธ

Nawaโ€™y magbigay-inspirasyon ang kanilang alaala upang mamuhay tayo nang may pag-asa at pagmamahal. ๐Ÿงก



Isang taus-pusong pagbati sa ika-70 kaarawan ni Ka Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo!...
31/10/2025

Isang taus-pusong pagbati sa ika-70 kaarawan ni Ka Eduardo V. Manalo, Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo!

Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain at ingatan ng Ating Panginoong Diyos. ๐Ÿ™

30/10/2025

โ‚ฑ๐Ÿ,๐ŸŽ๐ŸŽ๐ŸŽ ๐๐€-๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ ๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐€๐“๐ˆ๐๐† ๐Œ๐†๐€ ๐’๐„๐ฬƒ๐ˆ๐Ž๐‘ โ€” ๐€๐๐‘๐”๐๐€๐ƒ๐Ž ๐๐€! ๐ŸŽ‰

Nagsimula lang sa โ‚ฑ200 ang Birthday Cash Gift for Seniors noong 2014.
Umangat ito sa โ‚ฑ300 noong 2016, โ‚ฑ500 noong 2017,
at ngayong 2026, magiging โ‚ฑ1,000 na! ๐Ÿ™Œ๐Ÿ’–

Kamakailan, noong October 25, 2025, nilagdaan ni Mayor Julie Ann Orozco Macasaet ang amendment.

Isang munting regalo para sa mga Realeรฑong nakatatanda โ€” dahil kayo po ang inspirasyon naming lahat.๐Ÿ’

Dumalo tayo sa matagumpay na mga Barangay Assemblies (2nd Semester CY 2025) sa mga Barangay Malapad, Tignoan, Cawayan at...
26/10/2025

Dumalo tayo sa matagumpay na mga Barangay Assemblies (2nd Semester CY 2025) sa mga Barangay Malapad, Tignoan, Cawayan at Maragondon.

Sa pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan, bawat usapin ay nagiging daan tungo sa konkretong solusyon at makabuluhang aksyon!

๐Œ๐€๐†๐€๐‘๐€ ๐‚๐Ž๐€๐’๐“ ๐’๐”๐๐ƒ๐ˆ๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‡๐€๐’๐„ ๐Ÿ ๐๐€๐‹๐‚ ๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐“๐ˆ๐๐”๐“๐”๐Š๐€๐ ๐’๐€ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐ˆ๐“๐“๐„๐„ ๐‡๐„๐€๐‘๐ˆ๐๐†Pinangunahan ni Konsehal Darius Castro,...
21/10/2025

๐Œ๐€๐†๐€๐‘๐€ ๐‚๐Ž๐€๐’๐“ ๐’๐”๐๐ƒ๐ˆ๐•๐ˆ๐’๐ˆ๐Ž๐ ๐๐‡๐€๐’๐„ ๐Ÿ ๐๐€๐‹๐‚ ๐€๐๐๐‹๐ˆ๐‚๐€๐“๐ˆ๐Ž๐, ๐“๐ˆ๐๐”๐“๐”๐Š๐€๐ ๐’๐€ ๐‚๐Ž๐Œ๐Œ๐ˆ๐“๐“๐„๐„ ๐‡๐„๐€๐‘๐ˆ๐๐†

Pinangunahan ni Konsehal Darius Castro, Chairman ng Committee on Zoning, Housing, and Land Use, ang pagdinig ukol sa aplikasyon ng Magara Coast Residential Subdivision para sa Preliminary Approval and Locational Clearance (PALC) ng Phase 1 ng proyekto.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga isyung may kinalaman sa paglilipat ng titulo, pagsusunod sa zoning, pinagkukunan ng tubig at water rights, at mga rekisito mula sa NCIP. ๐Ÿค

Nagbahagi rin ng kani-kaniyang pananaw ang mga kinatawan mula sa LGU, developer, consultant, at mga miyembro ng komite upang matiyak na ang proyekto ay sumusunod sa mga patakaran ng bayan at nakatuon sa maayos, ligtas, at responsableng pag-unlad ng komunidad.

๐˜›๐˜ช๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ๐˜จ๐˜ข๐˜ฑ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฎ๐˜จ๐˜ข ๐˜ฎ๐˜ช๐˜บ๐˜ฆ๐˜ฎ๐˜ฃ๐˜ณ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฌ๐˜ฐ๐˜ฎ๐˜ช๐˜ต๐˜ฆ ๐˜ข๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฌ๐˜ช๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ๐˜ต๐˜ถ๐˜ญ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜จ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ฐ๐˜ฑ๐˜ฆ๐˜ณ ๐˜ฑ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ข๐˜บ๐˜ถ๐˜ด๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ข๐˜ต ๐˜ฌ๐˜ข๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ญ๐˜ข๐˜ณ๐˜ข๐˜ฏ ๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ฃ๐˜ข๐˜บ๐˜ข๐˜ฏ. ๐ŸŒฟ

!

๐‡๐€๐๐๐˜, ๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š-๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ, ๐Œ๐‘๐’. ๐‚๐‡๐„ ๐‚๐€๐’๐“๐‘๐Ž! ๐Ÿ’•Salamat sa araw-araw na pagsusu...
22/09/2025

๐‡๐€๐๐๐˜, ๐‡๐€๐๐๐˜ ๐๐ˆ๐‘๐“๐‡๐ƒ๐€๐˜ ๐ฌ๐š ๐š๐ค๐ข๐ง๐  ๐ค๐š๐ข๐ฌ๐š-๐ข๐ฌ๐š๐ง๐  ๐ฆ๐š๐ก๐š๐ฅ ๐š๐ญ ๐ค๐š๐ญ๐ฎ๐ฐ๐š๐ง๐  ๐ฌ๐š ๐›๐ฎ๐ก๐š๐ฒ, ๐Œ๐‘๐’. ๐‚๐‡๐„ ๐‚๐€๐’๐“๐‘๐Ž! ๐Ÿ’•

Salamat sa araw-araw na pagsusumikap para maitawid ang pamilya, at sa pagiging hands-on parent na parang si Superwoman. ๐Ÿ‘‘

Ang Abogada at Doktora ng pamilya, at dating tindera ng Macapuno at P**o Bao โ€” at marami pang iba. Mahal na mahal ka namin! ๐ŸŽ‚๐ŸŽ‰

!

Naimbitahan tayong magbigay ng mensahe sa 2-day Financial Literacy Training noong Setyembre 19โ€“20, handog ng BPI Foundat...
21/09/2025

Naimbitahan tayong magbigay ng mensahe sa 2-day Financial Literacy Training noong Setyembre 19โ€“20, handog ng BPI Foundationโ€”bilang Taga-Pangulo ng Komitiba ng Pananalapi at Agrikultura. Taos-puso ang pasasalamat sa BPI Foundation, lalo na kay G. Jay Malapo, sa pagbabahagi ng kaalaman para sa ating mga mangingisda at magsasaka mula Lubayat, Pandan, at Malapad.

Hindi man materyal, napakahalaga ng kaalaman sa tamang paghawak ng pera, pag-iimpok, credit, insurance, at pamumuhunan. Lahat ng lumahok ay tumanggap ng Financial Wellness Journalโ€”gabay sa paggawa ng tamang financial decisions.

Katuwang dito ang LGU-Real sa pamumuno ni Mayor Julie Ann Orozco Macasaet, kasama sina MGHD Mina Azogue, Maโ€™am Belle, at buong Giga-Ace staff, Kapitan Lionell Pranada, Kapitana Myla Tena, Kapitana Maribel Leus๐Ÿ™Œ๐Ÿ˜Š

Balik-session na matapos ang isang linggong pagdalo sa Seminar at PCL Election. Dumalo tayo sa ika-9 na session ngayong ...
15/09/2025

Balik-session na matapos ang isang linggong pagdalo sa Seminar at PCL Election. Dumalo tayo sa ika-9 na session ngayong Setyembre at sinisiguro na natutugunan nang maayos ang obligasyon bilang lokal na mambabatas ๐Ÿ’ช

Kasabay nito, tuloy-tuloy ang pagsusuri at pagtutok sa mga panukalang ordinansa at resolusyon.

May focus sa isip at gabay ng karanasan, patuloy nating isinusulong ang transparency, interes ng bawat Realeno, at ikabubuti ng kanilang pamumuhay ๐Ÿ™

Marami pa tayong ilalatag na panukalang ordinansa sa mga darating na sesyon โ€” abangan! ๐Ÿ˜Š

๐…๐จ๐จ๐ ๐๐š๐œ๐ค๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š, ๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ข ๐’๐ž๐ง. ๐๐จ๐ง๐  ๐†๐จ  ๐Ÿซฐ๐ŸผBilang tugon sa pansamantalang pagkaantala ng...
01/08/2025

๐…๐จ๐จ๐ ๐๐š๐œ๐ค๐ฌ ๐ฉ๐š๐ซ๐š ๐ฌ๐š ๐ฆ๐ ๐š ๐Œ๐š๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐ข๐ฌ๐๐š, ๐‡๐š๐ง๐๐จ๐  ๐ง๐  ๐Œ๐š๐ฅ๐š๐ฌ๐š๐ค๐ข๐ญ ๐ง๐ข ๐’๐ž๐ง. ๐๐จ๐ง๐  ๐†๐จ ๐Ÿซฐ๐Ÿผ

Bilang tugon sa pansamantalang pagkaantala ng kabuhayan ng mga mangingisda, personal na humiling ang LGU Real sa pamumuno ni Mayor Julie Ann Orozco Macasaet sa opisina ni Mr. Malasakitโ€”Senator B**g Go .

Naghatid ng pag-asa sa mga taga-Poblacion 1, Realeรฑong mangingisdang pansamantalang nawalan ng hanapbuhay noong hindi pa ligtas ang karagatan. Ang pamamahagi ng food packs ay bahagi ng disaster response program ni Sen. B**g Go.

Kasalukuyang pinag-aaralan ng LGU Real at ng Sangguniang Bayan ang mga pangmatagalang solusyon at alternatibong kabuhayan para sa mga mangingisda, lalo na tuwing hindi ligtas pumalaot.

Maraming, maraming salamat po sa agarang tulong, Sen. B**g Go at staff, LGU Real, Mayor Julie Ann Macasaet, Sangguniang Bayan ng Real, Sangguniang Barangay ng Brgy. Pob. Uno at sa lahat ng community leaders, miyembro, at volunteers na tumulong sa tagumpay ng aktibidad na ito! ๐Ÿ˜Š๐Ÿ™Œ๐Ÿผ๐Ÿงก

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ ๐ฅ๐ž๐ฌ๐ข๐š ๐ง๐ข ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ!Hangad namin ang patuloy ninyong paglilingkod at mat...
27/07/2025

๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐ข๐ค๐š-๐Ÿ๐Ÿ๐Ÿ ๐€๐ง๐ข๐›๐ž๐ซ๐ฌ๐š๐ซ๐ฒ๐จ ๐ง๐  ๐ฉ๐š๐ ๐ค๐š๐ค๐š๐ญ๐š๐ญ๐š๐  ๐ง๐  ๐ˆ๐ ๐ฅ๐ž๐ฌ๐ข๐š ๐ง๐ข ๐‚๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐จ!

Hangad namin ang patuloy ninyong paglilingkod at matibay na pananampalataya. โค๏ธ๐Ÿ’š

Address

La Rosa Street
Kaohsiung
4335

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Darius Castro posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share