30/10/2025
Ay Naku Sen.Marcoleta Bawal po isama yan at sya pa nga Ang Gustong gawing Witness eh!🤭😆
Muling binanatan ni Sen. Rodante Marcoleta ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) matapos hindi maisama sa mga rekomendadong kasuhan si Leyte Rep. at dating Speaker Martin Romualdez kaugnay ng multibillion-peso flood control scandal.
Sa panayam sa The Spokes ng Bilyonaryo News Channel, sinabi ni Sen.Marcoleta na bagaman “magandang simula” ang hakbang ng ICI laban kina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Joel Villanueva, at dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co, dapat ding tugisin ang mga “malalaking isda.”
“It’s a good beginning. Pero sinasabi ko nga, hindi ko naman sinasabi na huwag nating habulin ang mga sapsap… Pero let us not forget yung malalaking isda sapagkat sila talaga ang promoter ng pagnanakaw ng pera ng bayan.”
Giit ni Marcoleta, dapat ipaliwanag ng ICI kung bakit hindi kasama si Romualdez sa listahan, lalo’t may sinumpaang salaysay si retired Marine T/Sgt. Orly Guteza na nagsabing personal niyang naideliver ang mga maletang puno ng pera sa bahay ng dating Speaker.
“Why was Martin Romualdez not included? Because they are trying to discredit Guteza’s testimony?”
(Bakit hindi isinama si Martin Romualdez? Dahil ba sinusubukan nilang sirain ang kredibilidad ng testimonya ni Guteza?)
Binanggit din ng senador ang pahayag ni Senate President Pro Tempore Ping Lacson hinggil sa 67 “congtractors” na hindi pa rin pinangalanan, pati ang alegasyon ng mag-asawang kontraktor na sina Sarah at Curlee Discaya laban sa 17 kongresista na umano’y humingi ng kickback sa flood control projects.
“Kung tatawagin niya (Lacson) si Martin Romualdez, make him appear before the committee. Para makapagtanong naman kami,” ani Sen. Marcoleta.