21/07/2026
“SABI-SABI O CHISMIS?”
Ito ang naging tanong ng defense counsel na si Atty. Mark Vinluan kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag sa gitna ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Sa kanyang cross-examination, binigyang-diin ni Vinluan na ang isang testigo ay dapat tumestigo batay lamang sa personal knowledge, at kung hindi, maaari itong maituring na hearsay.
“A witness can only testify based on his personal knowledge, correct? […] If not based on personal knowledge, then that is hearsay, correct?” tanong ni Vinluan.
Tumugon si Matibag na hindi ito ganap na tuntunin dahil may mga kinikilalang eksepsiyon sa ilalim ng Rules of Evidence.
“But that is not an absolute rule po dahil may exceptions nga po,” sagot ni Matibag.
Kalaunan, nagtanong si Vinluan kung ano ang mas angkop na salin ng salitang hearsay sa Filipino.
“Ano ba ’yung hearsay sa Tagalog—sabi-sabi o ‘chismis.’ Is that a fair translation? What is a fair translation to you of hearsay?” tanong niya.
Dito ay umalma si Lead House Prosecutor Rep. Gerville Luistro, na nagsabing “misleading” ang linya ng pagtatanong ng depensa at naghain ng objection sa impeachment court.