28/07/2024
"Hindi ako matalino, Takot ako sa mga investment na ganyan"
Mas lalong bagay sa iyo ang Mutual Fund
Dahil hindi mo kailangang maging matalino at hindi kailangang matakot sa pagiipon para sa iyong kinabukasan kung alam mo lang 3 factors na ito:
✔️Risk Tolerance:
Ang pagiinvest ay tulad ng pagsakay sa ibat ibang sasakyan patungo sa iyong paroroonan,
Sa Investment naman dapat alam mo ang safe, legal at tamang sasakyan patungo sa iyong goals na pinagiipunan.
Lahat ng bagay ay may risk at ang magandang halimbawa nito ay ang Eroplano,
Mabilis, nakakatakot at risky? Pero bakit marami parin sumasakay dito?
✔️Fund Manager Expertise:
Sa Mutual Fund investing kung sa pagsakay sa eroplano, isa ka lang pasahero,
May Piloto o ekspertong Fund Manager na bahala sa investment mo,
Hindi basta basta ang kanilang kalidad, kadalasan mga dating President/CEO ng malalaking Company, Pres. ng mga Banko, Chairman ng PSE at meron pa ngang dating Finance Secretary ng Pilipinas kaya hayaan mong eksperto ang mamahala ng funds mo dahil higit silang magaling sayo.
✔️Diversification:
Sabi nga sa investment quotes: "Don't put your eggs in one basket" kasi baka madapa ka mababasag lahat, the best example of that is mutual fund investment, Siguradong minimize ang risk dahil ang bawat investment mo ay nakainvest sa 10 o higit pang blue chip company na dumaan sa masusing pagpili ng mga fund managers.
Kung sa isang buwan sa 10 companies, may 2 na hindi maganda ang performance may walo ka pa. dahil imposible naman yan malugi lahat ng sabay sabay.
Mahirap bang intindihin ito?
Ginagawa na ang lahat ng paraan para makayanan ito ng mga Pilipiino, kahit pa ng kabataan, ngayon pwede ka nang magsimula sa halagang P 1,000 at zero sales load pa sa una at bawat invest mo.
Gusto mo na bang magsimula o may mga tanong kung papaano?