Metro Carigara Daily

Metro Carigara Daily 🌐 www.carigaradaily.com

Metro Carigara Daily is an independent community media platform committed to delivering Local News, Global Views.
(5)

Metro Carigara Daily Inc is committed to delivering truthful, ethical, and inclusive journalism that empowers the Carigara and surrounding communities through accurate reporting, accountability, and civic engagement, striving to be the most trusted source of independent news that fosters informed dialogue and social responsibility.

 : Opisyal na binuksan ng Education and Training Command (ETC) ng Philippine Army, sa pamamagitan ng School for Candidat...
08/26/2026

: Opisyal na binuksan ng Education and Training Command (ETC) ng Philippine Army, sa pamamagitan ng School for Candidate Soldier (SCS), ang Candidate Soldier Course (CSC) Class 813-2026 sa Makabulos Grandstand, Camp O’Donnell, Capas, Tarlac noong Agosto 21, 2026, kung saan nagsilbing panauhing tagapagsalita si Lt. Col. Joemar L. Baredon, Assistant Commandant ng SCS, Initial Military Training Group.

Sa ilalim ng gabay ng mga instruktor ng SCS, sasailalim ang mga candidate soldier sa mahigpit na pisikal, mental, at tactical na pagsasanay upang mahubog bilang disiplinado at handang tumupad sa misyon, alinsunod sa layunin ng Armed Forces of the Philippines na palakasin ang kakayahan at kahandaan ng pwersa para sa territorial defense at internal security, habang patuloy na ginagampanan ng ETC ang mahalagang papel sa paghubog ng mga sundalong may malasakit sa bayan at sa mamamayang Pilipino.

Photo: AFP

 : Bumisita ang Provincial Fishery Program Focal sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng Carigara, Leyte nitong Lunes, ...
08/26/2026

: Bumisita ang Provincial Fishery Program Focal sa Municipal Agriculture Office (MAO) ng Carigara, Leyte nitong Lunes, Agosto 25, 2026, para talakayin ang planong pagtatatag ng Seaweed Culture Techno-Demo sa mga karagatang nasasakupan ng munisipalidad sa susunod na buwan, ayon sa Carigara Municipal Agriculture Office.

: Carigara MAO

U.S. EMBASSY WARNS FILIPINOS OF VISA REVOCATIONS OVER ASYLUM APPLICATIONS  Philippine Embassy urges compliance with U.S....
08/26/2026

U.S. EMBASSY WARNS FILIPINOS OF VISA REVOCATIONS OVER ASYLUM APPLICATIONS

Philippine Embassy urges compliance with U.S. immigration laws

The U.S. Embassy in the Philippines is advising Filipino nationals in the United States to stay updated on recent changes in U.S. immigration and visa policies and to ensure they comply with applicable laws.

In an advisory released Wednesday, the embassy said the U.S. Department of State has begun reviewing B1/B2 business and tourist visas issued to foreign nationals who later applied for asylum in the United States. The department expects visa revocations to be carried out on a rolling basis.

The embassy urged Filipinos with concerns about their immigration status to consult a qualified U.S. immigration attorney or an accredited legal service provider for advice specific to their circumstances.

“Immigration cases are determined by the appropriate U.S. authorities based on the circumstances of each case,” the embassy said.

For emergency consular assistance and Assistance-to-Nationals concerns, Filipino nationals may call 202-368-2767 or 202-769-8049, or email [email protected].

Photo: U.S. Embassy in the Philippines

08/26/2026

DIOKNO: BAKIT WALA PA RING PAMBANSANG PLANO SA FLOOD CONTROL?

Tanong ibinato sa DPWH sa budget hearing

Ibinato ni Akbayan Partylist Congressman Chel Diokno sa Department of Public Works and Highways ang tanong kung bakit wala pa ring pambansang plano ang pamahalaan para sa flood control.

Ito ay sa gitna ng budget hearing ng DPWH kasama si Secretary Vince Dizon*
nitong araw.

Video: Akbayan/Chel Diokno

META, MAGBABAYAD NG $16.68 BILYON PARA AREGLUHIN ANG KASO SA SOCIAL MEDIA ADDICTION ~Kumpanya, papairalin ang daily limi...
08/26/2026

META, MAGBABAYAD NG $16.68 BILYON PARA AREGLUHIN ANG KASO SA SOCIAL MEDIA ADDICTION

~Kumpanya, papairalin ang daily limit at night block para sa mga teenager

Pumayag ang Meta Platforms, may-ari ng Facebook at Instagram, na magbayad ng hanggang $16.68 Bilyon o humigit-kumulang P1.028 Trillion para tapusin ang malawak na kasong may kaugnayan sa social media addiction na inihain ng estado ng California at 28 pang estado.

Ayon sa inihain sa korte nitong Miyerkules, sinabi ng Meta na “tinatanggihan nito ang mga paratang laban dito at wala itong pananagutan sa mga nagsampa ng kaso.”

Gayunpaman, bahagi ng kasunduan ang mga bagong hakbang para protektahan ang mga kabataan.

Nakasaad sa court filing na “magpapatupad ang Meta ng daily limits at pagba-block sa paggamit sa gabi para sa mga teenage users” gayundin ang “mas mahigpit na age assurance measures para pigilan ang mga bata na makapasok sa platform, o sa mga content na bawal sa edad nila.”

Kabilang sa mga nagsampa ng kaso ang kabuuang 29 na estado.

Hindi pa nagbibigay ng karagdagang detalye ang Meta kung kailan sisimulan ang implementasyon ng mga bagong limitasyon.

Photo: Facebook founder Mark Zuckerberg/FB

OPINYON: HINDI ITO QUIZ BEE, MR. SENATORMay isang bagay na mas delikado pa kaysa maling sagot sa Senado: yung maling tan...
08/26/2026

OPINYON: HINDI ITO QUIZ BEE, MR. SENATOR

May isang bagay na mas delikado pa kaysa maling sagot sa Senado: yung maling tanong.

Nakita natin ito sa ika-19 na araw ng impeachment trial.

Tinanong ni Sen. Robin Padilla ang dalawang abogada kung “*maaari bang napigil ang mga shooting incidents sa mga paaralan kung may confidential fund si dating Senador Angara na ngayon ay Secretary ng DepEd.*”

Yes or no lang daw. Walang speculation.

Sumagot si Atty. Mae Divinagracia ng “I cannot speculate.”

Pinilit pa rin. “Kung hindi po kayo naniniwala, eh di no.”

“No, your honor,” sagot ni Divinagracia.

Tinanong naman si Atty. Kristine Ferrer. Sagot niya: “It can, your honor, if the purpose of the confidential fund is to conduct surveillance on the threats.”

Tapos. Next question.

Pero dito tayo dapat huminto at magtanong: Ano ba talaga ang ginagawa natin sa Senado?

Ang impeachment trial ay hindi quiz bee. Hindi ito “Who Wants To Be A Millionaire” kung saan pipilitin kang pumili sa A, B, C, D kahit wala kang sapat na impormasyon.

Ang trabaho ng isang hukom at ng isang senador-judge ay magtanong para lumabas ang katotohanan. Hindi para magpainit ng upuan. Hindi para gumawa ng viral clip.

Ang tanong ni Padilla ay isang classic na logical fallacy. Humingi siya ng sagot sa isang sitwasyon na walang basehan, walang datos, walang konteksto. Tapos galit pa siya nung sinabi ng abogado na hindi siya pwedeng manghula.

Ang mas nakakabahala: ginagamit ang posisyon para patahimikin ang matinong sagot. “I cannot speculate” ay hindi pagtatanga. Iyon ang sagot ng isang propesyonal na may integridad. Iyon ang sagot ng taong nire-respeto ang batas at ebidensya.

Pero sa bulwagan na dapat pinakamatino sa bansa, ang integridad ay ginagawang katatawanan.

Ang problema hindi lang si Padilla. Ang problema ay yung kultura na pumapayag na ang Senado ay gawing entablado. Na okay lang na ang mga eksperto, abogada, at opisyal ay tratuhin na parang contestant sa isang game show.

Ang confidential funds ay seryosong usapin. Buhay ng mga bata ang nakataya. Seguridad ng mga eskwelahan ang pinag-uusapan. Hindi ito dapat binabarat sa “yes or no” para lang may mai-post.

Kung gusto natin ng sagot, magtanong tayo ng tama. Kung gusto natin ng hustisya, irespeto natin ang proseso.

Dahil kung ang Senado mismo ang unang babastos sa lohika, sino pa ang aasahan nating ipagtatanggol ito?

Hindi tayo magiging mas ligtas dahil may “yes or no” tayong napilit. Magiging mas ligtas lang tayo kung may mga lider tayong marunong magtanong ng tama.

Photo: Robin Padilla/FB

08/26/2026

: MONSTER FLOOD!

55 NA ANG PATAY SA MAPAMINSALANG BHOTE KOSHI FLASH FLOOD SA NEPAL

~Patuloy ang search and rescue operations

Umakyat na sa 55 ang bilang ng mga nasawi sa mapaminsalang flash flood sa Bhote Koshi, ayon sa ulat ng Nepal Police nitong Miyerkules.

Batay sa tala ng pulisya, 18 bangkay ang narekober sa Chitwan, 16 sa Dhading, 11 sa Nuwakot, siyam sa Gorkha at isa sa Rasuwa.

Patuloy pa rin ang mga search and rescue operations sa mga apektadong lugar.

Tinangay ng flash flood ang mga kabahayan at imprastraktura sa paligid ng Bhote Koshi river basin kanina nitong linggo, na nagdulot ng malawakang pinsala at paglikas ng mga residente sa ilang distrito.

Video: Everest Today

IMPEACHMENT COURT RUMESBAK: OVP EXEC BISTADO SA CONFI FUNDSNagpatuloy ang bakbakan sa Senate Impeachment Court nitong Mi...
08/26/2026

IMPEACHMENT COURT RUMESBAK: OVP EXEC BISTADO SA CONFI FUNDS

Nagpatuloy ang bakbakan sa Senate Impeachment Court nitong Miyerkules, Agosto 26, 2026, sa pagdinig sa testimonya ni Lemuel Ortonio, Assistant Chief of Staff ng Office of the Vice President (OVP), kaugnay sa Article I ng impeachment na tumutukoy sa umano'y maling paggamit ng confidential funds.

Sa Day 19 ng paglilitis, kapwa bumanat sa pagtatanong ang depensa at prosekusyon kay Ortonio na nauna nang idineklara ng korte bilang hostile witness.

Hindi rin nagpahuli ang ilang senator-judges na humirit ng interpellation sa testigo.

Samantala, naglabas din ng ruling ang korte hinggil sa impartiality, decorum, internal remedies at pagsunod sa Rule 18 o sub judice rule na sasaklaw sa lahat ng kalahok sa paglilitis.

Photo: Senate Social Media Unit

08/26/2026

SIDEWALK, FOOTBRIDGE, DAAN HINDI PWD-FRIENDLY — AKBAYAN

Hindi pa rin PWD-friendly ang mga sidewalk, footbridge at daan sa bansa.

Ito ang ibinulgar ni Akbayan Rep. Perci Cendaña matapos sabihing nakakabiyak ng puso ang kalagayan ng public infrastructure para sa mga persons with disabilities (PWD).

Ayon sa Akbayan Party-list, patunay dito ang mga hindi gumaganang elevator, sira-sira at makikitid na sidewalk at matatarik na ramp na lalo umanong naglalagay sa peligro sa mga PWD sa kalsada.

Giit ni Cendaña, sa kabila ng umiiral na Accessibility Law (BP 344), nananatiling malaking hamon ang pagpapatupad nito sa bawat proyekto ng gobyerno.

"Dapat mas tutukan ng gobyerno ang pagsunod ng bawat proyekto sa mandato na titiyakin ang ligtas, maayos, at accessible na mga daan at pasilidad para sa lahat," aniya.

Video: Akbayan

08/26/2026

: Patuloy ang Philippine Air Force, sa pangunguna ng 205th Tactical Helicopter Wing, sa paghahatid ng food packs at relief goods sa mga liblib na komunidad na naapektuhan ng magnitude 7.8 offshore earthquake sa Sarangani noong Hunyo 2026, katuwang ang OCD Region XII, DSWD Field Office XII at mga lokal na pamahalaan, bilang bahagi ng tuloy-tuloy na humanitarian assistance and disaster response efforts sa pamamagitan ng air mobility operations.

Video: 205th Tactical Helicopter Wing/PAF

Address

Alexandria, VA
22305

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Metro Carigara Daily posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Metro Carigara Daily:

Shortcuts

Share