
05/09/2025
๐ฃ๐ผ๐ป๐ฑ๐ผ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ต๐ฎ, ๐ก๐ถ๐น๐๐ป๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐๐๐ฟ๐ฎ๐ฝ๐๐๐ผ๐ป
ni: Shaniah Nicole S. Ancheta
Sa bawat patak ng ulan, libo-libong Pilipino ang nanginginig sa takotโhindi lamang sa rumaragasang tubig, kundi sa paulit-ulit na trahedyang dulot ng kapabayaan. Taon-taong lumulubo ang pondo para sa Flood Control Projects ng gobyerno, ngunit sa patuloy na pagtaas ng halaga tumataas din ang bilang ng kapalpakan sa mga proyektong inilulunsad ng gobyerno. Ang DPWH (Department of Public Works and Highways) ay isa sa mga departamentong hawak ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., subalit sa mahabang panahon ng sikulo ng mga โghost projectsโ bakit tila ngayon lang lumabas ang pagkadismaya at pagkabahala ng pangulo na para bang wala siyang alam sa mga nangyayari sa hinahawakan niyang departamento?
Ayon sa mga paunang natuklasan mula sa pagsisiyasat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, simula pa man noong taong 2022, umabot na sa mahigit 545 bilyong piso ang nilaang budget upang masolusyonan ang matagal nang problema ng Pilipinasโang matinding pagbaha. Sa patuloy na isinasagawang imbestigasyon sa usaping ito, kinilala ng Department of Public Works and Highways ang pagkakaroon ng "ghost projects" sa sistema. Ilang bilyon na ang nawaldas dahil sa kapabayaan, bagamaโt inabot pa ng ilang taon bago paman pinaimbestigahan at kinuwestyon kung sino man ang sangkot sa kakuliang ito. Imbes na tulay, d**e, at maayos na kanal ang mabuo, napunta ang mga pondo sa mga buwayang may titulo ngunit walang prinsipyo. Patuloy na lubog sa tubig ang mga kalsada, mga tahanang tinangay ng rumaragasang tubig-baha, at mga kabuhayang napinsalang nilamon ng putik at kawalan.
Umabot sa mahigit 200 kompanya ang nakatanggap ng konrata bagmaโt ang mga nasabing โtop contractorโ sa mga flood control projects sa Maynila ay wala umanong naitalang record sa Securities and Exchange Commission. Ang mga proyektong ito na nakatala sa dokumento ngunit walang pisikal na anyo ay malinaw na pruweba ng sistematikong pagnanakaw sa kaban ng bayan. Bawat kontratang sadyang tinipid ay kalakip nitoโy pagnakaw sa kalidad ng materyales at labor na siyang daan sa kapalpakan at pagkadehado pagdating ng sakuna. Sa paglagda ng nasabing kontrata ay tiyak na busog na busog ang bulsa. Kung hindi matugunan ang mga isyung ito, magpapatuloy ang ikot ng pang-aabuso, at ang mga susunod na henerasyon ay magmamana ng pamana ng katiwalian na nagpapababa sa daloy ng ekonomiyaโt lipunan.
Ang mga "ghost flood control projects" ay malinaw na patunay ng malalim na ugat ng katiwalian sa pamahalaan. Sa gitna ng pagdurusa ng mamamayan sa baha at sakuna, nakalulungkot na may mga opisyal na ginagamit ang pondong bayan para sa pansariling kapakinabangan. Katumbas ng mga pisong naibulsa ang isang pader na kailanman hindi natamasa ng mga nangangailangan lalong-lalo na sa mga lugar na higit na apektado sa mga sakuna.
Ang isyung ito ay hindi lamang tungkol sa pagbawi ng mga nawawalang pondo, ngunit tungkol sa pagpapanumbalik ng pananampalataya sa isang sistema na dapat gumana para sa mga tao. Ang paglaban sa katiwalian ay isang laban para sa kinabukasan ng bansa, at ito ay isang labanan na dapat ipanalo.Paulit-ulit ang problema hanggaโt hindi napapalitan ang sistema at pamantayan. Ang oras para sa pagkilos ay ngayon. Ang mga mamamayan ay dapat humingi ng mas malakas na pangangasiwa sa mga pampublikong proyekto at isulong ang mga reporma na nag-aalis ng mga pagkakataon para sa katiwalian.
๐จJoshua Padilla