Mind Plays

Mind Plays Daily Confession and Stories.

‼️Nagpadefrost lang ako ng manok, iba ang ginawa mama.For context, bumukod na ako sa parents ko pero kapit bahay ko lang...
24/05/2025

‼️Nagpadefrost lang ako ng manok, iba ang ginawa mama.
For context, bumukod na ako sa parents ko pero kapit bahay ko lang sila. Wala na akong hinihingi sa kanila since kaya ko naman buhayin yung sarili ko...

Kahapon, sinundo ko yung GF ko from work at niyaya kong mag-pizza at makipagkuwentuhan. Hindi ko namalayan na late na pala, plano ko pa naman magluto para may pang dinner ako at lunch kinabukasan. Kaso hindi ko pa nadedefrost yung manok.

Nag-chat ako kay mama, at ito yung naging convo namin.

Ako : Ma, pa defrost ng manok ko sa bahay.

Mama : Anong iluluto mo dun?

A : iaadobo ko lang sana yun, kaso baka tamarin na ako mamaya since late na ako makauwe. Depende sa mood ko kung sipagin ako o hindi.

M : Lutuin mo na mamaya para may pagkain ka bukas

A : Kapag sinipag ako hahahahaha

After ko ihatid yung GF ko sa bahay, dumaan muna ako ng 7Eleven para doon nalang ako magdinner at bukas ko nalang lutuin yung manok.

Nung nakauwe na ako napansin kong nakabukas yung ilaw ko sa bahay, at nasa bahay si mama.

"Niluto ko na yung ibang part ng manok, magsaing ka na lang at kumain." Sabi niya.

Natuwa ako sa nanay ko kasi she went above of what I expected. 27 na ako at fully independent na ako and she still chose to cook for me.

Makalipat lang ako ng company at lumaki yung sahod ko, manglilibre ako sa resto...

‼️ "Nakaka s**a ang pinagtrabahuan ko."Nag apply ako sa isang stall na nag bebenta ng coffee. Nag sisimula palang daw si...
22/05/2025

‼️ "Nakaka s**a ang pinagtrabahuan ko."

Nag apply ako sa isang stall na nag bebenta ng coffee. Nag sisimula palang daw sila sa brand nila pero may 3 branch na sila. Na tangap agad ako and tinuro agad ang basic measurements para sa coffee, milk tea, and lemonade nila tapos binigyan ako ng isang free na milktea. Saka ko na nainom yung milktea pag uwi ko at sinuka ko lang agad akala ko dahil buntis lang ako kaya ko sinuka kaya hindi ko na masyado inisip.

Kinabukasan habang gumagawa ako ng drinks napansin ko na ang dumi ng stall nila. Yung lagayan ng sauce may itim itim sa gilid gilid. Yung gripo at lababo may soap scum lalo na sa part kung saan lalabas yung tubig sa gripo at galing gripo yung tubig na ginagamit para sa lemonades. Yung tea nila pwede pa daw umabot ng ilang araw pag di naubos agad tikmam ko lang daw yung ok pa yung lasa saka ko lang i tapon pag talagang masama na ang lasa kung hindi pa malala dagdagan ko nalang ang ibang ihahalo para di halata. Yung coffee ganoon din tangalin ko lang daw yung mantika pag nag mantika na tapos i halo ko sa bagong coffee kasi sayang. Yung plastic cups na naiwan ng customer kinukuha tapos hinuhugasan lang kasi sayang daw mahal ang bili nila sa cups. Pag may nag reklamo daw na iba lasa ng milktea sabihin ko lang daw na baka hindi sila sanay na totoong tea ang milk ang ginagamit at sa powder na timpla lang sila nasanay kaya para sakanila pangit ang lasa.

Ayoko nang bumalik para mag trabaho don nakakatakot baka ma reklamo sila madamay pa ako. I feel bad naman kung sasabihan ko ang ibang tao na wag uminom doon kasi nag sisimula pa lang yung brand at baka awayin ako sabihin na sinisiraan ko sila pero ayoko rin na may sumakit ang tiyan dahil sa style nila ng pagtitipid nila

‼️Masyadong mailap ang hustisya sa bansang itoTwenty five years ago, my dad was sh()t d3ad in front of our house. Yung s...
22/05/2025

‼️Masyadong mailap ang hustisya sa bansang ito
Twenty five years ago, my dad was sh()t d3ad in front of our house. Yung suspect, kapitbahay namin na nayayabangan sa tatay ko. Balbas sarado kasi si dad tapos may mga gold na singsing at relo. He was DOA, leaving a five-year old me, my mom, and my sister who was just two months old.

The suspect was on the run for two decades. Namatay na lang yung mga witness, attorneys, at judge, hindi pa rin umusad ang kaso.

Earlier today, may nareceive kaming letter from RTC. Ioopen daw uli yung kaso ng dad ko in accordance with the memorandum from Supreme Court regarding archived cases. We were given two weeks to respond if gusto pa naming ituloy yung kaso.

I have been waiting for this since I was seven (nakita ko yung documents ng kaso, yung written testimonies etc nung kinakalikot ko yung storage ni mama). Gusto kong makita kung paano macoconvict ang pumatay sa tatay ko.

But Covid happened.

In 2022, namatay yung suspect due to covid. Namatay siya sa ospital kung saan doctor yung yung tita ko (sil ni dad). Dahil sa Hippocratic Oath, tita ko pa nag attend sa suspect during his final hours. Nung namatay na yung suspect, si tita yung nag inform sa amin, "p@tay na yung pumatay kay kuya" sabi niya. Nagbunyi nanay ko noon na para bang nabigyan ng hustisya pagkamatay ng tatay ko dahil lang p@tay na rin yung pumatay sa kanya.

Since wala na yung suspect, according to my lawyer friend, extinguished na rin daw ang criminal at civil liabilities niya. Meaning to say, di na magproceed ang kaso.

Nakakalungkot lang na hindi namin makukuha yung hustisyang ilang taon naming hinintay. Akala ko pwede pa namin ipull off yung tulad ng sa Miracle In Cell No. 7 pero parang sa defendants lang ata yun. Ni hindi man lang nakulong yung killer. Twenty years he was at large habang ang nanay ko had to raise both my sister and I on her own. Ang bagal ng hustisya. Ni hindi man lang nahuli ng pulis para ikulong. To think na the suspect escaped on foot, literal na nanakbo.

Ayun lang. I just need to let this out. Wala na rin naman kaming magagawa. I just hope na hindi matulad sa kaso ng tatay ko ang karamihan sa mga muurd3r at h()micid3 cases sa bansang to.

‼️The real reason why I broke up with him the same day sinagot ko siyaGuilty as chargedNatry nyo ba yung nafeel niyo tal...
21/05/2025

‼️The real reason why I broke up with him the same day sinagot ko siya
Guilty as charged
Natry nyo ba yung nafeel niyo talagang bumaba from 100 to 0 real quick yung feelings mo toward a person? Hahaha

When I was an F18 (11 yrs ago, 2014), there was a guy (M18 that time) who I'd see often and became my crush, like I was so happy just seeing him until he finally approached me, talked, and later on nanligaw. I was so happy & kilig!

Until, that day came na sinagot ko siya sa text! (Oo, sa text. Bata pa kasi ako nun) He was so happy! But then, ang first question niya after that was...

"So ano theme song natin?" 😭

At that very moment parang gumuho mundo ko haha! I mean, nothing wrong with what he said kasi uso nga naman yan noong panahon (pero di namin panahon!!), pero na-cringe ako eh haha

Bigla kong binawi that same day, sabi ko nalang natakot ako bigla sa parents ko kasi ayaw pa nila ako magkaboyfriend 😬

Never saw him again kasi umiwas na ko sa place where I usually saw him. Fast forward to 2025, nakita ko ulit siya at may asawa at anak na siya. Sana magandang theme song napili nila 😂

Uso pa ba theme song kasi??? Hahaha sorry na agad.

P.S. Yes puppy love ko lang din pa kasi yon kaya ang bilis nagfade haha

‼️ Si hubby at bff Pa share lang ako ah at 3 months na since nangyari to pero di parin ako maka move on.More than 15 yea...
21/05/2025

‼️ Si hubby at bff
Pa share lang ako ah at 3 months na since nangyari to pero di parin ako maka move on.

More than 15 years na kaming kasal ni hubby (40M). Tanggap ko na from the start na siya yung type na di pala surprise. Acts of service ang love language niya.

I work in a hybrid set-up na may 1 office day per week while si hubby work from home lang full-time.

One time, naisipan ko puntahan si bff of 35yrs sa bahay nila para makipag chikahan before going home. Sinabi kasi ni hubby may lakad siya that day at baka 10PM na uwi niya.

Childhood friend ko si bff at dahil chef siya, weekday yung off niya so it all aligns. Nag text ako sa kanya that I’m coming over and drove to her house na mga 25mins away from my office.

When I pulled over sa may area niya, I was surprised to see my husband's car na naka park in front of her house. I checked my phone and no messages. Meaning, di siya nag respond sa text ko.

Honestly, nanlamig ako and I must admit that a lot of really bad scenarios played out in my head. I’ve shakenly fished out the spare keys to her house.

They didn't notice I opened the door kasi nagpapa-music sila.

Bff: Ang laki naman niyan Hubby: Ay sorry

I’m not sure what I was expecting to see. I followed their voices towards the inner part of the house and found them both in the kitchen area.

Hunching together on the kitchen countertop. Slicing potatoes…

Bff: Masyadong malaki hiwa mo sa patatas. Dapat kasing laki lang ng meat.

Di ko mawari kung iiyak sa relief or matatawa ba ako. Na guilty ako masyado that it crossed my mind that they are doing something to hurt me. So what I did was slowly walked out of the house, and drove home. An hour later, tumawag si bff..

Bff: Beh, may sinend ka? Ba’t may deleted message sa messenger? Me: Ay, namali ako ng send. Off mo ngayon di ba? Anong ganap mo? Bff: Kakatapos ko lang magluto.

Nag chika pa kami ng mga isang oras, tapos dumating si hubby after 30 mins. Pagod na pagod, pero I can see in his face na masaya siya na parang sumakses. Ganun.

2 weeks later, my hubby surprised me with a candlelight dinner at home on Valentine’s Day. The menu? Caldereta. The same dish they were cooking that day. My favourite.

Bff shared later that she has been secretly training hubby to cook para nga dito sa surprise. Di marunong magluto asawa ko so imagine yung effort they both put into this surprise.

Nag confess ako kay bff na nagpunta ako sa kanila ng araw na yun and saw them together cooking sa kitchen. Natawa kaming pareho kasi we both know how it would look like - husband secretly meeting bff at her place. The whole she-bang. Nag apologise ako ng malala kay bff and she just laughed it off.

Si hubby tawa ng tawa nung umiyak ako when he uncovered the dish sa pa-surprise dinner niya. Akala niya tears of joy lang, sabi ko tears of joy, guilt, and relief. I told him what happened and he laughed more. He assured me na never niya akong sasaktan intentionally like that. He knows how important our family is to me, and my friendship with my bff who’s like a sister I never had.

Until now they still keep on teasing me about the “kabit-reta incident”.

21/05/2025

Stop the war, pray for lebanon ‼️😢

‼️I(discreet bi M) have this girl friend from my hometown, kababata actually, na napangasawa nya yung crush ko nung elem...
21/05/2025

‼️I(discreet bi M) have this girl friend from my hometown, kababata actually, na napangasawa nya yung crush ko nung elementary pa kami.

Alam ni girl na bi ako kase sinabihan ko sya dati, and eventually nalaman na rin ng asawa nya na bi ako at crush ko sya. Tinutukso pako ni girl sa asawa nya pag ng-gget together kami at tumatawa lang din asawa nya. I admit crush ko pa din sya hanggang ngayon kase parang mas pomogi pa sya ngayon.

Hindi masyadong maganda kalagayan nila, may isa silang anak at umaasa lng sa maliit nilang sari-sari store. Dun kami sa tindahan nila nag iinuman pag nauwi ako sa lugar namin.

One time umuwi ako tas nag inuman ulit kami sa tindahan nila, foodtrip, taya ko palagi pero okay lng maliit lng nmn at naiintindihan ko nmn sitwasyon nila. Ngkwentuhan about sa buhay, sabi nila madami dw silang utang tas hirap na hirap na daw sila.

Nung lasing na kaming lahat, nag aasaran na sa mga naging karanasan namin noon, bigla nlng sinabi nitong si girls na kung pwede ba daw hadahin ko asawa nya pambayad lng ng utang bukas kase due date na, pero parang pabito lng kase tumawa sya after. Pucha! Hinyang hiya tlga ako kase nandun asawa nya tumatawa lang tas ako halata tlga sa mukha ko na nashock ako sa sinabi nya. Alam kase nitong si girl na minsan pag may bet akong straight, inoofferan ko ng ganun.

Maya2 ngpaalam na si girl na matutulog na sya tas kami nlng dw umubos ng natirang alak. Ewan, parang planado ata nilang mag asawa yun. After last shot, mgpapaalam na sana ako para umuwi pero bigla ako kinalabit ni boy na yung sabi dw ng asawa nya kanina kung pwede ba. Ako nmn si marupok, at medyo libog din, pumayag pero sabi ko bsta wag mo nlng sabihin sa asawa mo. Tas yun nangyari nga, at binigyan ko sya 2k.

Kinabukasan bumalik nako sa lugar kung sana ako nagwwork. Tas nagchat saken si girl, ngpasalamat, idk if para san, dun ba sa binigay ko sa asawa nya or dahil nilibre ko sila. Pero malamang nalaman nya yung nangyari kase mgtataka yun san galing pera nung asawa nya.

Yun lang, alam ko ijjudge nyo ko. Syempre may guilt din sa part ko. Ewan kung mkikipagkita pako sa kanila pag uwi ko.

Sinasadya ng boyfriend ko na bagalan kumain‼️"Konting background lang: we’ve been together for more than 3 years na. we ...
19/05/2025

Sinasadya ng boyfriend ko na bagalan kumain‼️

"Konting background lang: we’ve been together for more than 3 years na. we met when i was 7 and he was 10 but he just got the courage na kausapin ako a few months after i turned 18.

last night, lumabas kami ng family ko to have dinner and as usual, pinatake out ko food ko kasi i still have more than half pero silang apat, tapos nang kumain. inupdate ko boyfriend ko:

me: wait, patake out ko lang food bf: hindi mo ulit naubos?

nagulat ako syempre kasi bakit niya alam hahahahhaha tumingin tingin pa ako kasi baka nasa mall din siya pero inamin niya sakin na sinasadya niyang bagalan pace ng pagkain niya para may kasabay akong magsimula at matapos kumain palagi. nagflashback naman sakin mga time na dinadaldal niya ako or pinipicturean niya ako pag nagkkwento ako habang kumakain tapos susubo lang siya pag susubo na rin ako. minsan, pag maraming ginagawa sa school at nakakalimutan kong kumain, dadalahan niya ako ng food at ichchallenge na paunahan kami kumain just so i can i eat properly nang walang iniisip kundi ang unahan siya hahahha. i never realized all that before.

sobrang abusive ng family ko emotionally and physically and since i’ve been with him, naging magaan lahat. totoo pala yung sinasabi sa bible, no? my boyfriend is so patient, he is kind, he doesnt envy or boast; he is not arrogant or rude, he does not insist on its own way; he is not irritable or resentful. ang sarap sarap magmahal kapag mas mahal ka."

🚩Ikaw ba ay may confession or kwento na nais mailabas? Send us a message. 😊

NGAYON NAIINTINDIHAN KO NA ‼️‼️"Ngayon alam ko na. Alam ko na ang kaibahan kapag mas mahal ka ng lalaki.Recently lang na...
19/05/2025

NGAYON NAIINTINDIHAN KO NA ‼️‼️
"Ngayon alam ko na. Alam ko na ang kaibahan kapag mas mahal ka ng lalaki.

Recently lang nagkasakit ako (26F) and nagsstay ako sa bahay ng boyfriend ko sa Laguna (25M) bakasyon kasi, walang pasok.

Isang araw habang naglalaba kami nilagnat ako, umabot ng 39.7, sabi ng mga kapatid niya iligo ko na raw para sumingaw yung init sa katawan ko. Dahil nga hilong-hilo ako, sabi ng bf ko siya na raw magpapaligo sakin. Pinag-init niya ako ng tubig pampaligo, shinampoo+conditioner, kinuskos. Habang ako nakaupo lang sa bowl dahil hinang-hina ako. Nahihiya pa ako nun kasi baka anong sabihin ng mga kapatid niya at magkasama kami sa CR at wala pa akong suot HAHAHAHA. Pero tuloy lang siya sa pagbanlaw sakin.

Di pa yan dyan natapos, siya din nagbihis sakin. Nagtuyo ng buhok at nagsuklay. Nakatatlong gising rin siya ng madaling araw para painumin ako ng gamot at punasan ng basang bimpo kahit 6am pasok niya kinabukasan. Yan ang naging routine niya ng almost 3 days habang nagpapagaling ako. At nung araw na bumalik ako sa normal temp, nakita ko siya bago kami mag sleep nag sign of the cross siya at bumulong. Grabe kilig ko 'non kasi feeling ko pinagdarasal niya ako.

Pinapanuod ko lang siya habang ginagawa yung mga bagay na yun. Wala akong ibang masabi kung hindi "salamat lab".

Ganito pala yung feeling kapag minahal ka ng tama 'no?"

🚩Ikaw ba ay may confession or kwento na nais mailabas? Send us a message. 😊

19/05/2025

Wait... what?! 🍌✅🍓❌
Bananas are berries, but strawberries aren't?
Botany is WILD. 😂

16/05/2025

Shout out kay Danny Ilagan! 😘 Next top comment sunod po.

Interesting Fact: The average cloud weighs about a million pounds, roughly the same as 100 elephants!
16/05/2025

Interesting Fact: The average cloud weighs about a million pounds, roughly the same as 100 elephants!

Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mind Plays posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share