11/17/2025
Eto ay padalang lihan ng isa sa ating taga subaybay sa Page na ito. Nagpapatulong sya ng advise kung ano ang gagawin nya. Ikaw mga mare ano ang maipapayo mo sa kanya? P**i koment sa baba pag may payo kayo ng maayos ko.
“Hi, saw your comment lang sa isang post. I want someone lang na makikinig sa drama ko, sa heartaches ko. Although nagpe-pray naman ako lagi, gusto ko lang din na may magreply sakin. Like kausap ganun
I'm married. We have 3 kids aged 14, 12, and 4 respectively. 14 years nagsasama 14 years din niloloko. Nung una hinahayaan ko nalang kasi chat chat lang naman pero lately parang iba na kasi parang na fall na ata sya sa girl. Nararamdaman ko na hindi na rin nya ako love. Pero parang no choice nalang kaming dalawa kasi may mga anak kami. Kaya till now magkasama pa rin kami. Gusto ko mang umalis pero hirap ako mag decide kasi mga bata paano? Yung nanay at mga kapatid ko nasa ilocos, ako yung work ko nandito. Kung iuuwi ko sila anlayo para bisitahin. Tapos parang ang pangit naman kung ako ang aalis tapos mga bata sa asawa ko, parang di ko kaya. Yung bahay is bahay ng parents nya, inextend lang sa taas at duon kami nakatira. Ang hirap mag decide 😭
Lahat ng sahod ko binigay ko sa kanya kasi sakto lang naman talaga para sa bills at allowance sa bahay. Wala akong natitira para sa sarili ko. Nagtipid ako even food ko sa work, i don't eat lunch, hindi ako sumasama sa mga kawork ko kumain sa labas, sapat na yung bread and coffee sa umaga and eat dinner nalang pagdating sa bahay. Antagal ko kinalimutan sarili ko. Wala akong bagong damit, mga damit ko ilang years ko ng gamit (buti nalang may uniform kami🥹), walang make up, di nga makabili bagong panty, ilang 13th month ang nagdaan pero wala ako maalala na nabili for myself. Meron siguro isang sapatos kasi sira na yung luma. Lahat para sa asawa ko, para sa mga anak ko, tapos ito yung igaganti nya sakin. Maghahanap ng iba. Bakit? kasi hindi na ako maganda? Hindi na ako sexy? 😭 Gusto kong gumanda ulit, gusto kong bumalik sa old me. Gusto ko unahin ko na ulit ang sarili ko. 🥹
Gusto ko man dalhin mga bata sa ilocos, aside from malayo to visit, yung mother ko matanda na at brother ko may sakit. Walang magbabantay sa mga anak ko, I need to work, hindi ako pwedeng tumigil. Pangarap ko sa nanay ko di ko man lang magawa, kasi para sa sarili ko nga di ko magawan ng paraan. Gusto ko man lang sya i-date, gusto ko maipasyal man lang, gusto ko mapagamot mga mata nya, gusto ko sya mabilhan ng salamin, wala kasi na-stuck ako sa problema ko.
Finance and Supply Assistant po sa isang construction company
Today, andaming tumatakbo sa isip ko. Bukas 60th birthday ng nanay ko, wala di maka uwi, walang ambag, walang pamasahe, lagi struggle sa pera. Sabayan pa ng cold na sakin asawa ko, uuwi nalang ako para kumain matulog, tapos papasok ulit. Grabe yung lungkot ko. Para akong nag iisa. Parang wala akong patutungohan. Parang ang bigat 😭”
Ikaw mare , kung ikaw ang nasa situation nya ano ang gagawin mo? P**i share naman ang post na ito mga mare 😘🙏