11/30/2025
Sharing my experience from Dishwasher to Business Intelligence Lead β€οΈ I'm also offering services for those who interested working in corporate US ππ»
Dishwasher to Business Intelligence Lead
7 years ago, namasyal ako sa downtown Chicago nung day off ko sa trabaho bilang isang dishwasher sa pizza store.
Patingin tingin sa mga matataas na buildings at mga naka corporate attire na empleyadoβ¦
Sa mga panahon na to, bagong salta lang ako sa US at ni hindi pa ako ganon karunong mag english. Pati experience ko sa tech industry sa pinas ay hindi din ganon ka pulido pa kaya wala akong ka confi confidence sa sarili ko.
Pero habang tinititigan ko yung kapaligiran habang nagkakape, out of nowhere sinabi ko sa sarili ko na balang araw makakapasok din ako jan sa isa sa mga buildings na yan bilang software engineer or data analyst or any tech related job!
Ramdam ko yung hirap mamuhay mag isa sa bansang hindi mo naman kinalakihan. Sa loob ng 3 taon, 2 ang trabaho ko minsan pa nga ay tumatatlo.
Dishwasher, Lawn Mower, Salesman, Help cook sa kusina, Data Entry, Snow plowing, cleaner (Lahat ng kikita ang ng pera pinasok at linagsabay sabay ko)
Hanggang sa dumating yung opportunity na pwede ako makapag train ng analytics related courses na ako pa yung babayaran π₯
Isang taon akong nag aral at trabaho full time. 4 na oras na tulog sa loob ng isang taon. Sabado at linggo ko lang nararanasan yung maka 6 na oras na tulog. Outside ng study and work hours, as possible dinadagdagan ko pa ang personal projects ko(even sa bus nag cocode ako at gumagawa ako ng dashboard or during lunch time sa work or school)
Pero sa kabila ng lahat ng yun, natapos ko ang program
Nagbukas ang mga oportunidad tulad ng
ππ» Data Science Support sa Motorola Solutions Headquarters
ππ» Software Engineer Intern sa Yello
ππ» Hanggang nakapasok na ako sa isa sa mga top pharmaceutical and medical device company bilang contractor data analyst
At dun na nga nagsunod sunod at naging :
ππ» Business Intelligence Developer
ππ» Business Intelligence PM/ Developer
ππ» At ngayon bilang isang Business Intelligence Specialist Lead sa isa sa mga pinakamalaking insurance brokerage sa buong industry
Pero hanggang ngayon, hindi padin ako nakapagtrabaho sa downtown chicago. Preffered ko na yung bahay π Namamasyal padin ako at tumititig sa mga buildingsβ¦ pero this time bilang isang empleyado na isa mga office namin pero mas gusto ko lang sa bahay π€£
This timeβ¦ napapaisip naman ako kung posible ba magkaroon ako ng bahay sa mismong downtown area ng hindi masakit sa bulsa ππ»
Mangangarap ka na lang bakit lilimitahan mo pa π
Kung isa ka sa mga nangangarap ngayon... ito lang yung masasabi ko...
Mangyayari yan! β€οΈ Actionan mo lang β€οΈ
Happy Valentines Everyone!
I'm Dennis Demandaco(Mukang Pera Geng Geng)
dating Dishwasher na ngayon ay BI specialist based here sa US
Please follow and support Mukang Pera Geng Geng for more tech and analytics stories related content!
Thanks mga Ka DAX!