06/20/2025
๐๐๐ฉ๐๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ญ๐๐ซ๐ฒ ๐๐จ๐ง๐ง๐ฒ ๐๐ง๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ฎ๐ฆ๐ข๐ฌ๐ข๐ญ๐; ๐ข๐ง๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ญ๐ข๐๐โ๐ญ ๐ฉ๐ซ๐จ๐ ๐ซ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ซ๐๐ฅ๐๐ง, ๐๐ข๐ง๐ข๐ ๐ฒ๐๐ง๐ ๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐
Mainit na pagtanggap ang bumungad kay Department of Education (DepEd) Secretary Juan Edgardo โSonnyโ Angara sa kaniyang pagpunta sa Agusan National High School (ANHS) bandang alas-4 ng hapon, June 19, 2025.
Isa ang paaralan sa kaniyang pinuntahan bilang bahagi ng pakikipagkonsulta sa mga kinauukulan sa gitna ng mga isinasagawang reporma sa sektor ng edukasyon.
Ibinida ng ANHS ang mga iniaalok na special programs at clubs na matatagpuan sa mga booth ng quadrangle ng Junior High School campus.
Tampok din ang soft-launching ng kauna-unahang SMART Classrooms sa ABC-Building 201 at 202 na pinangunahan mismo ng DepEd Secretary bilang hakbang sa pagsabay sa modernong pagtuturo't pagkatuto, alinsunod sa adhikain ng lokal na pamahalaan ng Butuan na mapalawig ang digital literacy sa lungsod.
"It's a very different experience from learning from the usual way โ with writing. With SMART Classroom, it's easier for me to learn," salaysay ni Jaffice Leigh Labastida, mag-aaral ng Grade 7 - SPSTEM Archimedes, pilot student ng SMART Classroom.
Ibinahagi naman ng Local Government Unit (LGU) - Butuan City sa DepEd Secretary ang dokumentong naglalaman ng titulo ng lupa na pagtatayuan ng mga gusaling magsisilbing 'SMART Center of Excellence.'
"Para sa kaalaman ng lahat, the Science Department is tasked to be the coordinator in implementing the SMART Classroom. With this we are very much grateful for the opportunity sa kaniyang pagdating dahil at least nabigyan na ng pansin. Nabigyan ng pagkakataong makita ng DepEd secretary ang mga dapat mapunan," mensaheng pasasalamat ni Science Department Head Nasroden Ala.
Tiniyak naman ng kalihim na patuloy na pagtutuunan ng Kagawaran ang pagpapabuti sa kalidad ng edukasyon ayon sa mandato ng pangulo at nangakong itutugma ang mga solusyong isusulong batay sa pangangailangan ng bawat paaralan.
"Each school is different. So, we will listen to the teachers and faculty here as to what they feel is the most crucial intervention โ whether its teacher training, resources, or digitalization," paliwanag ni Angara nang makapanayam ng Ang Narra.
โ๏ธ: Jullie Laurence Abucay
๐ธ: Hezrai Libao, Winessa Galeon