10/15/2025
๐๐ถ๐๐ถ๐๐ถ๐ผ๐ป ๐ ๐ฒ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฑ
๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐ฎ๐ฉ๐ฎ๐ง๐ฒ๐๐ ๐ข, ๐๐จ๐จ๐ง ๐๐๐ ๐ฐ๐๐ฐ๐๐ ๐ข
ni: Christian Dale M***a
Sa dagundong ng tambol at hiyaw ng mga manonood, muling nagigising ang diwang matagal nang nag-aalab. Sa ika-16 hanggang ika-21 ng Oktubre, magtatagpo ang mga pusong tigib ng pangarap sa entabladong pinaghaharian ng sigasig at sakripisyo, ang Division Meet 2025, tagpo ng lakas, talino, at dangal.
Bawat hampas ng bolaโy awit ng tapang, bawat hakbang ng paaโy indak ng pag-asa. Patak ng pawis ang nagsisilbing tinta ng tagumpay, sumusulat ng kasaysayan sa init ng araw at hamog ng gabi. Sa mga bisig na marubdob at matang sabik magtagumpay, sumisiklab ang diwa ng paniniwala, na sa larangang ito, hindi lamang lakas ang sukatan, kundi pusoโt dangal na walang hanggan.
Hindi ito basta laro, kundi larangan ng loob at diwa. Dito sinusubok hindi lang ang bilis ng paa o tibay ng katawan, kundi ang katapangan ng pusong marunong bumangon sa pagkadapa. Sa bawat sigaw ng โLaban!โ umaalingawngaw ang panata ng kabataang handang magtaguyod ng karangalan ng paaralan. Sa talon, sugat, at pagod na tinatanggap ng may ngiti, naroon ang pusong nagmamahal, naglilingkod, at patuloy na lumalaban.
Sa gitna ng paligsahan, umuusbong ang pagkakaibigan, magkaiba man ang kulay ng kasuotang kumakatawan sa kani-kanilang paaralan, iisa ang tibok ng pusong naglalaban. Dito nagtatagpo ang mga atleta hindi bilang magkaribal, kundi bilang magkakapatid sa layuning marangal. Sa gitna ng laban, alab ay sumisiklab, damdamin ay busilak, diwaโy matatag. Sapagkat higit sa tropeo o gintong parangal, ang tunay na gantimpala ay ang tapang na nagningning sa bawat pakikibaka at dangal.
At sa pagtatapos ng sagupaan, mananatiling buhay ang kanilang sigla. Pagod ay magiging alamat, at ang tagumpay ay mananatiling alaala ng tapang. Sa bawat pintig ng puso at ngiting hatid ng pagod, muling sisilang ang apoy ng kabataan, patunay na sa bawat pagpupunyagi, doon nagwawagi ang tunay na bayani ng palakasan.
Guhit ni: Thea Rove Morales