07/23/2025
HINDI LAHAT NG GINTO AY PANG-SANGLA AGAD! 💛
Real talk sa mga Mamshing gusto ng instant kita.
Alam mo, may nakausap akong buyer last week…
Bumili siya ng 10g na 18K necklace, super ganda.
After 2 days, nag-PM:
“Mamsh, pwede ko na po kaya ito isangla? Kasi medyo gipit eh.”
Napahinga ako ng malalim.
Sabi ko sa kanya:
“Mamsh, kung balak mo agad isangla ang binili mong gold, sayang. Hindi pa ‘yan ang tamang time.”
🎯 Kasi ganito ‘yan:
Gold is not a magic trick na bili today, tubo agad tomorrow.
Kung iniisip mong pang-emergency siya agad, baka ibang bagay ang kailangan mo, not an investment.
📊 Think of it like this:
Kapag bumili ka ba ng lupa ngayon, at ibenta mo bukas, kikita ka agad?
Hindi ‘di ba?
Ganon din sa stocks, mutual funds, or crypto, you don’t expect instant return.
💎 Ang ginto ay may tamang panahon.
Tumataas ang value niya over the years.
Kung bibili ka ngayon at biglang kailanganin mo bukas, malulugi ka pa.
Yung sinangla mo, babayaran mo ng interest… tapos bawi lang sa mababang value.
💡 Kaya eto ang mindset tip:
Buy gold only if you’re ready to hold it.
Para kung dumating man ang time na tumaas ang value, panalo ka.
Gamitin mo ang gold as:
✨ “sleeping investment” tahimik pero lumalago
✨ “emergency fund of last resort” hindi first option
✅ Kaya sa mga Mamshing gustong kumita sa ginto:
Invest with patience.
Learn the timing.
Huwag padalos dalos.
🔴Kaginatalks by Jen