09/11/2025
β οΈ FLASH FLOOD SURVIVAL GUIDE
Lahat ng baha nagsisimula sa ulan.
Tahimik muna, tapos biglang rumaragasang tubig.
Pag nag-panic ka, late na.
Kaya basahin mo ito ngayon habang safe pa.
β
MGA DAPAT GAWIN BAGO TUMAAS ANG TUBIG
1. MAGHANDA NG DAAN PAPUNTANG BUBONG.
Kung walang butas o access, planuhin kung saan pwede umakyat o buksan ang bubong.
2. MAGHANDA NG HAGDAN AT MGA PANGBUKAS.
Huwag upuan, huwag mesa. Hagdan talaga.
Maghanda ng maso, martilyo, o anumang pwedeng pambasag ng pader o bubong.
3. I-FREEZE ANG MGA BOTE NG TUBIG.
Pampalamig ng pagkain, tapos maiinom pag natunaw.
4. TAKPAN ANG MGA DRAIN AT TOILET.
Papasok ang maruming tubig kung hindi ito nakasara.
5. PATAYIN ANG MAIN BREAKER AT I-UNPLUG LAHAT.
Kuryente at tubig hindi magkaibigan.
6. SIGURUHIN ANG LPG.
Isara nang mahigpit at itali nang tuwid para hindi lumubog at tumagas.
7. ILAGAY SA PLASTIC BAG ANG PHONE, PERA, AT MGA ID.
Isang tuyong cellphone, isang tawag, isang buhay.
8. ISAMA ANG PETS.
Huwag sila iwan sa baba. Gumawa ng panglutang gamit bote o foam.
β
KAPAG PAPASOK NA ANG TUBIG
1. TUMAAS AGAD.
Kapag umabot sa sahig ang tubig, huwag maghintay.
Aakyat ang baha mas mabilis kaysa akala mo.
2. IWAN ANG KOTSE KAPAG NASA GULONG NA ANG TUBIG.
Lumalutang ang kotse. Bitag ito, hindi proteksyon.
3. MAGING MATAAS ANG MGA GAGAMITIN.
Ilapat sa taas ang flashlight, pagkain, gamot, at tubig.
4. MAGSUOT NG MAGAAN AT MABILIS MATUYONG DAMIT.
5. GUMAMIT NG LIWANAG PARA MAGPAPANSIN.
Flashlight, ilaw sa cellphone, o kahit tela na matingkad.
β
KAPAG NASA BUBONG KA NA O MATAAS NA LUGAR
1. HUWAG SAYANGIN ANG SIGAW.
Mas nakikita ang ilaw kaysa naririnig ang boses.
2. MANATILI SA ISANG LUGAR.
Mas madaling makita ng rescuer kung hindi ka palipat-lipat.
3. HUWAG MAG-PANIC.
Huminga. Mag-isip. Kumilos.
Ang malamig ang ulo ang nabubuhay.
β
MGA DAPAT NAKAREADY SA BAHAY
β’ Hagdan, lubid, martilyo
β’ Flashlight, pito, radyo
β’ Canned goods, biscuits, noodles
β’ Tubig at frozen bottles
β’ First aid kit at basic meds
β’ Plastic bags para gawing drybag
β’ Importanteng dokumento sa ziplock
β’ Powerbank at extra batteries
β
PARA SA PAMILYA AT KAPITBAHAY
β’ Magset ng group chat para sa updates
β’ Magtakda ng meeting place sa mataas na lugar
β’ Tulungan ang matatanda, bata, buntis, at may kapansanan
β’ Iligtas ang alaga nang maaga
β’ Ipaalam sa iba kung may taong nangangailangan ng tulong