06/18/2025
ANG PAGKAWALA NA NG EFFORT ANG UMTI UNTING PUMAPATAY MG PAGMAMAHAL
Hindi lang dahil sa pagtataksil namamatay ang relasyon.
Minsan, unti-unti na lang siyang nawawala
sa kawalan ng effort,
dahil sa sobrang comfort niyo na sa isat isa nakakalimutan ng alagaan ang iyong kapareha
Pwede kang maging tapat pero failed ka prin sa pagmamahak.
Pwede kang hindi mangaliwa, pero minsan ang relasyin niyo ay uhaw na sa kalinga.
Kasi ang pag-ibig, hindi lang basta dapat panatilihin.
Pagpili ‘yan—araw-araw, paulit-ulit, sa mga bagay na may halaga.
Kailan ka huling nag-effort para mapasaya siya?
Kailan mo siya huling sinorpresa, hindi dahil may okasyon, kundi dahil gusto mo lang siyang mapangiti?
Bakit hindi mo na ginagawa? , dahil inisip mong nandiyan lang naman siya palagi?
Ang pagiging wala ng effort, hindi lang ‘yan tungkol sa nakakalimutang monthsary o sa hindi pagbibigay ng regalo.
Ang tunay na walang effort, ‘yung nakakalimot na ang pagmamahal ay action.
Yung unti-unting paglayo, habang magkasama pa kayo.
Yung pakiramdam ng isa, na kahit nandiyan ka, parang ang tagal na niyang mag-isa.
Huwag hayaang maging komportable sa isat isa.
Huwag hayaang palitan ng routine ang tunay na intensyon.
Ang pag-ibig, hindi ‘yan passive.
Araw-araw ‘yang pagpili.
Araw-araw ‘yang effort.
Araw-araw ‘yang paglalaban.
Kasi ang pinakamasakit na heartbreak,
hindi lang galing sa breakup.
kundi sa pag stay nga pero hindi na talaga maramdaman.
Piliin niyo ang isa’t isa. Araw-araw. Hindi lang sa salita, kundi sa gawa.
📷