20/05/2025
Paano ko pa maibabalik yung init na nararamdaman ko sayo.
Kung paulit ulit mo na lang ginagawa yung ayaw kung gawin mo.
Alam mo naman nadudurog mo ang puso ko.
Sa tuwing pinaparamdam mong balewala lahat ng sinasabi ko sayo.
Hindi mo ba kayang intindihin ako?
Unawain mo naman ako?
Nasasaktan mo na ako ng emosyonal, mentality at physical.
Na hindi mo man dinadapo ang yung mga kamay, ako'y binubugbog mo na sayong pinapakita, kinikilos at ginagalaw.
Alam mo bang nakakapagod na ako
Pero heto parin akong iniintindi kita.
Alam mo bang gusto ko ng sumuko.
Pero heto parin akong lumalaban sayo.
Alam mo bang gusto ko narin bumitaw sayo.
Pero heto parin ako na pilit kumakapit sayo.
Umaasang ika'y magbabago?
At ako'y mapansin mo rin at bigyan mo ng pansin na narito lang ako para sayo?
Ngunit?...
Paano nga ba!
Hindi mo naman pinapakita.
Hindi mo naman pinaranas na ako'y may halaga?
Kaya't may mga katanongan sa aking isipan.
Malaking question mark na nakaharang.
Kung talaga bang ako'y iyong mahal.
Oh!
Isa mo lang akong panakip butas sayong pangangailangan.
Oh sadyang ginagamit mo lang ako, para sa pansarili mo?
Ano nga ba ako sa buhay mo?
Ano nga ba ako sayo?
Isa mo lang ba akong kasangkapan mo!?
Isa mo lang ba akong laruan sayo?
Ang hirap ng sitwasyon kung ito.
Hindi ko alam kung ano ang papel ko sa buhay mo.
Kung ang lahat ng pinaparamdam at trato mo sa akin ay sasaktan mo lang din.
Mas mainam na lang na tahimik akong lalayo.
Masakit?
Oo masakit!
Pero kung ito ang magpapanatag sa akin, hindi ako mag aalinlangang gawin.
Para sa aking ikakabuti upang hindi na ako masaktan pang muli.
Sa taong minahal ko't pinili pero ako'y nagkamali.
Nasa huli man ang pagsisisi, pero ako'y nakalaya ng payapa.
Sa taong akala ko'y mahal ako at may halaga!