15/09/2026
Isang malungkot na araw para sa Gilas Pilipinas. Kahapon, opisyal na tinapos ng China ang pagiging defending champion ng Gilas sa Asian Games.
Gilas now is a former Asiad champion.
Tinambakan tayo ng China ng 44 points upang siguruhing talsik na tayo sa torneo.
Pati sa Senado, nakarating ang isyu. Bakit daw hindi ang best team ang ipinadala natin, tanong ni Sen. B**g Go, chairman ng Sports Committee. Bakit wala tayong naturalized player kahit isa, ang Bahrain, may apat.
Sa tanong na ito, dapat din sigurong tanungin ang SBP. Bakit ang kupad nila, mala-pagong ang kanilang naging pagkilos para mapabilis sana ang naturalization process kay Bennie Boatwright. Nang mag-lapse na into law ang naturalization ni Boatwright, too late na para maisama pa siya sa Gilas. Kailangan pa niyang manumpa, ayusin ang papel sa BI at saka pa lang makakakuha ng Phililippine passport.
At saka ito raw si Al FRancis Chua na team manager ng Gilas. Alam naman niya na may mga kontrata sa ibang bansa ang core ng ating national team, bilang team manager, months ahead pa ay dapat nakikipagnegosasyon na sa mga team sa Japan at Korea para ma-release panandalian ang tulad nina Dwight Ramos, AJ Edu, Kevin Quiambao at Carl Tamayo.
Sabi tuloy ng ilang PBA fans dito sa bansa, sa PBA daw, ang husay 'mambraso" ni Al FRancis Chua. Ang kasabihan nga sa ating local league, what Al wants, Al gets... Dapat daw nakagawa siya ng paraan para nakapaglaro sana ang mga tunay nating pambato.
"We have good players. But we did not bring the best," pahayag ni Coach Tim Cone. At sa mga international competition, wala talaga tayong chance na manalo kapag hindi natin ipinadala ang pinakamagagaling nating mga manlalaro.
Kahit gaano pa kagaling ang coaching staff, kapag wala kang mga higanteng makikipaggitgitan sa ilalim, talagang lalamunin ka ng mga koponang tulad ng China.