
18/02/2025
๐๐๐๐๐๐
Nakakalungkot man, pero hindi na bago ang pag-alis ng ilan sa iglesia. Gaya ng ibang samahan, ang MCGI ay isa ring organisasyon na may umaanib at may umaalis. Kung sa mga street gang nga ay may kumakalas (kahit alam nilang maaari itong magdulot ng kapahamakan sa kanila), sa iglesia pa kaya, na wala namang pilitan ang membership?
Malaya ang sinuman na umalis. Walang pilitan. Malinaw yan.
Noon pa man ay may mga umaalis naโpanahon pa ng Kapatid na Eli. May mga manggagawa, ordinaryong miyembro, malalaking negosyante, artista, taga-basa niya sa Bible Expositions, kamag-anak, at iba pa.
Kaya, mga kapatid, hindi na tayo dapat magulat sa ganitong bagay. Wala namang espesyal sa ginagawa ng mga umaalis o ng mga "exiter" na 'yan. Natural lang ito sa mga hindi tunay na kapatid.
Hindi lang ito ngayon nangyayari. Noon pa, wala lang social media dati kaya hindi nila naipapangalandakan sa madla ang pag-alis nila. Ngunit naisulat na ng apostol na si Juan ang gawaing ito ng mga exiter, na umiiral na pala noong panahon pa nila:
โ๐๐๐ก๐โ๐ฎ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐๐จ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ, ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐โ๐ฉ ๐จ๐๐ก๐โ๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ; ๐จ๐๐ฅ๐๐๐ ๐โ๐ฉ ๐ ๐ช๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐โ๐ฎ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ ๐๐ฎ ๐ฃ๐๐๐จ๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ก๐ ๐จ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ: ๐ฃ๐๐ช๐ฃ๐โ๐ฉ ๐ฃ๐๐ฃ๐๐๐๐จ๐๐ก๐๐๐๐จ, ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐โ๐ฎ ๐ข๐๐๐๐ฎ๐๐ ๐ฃ๐ ๐จ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐๐๐ฉ ๐๐ฎ ๐๐๐ฃ๐๐ ๐จ๐ ๐๐ฉ๐๐ฃ.โ
๐ญ ๐
๐๐ผ๐ ๐ฎ:๐ญ๐ต (๐ผ๐ฟ๐ฝ)
Gayon pa man, natinag ba ang iglesia? Napahinto ba nila ang gawain? Mas lalo pa ngang lumawak, hindi ba?
Kaya huwag na tayong magtaka. Matandang espiritu na yan. Ang Panginoong Cristo mismo ay iniwan ng ilang alagad Niya (Juan 6:66). Ang Dios mismo ay tinalikuran ng mga anghel na nilikha Niya at sumama kay Satanas. Tayo pa kaya, na mga walang kabuluhan, ang hindi makakaranas ng ganito? Kung sa Panginoon nga nangyari ito, paano pa kaya sa atin na mga alipin lamang Niya? Hindi tayo mas dakila pa kaysa sa ating Panginoon (Juan 13:16).
Iba't ibang dahilan ang ginagamit ng mga exiter kung bakit umano sila umaalis. May mga halatang imbento. Ang iba naman ay mukhang totoo ngunit hindi naman talaga, lalo na kung susuriing mabutiโnadadaan lang sa matatas na pananalita. Maaari kang makumbinsi kung hindi ka magpapakatalino at hindi magiging maingat.
๐ฃ๐๐บ๐ฎ๐ป๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐๐ผ, ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐ถ๐ฑ, ๐ฎ๐ ๐ต๐ถ๐น๐ถ๐ป๐ด๐ถ๐ป ๐๐ฎ ๐๐ถ๐ผ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฏ๐ถ๐ด๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐๐ผ ๐ป๐ด ๐บ๐ฎ๐น๐ถ๐ป๐ถ๐ ๐ป๐ฎ ๐ฝ๐๐๐ผ ๐๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐๐ผ ๐บ๐ฎ๐๐ถ๐ป๐ฎ๐ด ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ถ๐ป๐ถ๐ฟ๐ฎ ๐ป๐ถ๐น๐ฎ.
Noong bago pa lang ako, may mga katanungan din ako. Ngunit sa awa ng Panginoon, hindi ako nag-isip ng higit pa sa dapat kong isipin. Salamat sa Dios at sa pagdaan ng panahon, nasagot ang mga tanong ko. Panalangin at pakikinig sa mga paksa nina Bro. Eli at Kuya Daniel ang naging sandata ko upang hindi mapaniwala ng mga paninirang galing sa may masasamang mata at puso.
Naniniwala ako na kung isasabuhay natin ang mga ipinangangaral ng Kapatid na Danielโna pawang galing sa Bibliaโtiyak na dadalhin tayo nito sa kabutihan.
Ngunit kung sa mga kalaban tayo maniniwala, saan kaya nila tayo dadalhin?
Muli, hindi tayo pinilit umanib, at hindi rin tayo pinipilit manatili sa loob ng iglesia. Sa bandang huli, binigyan tayo ng Dios ng kalayaang pumili.
Liwanag o dilim
Loob o labas
Mabuti o masama
Pagtitiis o pagsuko
Ano pa man ang mga pagpipilian natin, may payo ang Dios:
โ๐ผ๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐ฉ๐๐ฌ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐๐ฃ๐๐๐ฉ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ก๐ช๐ฅ๐ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐ ๐๐จ๐๐ ๐จ๐ ๐ก๐๐๐๐ฃ ๐จ๐ ๐๐ฃ๐ฎ๐ค ๐จ๐ ๐๐ง๐๐ฌ ๐ฃ๐ ๐๐ฉ๐ค, ๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐๐ก๐๐๐๐ฎ ๐จ๐ ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ข๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐ ๐๐ข๐๐ฉ๐๐ฎ๐๐ฃ, ๐๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐๐ก๐ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐จ๐ช๐ข๐ฅ๐; ๐ ๐๐ฎ๐โ๐ฉ ๐ฅ๐๐ก๐๐๐ฃ ๐ข๐ค ๐๐ฃ๐ ๐๐ช๐๐๐ฎ, ๐ช๐ฅ๐๐ฃ๐ ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐ฎ ๐ข๐๐๐ช๐๐๐ฎ, ๐๐ ๐๐ฌ ๐๐ฉ ๐๐ฃ๐ ๐๐ฎ๐ค๐ฃ๐ ๐๐๐ฃ๐๐.โ
๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ฏ๐ฌ:๐ญ๐ต (๐ผ๐ฟ๐ฝ)