09/04/2024
๐ฃ๐ฎ๐ต๐ฎ๐๐ฎ๐ด ๐ป๐ด ๐จ๐ฃ๐๐ฃ ๐๐ฎ๐๐ฐ๐ต ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฌ ๐ฎ๐ ๐๐ฆ๐ฃ ๐ฎ๐ฌ๐ญ๐ต ๐ฝ๐ฎ๐๐๐ป๐ด๐ธ๐ผ๐น ๐๐ฎ ๐ฏ๐๐ฑ๐ด๐ฒ๐ ๐ฐ๐๐
Batay sa General Appropriations Act of 2024, mayroong 128.2 bilyong pisong badyet ang nakalaan para sa state universities and colleges (SUCs) kung saan ang 24.8 bilyong piso mula rito ay nakalaan para sa UP System na kinabibilangan ng walong (8) constituent universities, isang autonomous university, at ng Philippine General Hospital. Bagaman 508 milyong piso ang itinaas ng badyet ng UP system ngayong taon kumpara sa nakaraang taon, mas mababa pa rin ito sa 40.8 bilyong pisong paunang badyet na hinihingi ng unibersidad. Dahil dito, inaasahang mababawasan ng 943 milyong piso ang badyet para sa Higher Education Program na nakalaan para sa scholarships pati sahod ng faculty at staff. Dagdag pa rito, inaasahan ding bababa nang 5.68 milyong piso at 14.3 milyong piso ang pondo para sa Research Services at Technical Advisory Extension Program. Dahil sa kakulangan sa pondo, inaasahang maaapektuhan nang lubusan ang serbisyo, kalidad ng edukasyon, at pang araw-araw na operasyon ng unibersidad.
Samantala, ang Philippine General Hospital, na kumukuha rin ng pondo mula sa nakalaang pondo para sa UP, ay magkakaroon din ng budget cut na 4.96 bilyong piso mula sa 5.41 bilyong piso nitong badyet noong 2023. Kaya, mahigit 194 milyong piso ang mababawas sa badyet ng Medical Assistance for Indigent Patients (MAIP) Program na may layuning maibsan ang gastusin ng mga indigent na pasyente.
Dahil sa pagbaba ng pondo ng PGH na itinuturing na National Referral Center ng bansa, inaasahan ang pagtaas ng morbidity at mortality rate dahil sa pagtaas ng sakit dulot ng hindi angkop at sapat na pangangalagang pangkalusugan. Isa pa rito ay ang taunang problema ng PGH sa rehabilitasyon ng lumang imprastraktura nito, na kung saan natunghayan ito ng marami sa nagdaang sunog na nangyari noong Marso 13, 2024.
Sa halip na bigyang prayoridad ang edukasyon, pampublikong kalusugan at iba pang serbisyo, mas pinipili pa ng karamihan sa nakaupo sa pamahalaan na pagsilbihan at pahalagahan ang kanilang pansariling interes, katulad na lamang ng confidential funds at intelligence funds. Karapat-dapat lamang na mas pagtuunan ng pansin ang pagdagdag ng pondo ng UP System at iba pang SUCs upang matugunan ang pangangailangan para sa pampublikong edukasyon, gayon din sa PGH upang mas mapabuti ang serbisyo nito sa mga pasyente.
Kasama ang UPCP 2020 at BSP 2019, hinihimok namin ang lahat na patuloy na tutulan ang paglalaan ng malaking bahagdan ng pondo sa confidential funds at intelligence funds, at patuloy na kalampagin ang pamahalaan na magbigay ng sapat at naaayon na badyet para sa sektor ng edukasyon at pangkalusugan.
๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐; ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
References:
David, A. (2024, February 6). PGH to suffer P450-M budget slash in 2024 - The Manila Collegian - Medium. Medium. https://mkule.medium.com/pgh-to-suffer-p450-m-budget-slash-in-2024-75be8af43f2f
Dipasupil, R. (2023, December 24). P508-M Budget Hike Set for UP Next Year. Philippine Collegian. https://phkule.org/article/1076/p508-m-budget-hike-set-for-up-next-year
Lirio, A. J. (2023, December 24). An increase with setbacks: A look into the UP Systemโs 2024 budget. Tinig Ng Plaridel. https://www.tinigngplaridel.net/2024-budget-increase/
Ombay, G. (2023, October 2). UP laments P564-M cut in proposed 2024 budget. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/883925/up-laments-p564-m-cut-in-proposed-2024-budget/story/
Ombay, G. (2024, February 4). PASUC: SUCs get P27.3 billion budget increase in 2024. GMA News Online. https://www.gmanetwork.com/news/topstories/content/896382/pasuc-sucs-get-p27-3-billion-budget-increase-in-2024/story/
Tucay, M. (2023, August 16). 30 SUCs to suffer budget cuts in 2024. AlterMidya. https://www.altermidya.net/30-sucs-to-suffer-budget-cuts-in-2024/