11/07/2025
Bakit Nawala sa Ministry?
Napansin mo ba?
May mga dati tayong kasama sa ministry—mga kapatid na dati ay laging present, punong-puno ng sigasig at pananampalataya. Sila yung mga unang dumarating sa church, unang nagvo-volunteer, laging excited kapag may gawain. Pati kapag Life Group laging on time at excited na mag-outreach para ituro ang Gospel. Pero ngayon… tahimik na. Wala na. Hindi na natin nakikita.
Hindi naman bigla ang pag-alis nila. Wala namang isang malaking “goodbye.” Ang nangyari… unti-unti. Dati lingguhan, naging paminsan-minsan, tapos tuluyan nang nawala.
Tanong ni Apostle Paul sa mga taga-Galatia:
“You were running a good race. Who cut in on you?” (Galatians 5:7)
Parang sinasabi ni Paul,
“Ang ganda ng simula mo… pero anong nangyari? Sino ang humadlang sa’yo? Ano ang nangharang sa landas mo?”
At napapaisip tayo, bakit nga ba? Bakit may mga kapatid sa pananampalataya na nawawala sa ministry? Ano ang mga dahilan? At mas mahalaga, paano natin ito maiiwasan?
- May mga napagod, pero walang nakapansin.
- May mga nasaktan, pero walang nagtanong.
- May mga pinanghinaan ng loob, pero walang tumulong buhatin.
- May mga nalito sa direksyon, pero walang gumabay.
Madalas, hindi malalaking tukso agad ang gamit ng kaaway. Kadalasan, sa maliliit na bagay siya nagsisimula—mga simpleng kompromiso, tila walang kwentang kasalanan, at tahimik na paglayo sa presensya ng Diyos. Hindi halata sa simula. Paunti-unti lang. Unti-unting lamig. Unti-unting pag-iwas. Unti-unting pagkalayo—hanggang sa isang araw, hindi na natin namalayang wala na tayo sa dati nating apoy.
Kaya bilang isang pamilya sa pananampalataya, kailangan natin magkamustahan, magdamayan, at alalahanin ang mga nawala. Hindi lang para ibalik sila, kundi para pigilan din ang iba pang halos bumitaw na.
Baka ikaw din, pagod na. Tahimik na lumalayo. Pero paalala: may mga taong handang makinig. May Diyos na patuloy na tumatawag. At kahit na lumayo ka, pwede ka pa ring bumalik.
Kaya tanong ko sa’yo: Kamusta ka na talaga?
Sa puntong ito, alamin natin ang ilang dahilan kung bakit unti-unting humihina ang apoy ng ilan sa paglilingkod at kung paano natin ito maiiwasan.
1. Lack of spiritual intimacy.
John 15:5 “Apart from Me, you can do nothing.”
Busy sa ministry, pero hindi busy sa Diyos. Kapag nawala ang devotional life, unti-unting napapalitan ng performance ang intimacy. Kaya kahit may ginagawa ka para sa Diyos, wala ka nang naririnig mula sa Diyos.
2. Burnout from wrong boundaries.
Luke 5:16 “Jesus often withdrew to lonely places and prayed.”
Maraming tumitigil sa ministry hindi dahil masama ang ginagawa nila, kundi dahil wala silang pahinga, limitasyon, o proper delegation. Serving without rest doesn’t always mean you’re being faithful — sometimes, it means you’re not being wise.
3. Offended but unhealed.
Proverbs 18:19 “A brother offended is harder to win than a strong city.”
May mga nawala sa ministry dahil nasaktan sila—sa sinabi, sa ugali, o sa ugat ng hindi napag-usapang isyu. Pero ang masakit, di nila dinala sa Diyos, kundi kinimkim.
4. Misplaced identity.
Luke 10:20 “Do not rejoice that the spirits submit to you, but rejoice that your names are written in heaven.”
Kapag ang identity mo ay nakasandal sa role mo sa ministry at hindi sa relasyon mo kay Kristo, darating ang time na mapapagod ka o ma-overlook ka at doon ka bibitaw.
Kung tinanggalan ka ng mic, ng title, ng stage—pupunta ka pa rin ba sa church? Ibig sabihin, ministry is not your identity. Christ is.
5. Disobedience or hidden sin.
Isaiah 59:2 “Because of your sin, He has hidden His face from you.”
May mga nawawala sa ministry hindi dahil pinagod ng tao, kundi tinuluyan ng kasalanan. Hindi agad halata, pero ang unrepented sin ay unti-unting pumapatay sa passion mo. Parang virus sa system—akala mo maliit na issue lang, pero inaapektuhan na pala ang buong function ng puso mo para sa Diyos.
Kung isa ka sa mga nanghihina, nalalayo, o nawawala na sa rhythm ng ministry—baka isa sa mga ito ang dahilan. PERO hindi pa huli ang lahat. KAYA ANO ANG DAPAT MONG GAWIN?
1. Renew your first love.
Balikan mo ang mga araw na simple lang—ikaw at ang Diyos. Hindi ang position mo, kundi ang presensya Niya.
2. Set clear boundaries.
You’re not called to be the superhero of the church. Rest isn’t rebellion — it’s part of obedience. Even Jesus took time to step away, to pray, and to recharge so He could keep serving well.
3. Heal what hurt you.
Take your offense to God, not to gossip. Let God mend what ministry broke.
4. Repent if needed.
Kung alam mong may kasalanan kang tinatago, wag mo nang patagalin. God’s grace restores what sin ruins.
Kung ikaw ay nawawala, hindi ibig sabihin tapos ka na. God is not done with you.
Ang tanong: Babalik ka pa ba?
If you’ve fallen behind in the race, don’t lose heart. By God’s grace, you can start again — with repentance, with healing, and with a new fire.
Ctto ✨