
08/04/2024
Sa isang matagumpay na pagsalakay kontra sa iligal na droga, nagtagumpay ang mga operatiba ng RPDEU1, RID PRO1, PDEG SOU1, PIU Pangasinan, PDEU Pangasinan, at Urdaneta City Police Station, sa pakikipag-ugnayan sa PDEA RO1, sa Barangay Anonas, Urdaneta City, Pangasinan noong Abril 6, 2024.
Sa nasabing operasyon, na nagbunga ng pagkakaaresto ng isang 42-anyos na opisyal ng koleksyon ng buwis sa lungsod ng Urdaneta at residente ng Barangay San Jose, Urdaneta City, Pangasinan.
Nabatid na ang suspek ay nasasangkot sa pagtutulak ng hinihinalang 200 gramo ng Shabu na may halagang PhP1,360,000.00. Kasama rin sa nakuha ang mga sumusunod:
1. Isang (1) tunay na PhP1000.00 bill;
2. Pitumpu't siyam (79) pira*o ng PhP1000.00 bill na machine copy boodle money;
3. Isang (1) OPPO smartphone;
4. Isang (1) sunglass case bilang lalagyan; at
5. Isang (1) Toyota Innova.
Ang suspek at ang mga ebidensya ay isinumite sa PNP City Forensic Unit, Urdaneta City, Pangasinan para sa laboratory examination at drug testing.
Haharapin ng suspek ang mga ka*ong paglabag sa R.A. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ayon kay PCOL JEFF E FANGED, Provincial Director ng Pangasinan Police Provincial Office, "Ang tagumpay ng operasyong ito ay bunga ng mahusay na koordinasyon at aktibong partisipasyon ng ating mga kababayan. Patuloy ang ating pagsisikap na mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng ating komunidad."
Source/Photo: Pangasinan Police Provincial Office (Facebook)