12/01/2026
Rhinoplasty na P5K, Nauwi sa BANGUNGOT
QUEZON CITY – Imbes na gumanda, halos masira ang ilong ng isang dalaga matapos sumailalim sa murang rhinoplasty promo na ₱5,000 lang ang halaga!
Kinilala ang biktima sa alyas Marie, 28-anyos, na matagal nang pangarap na magkaroon ng matangos na ilong. Pero dahil gipit sa budget, nagpatukso siya sa alok na “cheap nose job” sa isang kwarto-kwartong clinic sa Maynila.
Sa halip na confidence boost, bangungot ang napala ni Marie — namaga, namula at nagkaroon pa ng nana ang kanyang ilong ilang linggo matapos ang operasyon.
“Akala ko makakamura ako… pero ngayon halos hindi ako makahinga at natatakpan na lang ako ng mask dahil sa itsura ng ilong ko,” umiiyak na pahayag ng biktima.
Ayon sa mga eksperto, pekeng doktor at maling materyales daw ang ginamit, dahilan para muntik nang tuluyang maimpeksiyon ang mukha ng babae.