16/12/2025
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐๐๐๐๐๐๐๐: ๐๐๐ฅ๐ฅ ๐๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐๐ฆ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐จ๐ง๐ฌ
Sa pagdaraos ng gabi at paglamon ng buwan, may halimaw na unti-unting kumukubliโang anyo ng mga takot, alaala, at katotohanang pilit nating tinatakasan. At sa liwanag na unti-unting nauupos, tinatanong natin:
๐๐๐ฃ๐ค ๐ฃ๐๐ ๐๐ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฝ๐ผ๐๐๐๐ผ๐๐ผ?
Ngayong taon, iniimbitahan ng Bluebridge at Tulay ang komunidad ng Ateneo upang yakapin ang sariling dilim at sumulat para sa Bakunawa Literary Folio Competition.
Gagawaran ng sertipiko at papremyo ang mga likhang higit na mangingibabaw.
Habang lumalapit ang gabi, ang buwan ay nagiging salamin ng ating tunay na anyoโang anyo ng halimaw na tayo ang lumikha: ang ating Bakunawa.
Sa bawat kabanata ay may kwentong naghihintay sulatin. Saan mo isusulat ang saโyo?
๐ ๐จ๐ฆ๐ ๐ข๐ฆ ๐๐๐๐๐ง
Yugto ng kamusmusan, kung saan busilak ang mundo at ang dilim ay alamat pa lamang. Hinahain nito ang tanong: paano natin hinaharap ang unang bitak sa ating inosensiya?
๐๐๐ฆ๐๐๐ฃ
Sandaling nagsisimulang sumiklab ang damdamin. Pag-usbong ng pagdududa, pagnanasa, galit, paghahanap. Dito tayo unang sumusubok sumayaw sa pagitan ng tama at mali.
๐๐จ๐ฌ๐ข๐
Pagdilim ng kaluluwa. Ito ang pagsuko sa bigat ng anino: pagkawasak, pagkakaligaw, at ang pagharap sa mga halimaw na tayo mismo ang lumikha.
๐๐๐ก๐๐๐
Dahan-dahang pag-ahon. Ang liwanag na pumipigil sa dilim, ang muling pagtuklas sa sarili, at ang pagbuo ng bagong anyo mula sa pagkabasag.
Sa apat na yugto, tinatahak natin ang daan ng pagkaligaw at pagdilatโmula sa unang sugat hanggang sa huling liwanag.
๐ ๐๐๐๐ก๐๐๐ข / ๐ ๐๐ ๐ฃ๐๐ง๐๐๐๐ฅ๐๐ก
1. Bukas para sa lahat ng mga lehitimong estudyante, g**o, kawani, at staff ng Ateneo de Davao University Senior High School.
2. Maaaring magsumite ang kalahok ng maraming piyesa sa bawat kabanata, ngunit ang pinakamahusay lamang ang isasaalang-alang para sa parangal.
3. Tinatanggap ang mga likhang nasa Ingles, Filipino, o Binisaya, bastaโt tumutugma sa tema ng Bakunawa.
4. Mahigpit na ipinagbabawal ang plagiarismo at AI-generated na akda. Kinakailangan ang wastong pagbanggit ng mga sanggunian.
5. Ang Top 3 ay tatanggap ng sertipiko at papremyo.
6. Hinihikayat ang mga kasapi ng Tulay at Blue Bridge na magsumite, ngunit hindi sila kwalipikadong manalo.
At marahil, sa iyong pagsusulat, matatagpuan mo kung nasaan ang iyong ๐ฝ๐๐ ๐ช๐ฃ๐๐ฌ๐.
โจ ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐๐ฒ๐
๐ฅ โฑ1,000 SM Voucher
๐ฅ โฑ500 SM Voucher
๐ฅ โฑ300 SM Voucher
Huling araw ng pagsusumite: Enero 15, 2026
Magsumite rito: https://forms.gle/ycKA2eVAkdBmX3hw8
| TULAY Online - ADDU SHS