Ang Liwanag

Ang Liwanag Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pasay City National Science High School

Gaano nga ba kahalaga ang Campus Journalism? 🤔💭Battery Test na bukas! Handa na ba kayo? 😉Bago ang lahat, tulad ng ating ...
10/08/2025

Gaano nga ba kahalaga ang Campus Journalism? 🤔💭

Battery Test na bukas! Handa na ba kayo? 😉

Bago ang lahat, tulad ng ating mga nagdaang Punong Patnugot at kasalukuyang Gurong Tagapayo, mayroon ding mensaheng hatid sa inyo ang Lupon ng Patnugutan ng Ang Liwanag! 🌞

Nawa’y huwag ninyong hayaang manatiling lihim ang iyong salaysay. Sama-sama nating isulat ang susunod na kabanata ng PaSci. 💌

Magkita-kita tayo sa nalalapit na Battery Test 🗣️

Mahalagang anunsyo! 🗣️Bilang bahagi ng ating pangangalap ng miyembro at paghahanda para sa nalalapit na Battery Test, in...
07/08/2025

Mahalagang anunsyo! 🗣️

Bilang bahagi ng ating pangangalap ng miyembro at paghahanda para sa nalalapit na Battery Test, inaanyayahan ang lahat ng mga aplikante at kasalukuyang mga miyembro ng Ang Liwanag at The Quantum, na maging bahagi ng ating Journalism Enrichment Workshop.

Ito ay gaganapin sa Sabado, ika-9 ng Agosto mula 8:00 N.U hanggang 4:00 N.H sa PCNSciHS Campus.

Para sa mga karagdagang impormasyon, mangyaring tingnan ang inyong mga Ang Liwanag o The Quantum - Facebook Group Chats.



Ang aplikasyon ay bukas hanggang MAMAYA, ika-7 ng Agosto hanggang 11:59 N.G. Pindutin lamang ang Google Form na ito: 🔗[https://forms.gle/y6Pt54CCRUZ2pGPw9]

Magkita-kita tayo sa Workshop at Battery Test! 📣

Bakit dapat kayong sumali sa Ang Liwanag? 🤔💭PaScians, may mensaheng hatid ang ating mga naging Punong Patnugot sa mga ta...
06/08/2025

Bakit dapat kayong sumali sa Ang Liwanag? 🤔💭

PaScians, may mensaheng hatid ang ating mga naging Punong Patnugot sa mga taong nagdaan at ang ating minamahal na Gurong Tagapayo! 🤗 Mula sa kanilang isip at puso, kanilang ibabahagi sa inyo kung gaano nga ba kahalaga ang pamamahayag sa mundong ating ginagalawan ngayon. 💌

Ang aplikasyon ng Ang Liwanag ay mananatiling bukas hanggang MAMAYA, ika-7 ng Agosto sa ganap na 11:59 N.G. Pindutin lamang ang Google Form na ito: 🔗[https://forms.gle/53erxh8fovNTgRmS9].

Mahalagang anunsyo! 📣Sigurado ka na ba sa kategoryang nais mong salihan? Kung hindi pa ay ‘wag mag-alala. Ang aplikasyon...
06/08/2025

Mahalagang anunsyo! 📣

Sigurado ka na ba sa kategoryang nais mong salihan? Kung hindi pa ay ‘wag mag-alala. Ang aplikasyon ay mananatiling bukas hanggang BUKAS, ika-7 ng Agosto sa ganap na 11:59 N.G.

Maging bahagi ng Ang Liwanag! Pindutin lamang ang Google Form na ito: 🔗 [https://forms.gle/tNXvewbDAz5MudpP8]

Magkita-kita tayo sa nalalapit na Workshop at Battery Test! ☀️

Atin nang ipaLIWANAG 🔎Hindi ka pa rin ba sigurado kung anong kategorya ang kukunin mo? Hayaan ang Ang Liwanag na ipaliwa...
04/08/2025

Atin nang ipaLIWANAG 🔎

Hindi ka pa rin ba sigurado kung anong kategorya ang kukunin mo? Hayaan ang Ang Liwanag na ipaliwanag ang bawat kategoryang maaari mong salihan! ☀️

Kung desidido na ay maaaring sagutan ang form na ito: 🔗[ https://forms.gle/3woc2ZYkMwSUeDZ5A ] na magiging bukas hanggang ika-6 ng Agosto.

Magkita-kita tayo sa Battery Test! 😉

Nangangarap maging Iska✍️ | Danica Wayne D. Araneta🎨 | Leigh Ann Prado             Rebultong hubad—simbolo ng walang pag...
03/08/2025

Nangangarap maging Iska
✍️ | Danica Wayne D. Araneta
🎨 | Leigh Ann Prado

Rebultong hubad—simbolo ng walang pag-aalinlangang pag-aalay ng sarili, ng sakripisyo, at tapat na paglilingkod para sa bayan. Numero unong unibersidad na matatagpuan sa Pilipinas. Hinahangaan, tinitingala at pinapangarap ng karamihan. Ang makapag-aral at higit sa lahat, makapagtapos dito, ay itinuturing na isang malaking tagumpay. Tagumpay na nagbibigay pag-asa at panibagong sigla sa sinumang nangangarap.

Ngunit ano nga ba ang taglay ng Unibersidad ng Pilipinas at ito’y itinuturing na hangarin ng napakaraming kabataang Pilipino?

“Mahirap makapasok d’yan!”, “Parang magsusuot ka sa butas ng karayom bago ka makapasa!”, ”Kapag nakapagtapos ka riyan, abot langit ang tuwang mararamdaman mo!”

Iilan lamang ito sa mga komentong madalas kong naririnig. Sa bawat araw na puno ng pasanin mula sa mga pagsusulit, takdang-aralin, at iba pang gawaing pang-akademiko, hindi natin maiwasang itanong sa sarili: “Paano ko mararating ang unibersidad na kinikilala bilang sagisag ng tagumpay at oportunidad na matagal ko nang minimithi?”

Ang Unibersidad ng Pilipinas ay hindi lamang basta - basta isang pampublikong paaralan. Isa itong kinatawan ng mga pangarap — mga pangarap na nangangailangan ng ‘di matatawarang dedikasyon, sakripisyo, at pagsisikap. Madalas, ang kaisipang ito ang nagsisilbing apoy na nagtutulak sa atin upang magpatuloy sa kabila ng pagod, puyat, at hirap. At ang laban na ito ay hindi lamang para sa ating mga sarili, kundi para rin sa mga taong patuloy na naniniwala sa atin, at sa ating mga kakayahan.

Ang landas patungo sa UP ay hindi madaling tahakin. Puno ito ng mga pagsubok, pagdududa, at paulit-ulit na tanong kung sapat na ba ang ating ginagawa. Ilang oras na ba ang ginugol sa pag-aaral ng mga leksyong tila hindi maintindihan? Ilang gabi na bang tulog ang isinakripisyo, ilang kasayahan ang ipinagpaliban, at ilang beses na bang muntik nang sumuko? Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, patuloy pa rin tayong naniniwala. Dahil alam nating ang bawat hirap ay may kahihinatnang ginhawa—isang mas maliwanag na kinabukasan hindi lang para sa atin, kundi para sa ating mga pamilya.

Ang pagpasok sa UP ay hindi lamang usapin ng mataas na marka o katalinuhan. Ito ay higit na pagsubok ng tibay ng loob, determinasyon, at handang magsakrapisyo lampas pa sa inaakala ng iba. Sa bawat gabing pinipilit mong manatiling gising upang matapos ang mga gawain, sa bawat pagsubok na pilit mong nilalampasan, ipinapakita mo sa sarili mo na kaya mong abutin ang pangarap mo. Ang maging Iskolar ng Bayan.

Ang pangarap na makapasok sa UP ay nagsisilbing ilaw sa madilim na daan. Isang inspirasyon sa ating mga puso upang hindi sumuko., Tinuturuan tayo ng pangarap na ito na ang tagumpay ay hindi nakakamtan sa isang iglap, kundi bunga ng pananalig, tiyaga, at pusong handang magsilbi sa lahat.

Hanggang sa dumating ang araw na hawak mo na ang liham ng pagtanggap, hanggang sa maisuot mo na ang sablay na sagisag ng tagumpay, patuloy tayong mangangarap, magsusumikap, at maglilingkod sa nasasakupan.

Dahil sa Unibersidad ng Pilipinas, ang bawat pangarap ay nagkakaroon ng layunin—ang maging tunay na alagad ng bayan.

Paparating na sa Katipunan Station... o baka naman sa Pedro Gil? 🤔Ito na ang oras na iyong pinakahihintay. Sa lahat ng i...
01/08/2025

Paparating na sa Katipunan Station... o baka naman sa Pedro Gil? 🤔

Ito na ang oras na iyong pinakahihintay. Sa lahat ng inyong ginawang paghahanda, walang masasayang na pagsisikap at pagtitiyaga. Magtiwala sa sarili at magdasal. Ito na ang simula ng iyong paglalakbay. Nalalapit ka nang maging isang Iskolar ng Bayan.

Good luck, Mga Susunod na Iskolar ng Bayan! 🍀Padayon 🌻

Lagi’t lagi. Para sa bayan. Para sa sarili. At para sa pangarap. ☀️

Sa pag-ikot ng buwan ng Agosto, ating ginugunita  ang kahalagahan ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika na nagsil...
01/08/2025

Sa pag-ikot ng buwan ng Agosto, ating ginugunita ang kahalagahan ng wikang Filipino at ng mga katutubong wika na nagsilbing mga tinig ng ating lahi at puso ng ating pagkakakilanlan. Sa ating wika, nakaukit ang ating kasaysayan at adhikaing magkaisa bilang isang sambayanan.

Sa tema ngayong taon na “Paglinang sa Filipino at Katutubong Wika: Makasaysayan sa Pagkakaisa ng Bansa,” nawa’y magsilbi itong paalala na ang ating wika ay sandigan ng pagkakaisa at pagkakaunawaan, saan mang panig ng bansa.

Maligayang Buwan ng Wikang Pambansa! 🇵🇭


💻 | Rhenoah Guerrero

Oath Taking at Turnover Ceremony , idinaos✍️: Alaiza Eunice S. Cruz📸: Juan Miguel SantosIsinagawa ang Oath Taking at Tur...
31/07/2025

Oath Taking at Turnover Ceremony , idinaos
✍️: Alaiza Eunice S. Cruz
📸: Juan Miguel Santos

Isinagawa ang Oath Taking at Turnover Ceremony ng mga dati at bagong administrasyon ng Supreme Secondary Learners’ Government (SSLG), School Parent-Teacher Association (SPTA) at Faculty and Employees Association (FEA) na dinaluhan ng punongg**o, mga opisyales na mag-aaral, mga magulang at mga g**o sa School Canteen ng Pasay City National Science High School (PCNSCiHS).

Sinimulan nina Sofia Michiko Yamamoto at Ayesha Ehris Salazar ang programa bilang mga tagapagdaloy ng seremonya na may temang, “With a Heart that Serves and a Spirit United: Towards Nation-Building through Pascian Leadership” ganap na alas dos ng hapon.

Sinundan agad ito ng preliminaryo sa pangunguna ng ilang miyembro ng Glee Club na sina Orange Alcaraz, Althea Ventura, Janieve Dayangco, at Carlos Agripa ng ikasiyam na baitang.

Binanggit ni Dr. Mark Anthony F. Familaran, punongg**o ng PCNSciHS, ang nalalapit na Induction Ceremony ng mga mamumunong PaScian sa iba’t ibang klab sa darating na Agosto 8 sa kanyang mensahe.

“Since nandito na rin po ang ating mga parents, inaasam po namin na sa Induction po ng ating mga student sa organizations po natin in the school ay present din po kayo para makita natin kung paano pinaghandaan ng ating SSLG ’yong presentation“ aniya.

Ginawaran ng sertipiko ang mga naglingkod na lider sa nakaraang taon bilang pagkilala sa kanilang natatanging serbisyo. Sa ilalim ng administrasyon ni Sofia Michiko Yamamoto sa SSLG, Gng. Jenny Delos Santos sa SPTA at Gng. Chiradee Javiniar sa FEA.

Naghandog muli ng isang awit si Dayangco na ang mensahe ay simbolo’t paalala ng malasakit at pagmamahal sa bayan.

Ipinasa ni Gng. Javiniar, pangulo ng FEA mula taong 2023 hanggang 2025, ang kanyang tungkulin kay Gng. Jackyline T. Lagaña, ang bagong halal na pangulo para sa taong 2025 hanggang 2027.

Gayundin ni G. Jojo Ray Dela Cruz, kinatawan G. Emerson Constantino, focal person ng SPTA upang ibahagi ang pagtanggap sa tungkulin ni Gng. Delos Santos para sa kanyang pangalawang termino bilang pangulo ng SPTA para sa taong 2025 hanggang 2026.

Binigyang-diin ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng mga naturang organisasyon na pinangunahan ni Gng. Delos Santos—ang kanilang panata sa tapat na paglilingkod sa paaralan kasama ang bagong administrasyon sa pamumuno ng SSLG sa ilalim ni Filha Ray Penelope Bautista ngayong taong panuruan.

Nagbigay ng pangwakas pananalita si Gng. Lagaña upang pasalamatan ang lahat ng dumalo at hikayatin ang mas aktibong pakikilahok ng mga g**o, magulang, at mag-aaral sa mga susunod na proyekto ng paaralan.

Natapos ang palatuntunan dakong alas tres ng hapon. Ito ay patunay ng mas pinagtibay na ugnayan ng mga g**o, magulang, at mag-aaral sa iisang layunin—ang patuloy na pagpapaunlad ng edukasyon at karakter ng kabataan.

Mahal naming PaScian,Ikaw ba ay nakatakdang lumahok sa nalalapit na Battery Test ng Ang Liwanag? 🧐 Kung oo, tara na! Ipi...
27/07/2025

Mahal naming PaScian,

Ikaw ba ay nakatakdang lumahok sa nalalapit na Battery Test ng Ang Liwanag? 🧐 Kung oo, tara na!

Ipinaabot namin na ang Battery Test para sa lahat ng nais maging bahagi ng Opisyal na Pahayagang Filipino ng Pasay City National Science High School ay nakatakdang isagawa sa ika-11 hanggang ika-13 ng Agosto, 2025 para sa mga sumusunod na kategorya.

Sa pagsusulit na ito, mailalahad mo ang iyong talento sa pagsusulat, pagbabalita, sining, o kahit sa pamamahala ng ating pahinang pampubliko.

At para naman sa mga hindi pa sigurado ngunit nais maging bahagi ng ating publikasyon, ito na ang tamang panahon para sumubok at ipamalas ang iyong husay sa larangan ng pamamahayag. Mangyaring pindutin lamang ang Google Form na ito na mananatiling bukas hanggang ika-6 ng Agosto, 2025: 🔗 [https://forms.gle/fLXstUTgLa7BD6tHA]

Magkita-kita tayo sa Battery Test! 😉

Nagmamahal,
Ang Liwanag ☀️


✍️| Ayesha Salazar
💻| Ashley Ballesteros

Pusta sa Kinabukasan✍️| Dahlia Aganan🎨| Leurlee SicatIsang click lamang. Ganoon kabilis magbabago ang takbo ng buhay mo....
26/07/2025

Pusta sa Kinabukasan
✍️| Dahlia Aganan
🎨| Leurlee Sicat

Isang click lamang. Ganoon kabilis magbabago ang takbo ng buhay mo. Sa likod ng malalaki at makukulay na ads na naglalayong manghikayat, nagtatago ang sistemang unti-unting sisira sa kinabukasan at lipunan. Sa mundo ng online gambling, hindi laging may panalo. Handa ka pa rin bang ipusta ang buhay, dangal, at kinabukasan mo?

Sa mabilis na pag-usbong ng teknolohiya, isang click lang ang pumapagitan sa isang netizen at sa mundo ng pagsusugal. Dahil sa madaling access sa iba’t ibang mga online gambling sites, hindi ligtas ang sinoman, mapa-estudyante man o may mga trabaho o wala, sa mapanghatak na bitag nito. Libangang nagbabalat-kayo bilang isang simpleng laro sa una, ngunit kinalaunan ay nagsisilbing banta sa moralidad at seguridad sa lipunan. Nagsimula sa maliit na pusta, hanggang sa lumaki nang lumaki, na maaaring humantong sa pangingikil at pang-uumit ng pera mula sa mga magulang.

Muling lumulutang ang isyu ng online gambling dahil sa nakababahalang paglobo ng kaso ng mga menor-de-edad at mag-aaral na nalululong dito. Sa kabila ng mga regulasyong naglilimita sa pag-access nila rito, hindi pa rin lubos na ipinagbabawal ang paggamit nito. Sa murang edad pa lamang ay nahuhumaling at nasasanay na sila sa takbo ng pagsusugal, kung saan isa sa mga nakaiimpluwensya rito ay ang lantarang paglaganap ng mga ads sa iba’t ibang mga anyo tulad ng billboards at social media ads na nanghihikayat kahit walang age verification.

Nagbigay daan ang isyung ito upang mabigyang pansin ang kakulangan sa komprehensibong panukala sa paghihigpit sa mga sugal na lantad sa social media. Ilan sa mga mambabatas na nanguna rito ay si Senator Loren Legarda; kamakailan lamang ay naghain siya ng panukalang ganap na magbabawal sa pagsusugal sa iba’t ibang porma nito. Ayon sa kanya, ilan sa maaaring maging dulot ng pagsusugal ay ang panganib sa kanilang pamilya sa aspetong pinansyal at sikolohikal. Maliban sa mga nabanggit na epekto, umaayon din dito ang pahayag ni Department of Health (DOH) Secretary Teodoro Herbosa sa kaniyang panayam sa Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) National Mayors’ Forum 2025 noong Miyerkules na nakakaapekto rin ang adiksyon sa pagsusugal sa kapasidad ng isang tao na mag-isip, gumawa, at lubusang nakapipinsala pa sa iba.

Bagamat hindi maitatangging may malaking bahagi ito sa paglago ng ekonomiya, sa anyo ng mga trabaho at pamumuhunan, hindi ito dahilan upang magpikit-mata sa mga pinsalang dulot nito. Balewala ang mga kontribusyon nito kung nagsisilbi itong daan sa kapahamakan ng mga Pilipino. Mas mahalaga pa ring isaalang-alang ang kapakanan ng bawat sektor na apektado nito, at isipin ang mga negatibong aspeto na kaakibat ng pagkagumon sa gawaing ito.

Marapat lamang na tutukan ang paggawa ng resolusyon sa isyu ng online gambling lalo na at hindi dapat ipagsawalambahala ang sistema na nagtutulak sa mga kabataan sa panganib. Sa pangunguna ng Department of Justice (DOJ) katuwang ang National Telecommunications Commission (NTC), maiwawaksi ang iba’t ibang porma ng patalastas at matitiyak ang epektibong panukala ng mas mahusay kaysa sa simpleng pagsaway lamang. Ang istriktong pagpapatupad ng mga batas at mas pinalawak na adbokasiya para sa edukasyon ukol sa panganib ng pagsusugal. Hindi na dapat isugal ang kinabukasan ng buong sambayanan bago kumilos. Bagkus, magsilbing pamulat ang krisis na ito sa mga mga lasong matagal nang sumisira sa sistema ng lipunan.

📄| https://mb.com.ph/2025/07/19/many-have-lost-control-legarda-bill-seeks-to-ban-all-forms-of-online-gambling-promotion

📄| https://www.gmanetwork.com/news/topstories/nation/952829/online-gambling-a-health-issue-says-doh-head/story/

Mabuhay, Pascians! ☁️Halos isang linggong walang pasok dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Bumaha sa mga tahanan na talaga...
26/07/2025

Mabuhay, Pascians! ☁️

Halos isang linggong walang pasok dulot ng tuloy-tuloy na pag-ulan. Bumaha sa mga tahanan na talagang sinabayan pa ng pag-alon ng mga tambak na basura. Kasama rito ang ihi ng mga hayop tulad ng daga na kilala bilang dahilan ng Leptospirosis.

Mababa ang tsansa na magkaroon nito kung lumusong sa baha na walang sugat subalit matinding kapalit ang pagbabayaran kung naging madalas ang paglusong, may sugat man o wala. Maaring magdulot ito ng matagalang pagpapa-Dialysis o pagkamatay.

Nirerekomenda ng National Kidney and Transplant Institute ang Doxycycline, isang uri ng antibiotic, upang maibsan ang sakit. Subalit isaisip na mas mainam na kumonsulta muna sa doktor upang masig**o ang tamang pag-inom nito.

Kahit na mayroon na tayong akses sa mga mapagkakatiwalaang impormasyon, mas maigi ang pag-iwas kaysa gamutan. Ating tandaan: "Paglusong ay iwasan, upang Leptospirosis ay mapigilan.”


✍️ | Althea Loro
💻 | Ashley Ballesteros
📄 | https://www.facebook.com/share/p/1PPBeJZxXY/?mibextid=wwXIfr

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ang Liwanag posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share