19/11/2025
Hindi porket nags*x kayo, mahal ka na ng isang tao.
Kahit nagde-date kayo, hindi mo pa rin masasabi na love na 'yan.
Kahit magkausap kayo twenty-four seven o halos araw-araw magkasama, hindi pa rin 'yon sukatan ng tunay na pagmamahal.
Kahit mag-cuddle kayo magdamag, hindi ibig sabihin nun ay pagmamahal na.
Ang totoong pagmamahal, nasusukat sa paraan ng pagtrato, hindi sa init ng sandali.
Mahal ka ng isang tao kapag nakita na niya ang pinakamasamang side mo pero minamahal ka pa rin niya ng pareho.
Mahal ka ng tao kapag handa ka niyang tulungan sa panahong hindi mo na kaya.
Mahal ka ng tao kapag kahit galit ka, pinipili ka pa rin niyang pakalmahin, hindi sabayan.
Mahal ka ng tao kapag sa oras ng lungkot mo, gusto ka ра rin niyang mapangiti.
Kapag tapat siya, kahit hindi mo siya nakikita araw-araw.
Kapag kahit tahimik ka, naririnig ka pa rin niya.
Love is pure and intentional.
Hindi ito nasusukat sa kung gaano kadalas kayong magkasama, kundi sa kung gaano niya pinipiling manatili kahit mahirap, kahit hindi madali.
Kaya kung nararanasan mo ang ganitong klaseng pagmamahal, wag mo nang bitawan.