
10/07/2025
PETITIONS DENIED
Ibinasura ng Supreme Court (SC) ang mga petisyon ng dating opisyal ng Philippine National Police (PNP) na si Rafael Dumlao III kaugnay sa kasong pagdukot at pagpaslang sa South Korean businessman na si Jee Ick-Joo sa Camp Crame noong 2016.
Kinatigan ng SC Second Division ang desisyon ng Court of Appeals na sentensiyahan siya ng reclusion perpetua o pang-habambuhay na pagkakakulong dahil hindi niya napatunayang may paglabag sa proseso.
Patuloy na tinutugis ng awtoridad si Dumlao, na itinuturing na mastermind sa krimen. May nakalaang P1 million na gantimpala sa sinumang makapagtuturo sa kanyang kinaroroonan. | via Camille Samonte