Pilipinas 24 Oras

  • Home
  • Pilipinas 24 Oras

Pilipinas 24 Oras Hindi namin kayo tatantanan!

Lalong pinagtibay ni Pangulong Bongbong Marcos ang pananalig ng kanyang administrasyon para sa pagkakaroon ng tinatawag ...
24/09/2024

Lalong pinagtibay ni Pangulong Bongbong Marcos ang pananalig ng kanyang administrasyon para sa pagkakaroon ng tinatawag na “transparent and transformative leadership” nang pangunahan niya ang ceremonial endorsement ng Public Financial Management (PFM) Reforms Roadmap 2024-2028 sa Palasyo.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ng Presidente na ang PFM roadmap ay nagbibigay ng mandato para masigurado na magagamit nang tama at makalilikha ng pagbabago ang paggastos ng gobyerno sa pera ng taumbayan.

Ang PFM committee ay binubuo ng Department of Budget and Management kabilang Commission on Audit, Bureau of the Treasury, Department of Finance, Department of Information and Communications Technology, at National Economic and Development Authority.

Link:
https://businessmirror.com.ph/2024/09/18/pbbm-reiterates-commitment-to-transparent-transformative-leadership-through-pfm-reform-roadmap-2024-2028/

Sampung taon na ang lumipas nang parusahan ng perpetual ban sa anumang ahensiya ng gobyerno si dating Philippine Drug En...
14/05/2024

Sampung taon na ang lumipas nang parusahan ng perpetual ban sa anumang ahensiya ng gobyerno si dating Philippine Drug Enforcement Agency intelligence officer Jonathan Morales.

Ayon sa record na inilabas ng Civil Service Commission, pinagtibay ang desisyon ng PDEA noong ika-7 ng Hulyo 2014 at napatawan si Morales ng perpetual disqualification sa anumang posisyon sa gobyerno.

Link:
https://radyo.inquirer.net/339998/ex-pdea-intel-officer-may-perpetual-ban-sa-govt-service-csc

Umani ng mga batikos si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Dru...
11/05/2024

Umani ng mga batikos si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, mula sa mga kapwa niya mambabatas dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite sa “PDEA Leaks” kahit wala namang naihahain pang matitibay na ebidensiya at kaduda-duda ang ilang nakasalang na personalidad.

Ayon kay House Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, hindi dapat na bumabase si Dela Rosa sa mga sabi-sabi lamang sa pag-iimbestiga nito sa mga dokumento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Umani ng mga batikos si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang chairman ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, mula sa mga kapwa niya mambabatas dahil sa patuloy na pagdinig ng kanyang komite sa “PDEA Leaks” kahit wala namang naihahain pang matitibay na ebidensiya at kaduda-duda...

Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman ang mga dating pinuno ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and A...
25/04/2024

Pinakakasuhan na ng Office of the Ombudsman ang mga dating pinuno ng Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) kaugnay ng P2.09 bilyong kontrata na ibinigay sa isang British company para magsuplay ng teknolohiya at mga kagamitan para sa Integrated Marine Environment Monitoring System Project Phase 1 (PHILO Project).

Nakita ng Ombudsman na may probable cause para isakdal sina dating DA Usec. for Fisheries at BFAR National Director Eduardo B. Gongona, BFAR National Director Demosthenes R. Escoto, at Simon Tucker, ang chief executive officer ng SRT Marine Systems Solutions Ltd.-United Kingdom (SRT-UK) para sa dalawang kaso ng paglabag sa Sec. 3(e) ng Republic Act (RA) 3019 o ang “Anti-Graft and Corruption Practices Act” at tig-isa naman para sa Secs. 3(g) at 3(j).

Link:
https://www.philstar.com/headlines/2024/04/22/2349507/dismissed-bfar-chief-others-face-graft-raps/amp/

Ibinasura ng Makati City Regional Trial Court Branch 13 ang apela ng News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) na i...
18/03/2024

Ibinasura ng Makati City Regional Trial Court Branch 13 ang apela ng News and Entertainment Network Corp. (Newsnet) na ipatigil ang implementasyon ng isang memorandum circular ng National Telecommunications Commission (NTC) kung saan ini-re-reallocate ng komisyon ang frequency ng Newsnet para sa International Mobile Telecommunications (IMT).

Hindi na binigyan ng NTC ng provisional authority ang Newsnet matapos mapaso ang legislative franchise nito kung kaya inilaan na lang ang frequency sa IMT.

Ang Newsnet ay isang CATV network na affiliated sa NOW Corp. and NOW Telecom Company Inc. ng negosyanteng si Mel Velarde. Sa isang desisyon ng ibang hukuman, ang Now Telecom ay hindi pinayagang maging third telco player sa bansa.

LINK:
https://businessmirror.com.ph/2024/03/18/court-junks-newsnet-bid-to-stop-frequency-reallocation/

Talo na naman sa kaso ang Now Telecom Company Inc.Ito’y matapos ideklarang pinal ng Court of Appeals ang desisyon nito n...
15/03/2024

Talo na naman sa kaso ang Now Telecom Company Inc.

Ito’y matapos ideklarang pinal ng Court of Appeals ang desisyon nito noong 2023 na nagbabasura sa petisyon ng NOW Telecom na sundin ng National Telecommunications Commission ang kautusan ng Anti-Red Tape Authority pabor sa pagkakaroon ng kumpanya ng cellular mobile telephone service frequencies.

Basahin ang buong istorya:
https://abogado.com.ph/now-telecoms-plea-denied-ca-stands-firm-on-ntc-decision/

NOW TELECOM HINDI NA MAGIGING NEW MAJOR PLAYER SA TELCO INDUSTRYIn-affirm ng Supreme Court ang isang desisyon ng Court o...
13/03/2024

NOW TELECOM HINDI NA MAGIGING NEW MAJOR PLAYER SA TELCO INDUSTRY

In-affirm ng Supreme Court ang isang desisyon ng Court of Appeals na nagbabasura sa petisyon ng NOW Telecom Company Inc. na pigilan ang National Telecommunications Commission na maipatupad ang mga probisyon ng isang memorandum circular patungkol sa mga restriksyon at kwalipikasyon upang maging isang new major player o NMP sa telecommunications industry.

Moot and academic na rin ang kaso ng NOW Telecom, lalo’t napili nang NMP ang Mindanao Islamic Telephone Co. Inc. at mayroon na itong Certificate of Public Convenience and Necessity.

Ang negosyanteng si Mel Velarde ang nagmamay-ari ng Now Telecom.

LINK:
https://abogado.com.ph/sc-upholds-dismissal-of-now-telecoms-bid-vs-ntc-circular/

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Pilipinas 24 Oras posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share