06/02/2022
Sa dami ng mga nagaganap ngayon, napakadali na lang matakot at mawalan ng tiwala sa isa’t isa. Nariyan pa ang kaliwa’t kanan na mga balita na talagang nakatatakot marinig.
Pero sa gitna ng mga pagsubok na dumarating sa buhay natin, ano nga ba ang mga maaari nating gawin upang tayo ay makapagdesisyon at makapag-isip nang maayos.
LEARN TO KNOW THE TRUTH
“Totoo ba yan? Talaga bang official statement ‘yan?”
“Kanino ba galing? Reliable source ba ‘yan?”
“Kanino ka ba dapat makinig at maniwala?”
Ilan lamang ito sa maaari nating tanungin sa ating sarili sa tuwing nakatatanggap tayo ng mga kung anu-anong balita. Mahalagang tayo mismo ang mag-filter ng balita bago natin ito ipasa sa ibang mga tao.
It is more important that you…
LEARN TO GROW YOUR FAITH
“Gaano ba katibay ang aking pananampalataya sa Panginoon?”
“Alam kong matatapos din ang pagsubok na ito at gagabayan tayo ng Diyos.”
“Huwag tayong mawalan ng pag-asa.”
Dahil sa malalang sakit, maraming trabaho at negosyo ang apektado. Kaya marami ring mga tao ang hindi na alam kung saan pa makakukuha ng pera para sa pamilya.
Pero tandaan: God will provide.
Matatapos din ang lahat ng ito at makakaahon tayong muli. Makakapagtrabaho tayong muli. Makakabawi tayong muli.
Huwag hayaang gumawa ng mga bad decisions dahil lamang sa kagipitan.
LEARN TO TRUST YOURSELF
“Kung nagawa ko noon, magagawa ko itong muli.”
“Kung nakayanan ko noon, kaya kong makabangon muli.”
“Kakayanin ko ito para sa aking pamilya.”
Maniwala tayo sa sarili nating kakayahan. Maliban pa dito, kung may pagkakataon na matuto tayo ng iba pang bagay, gawin na natin ito upang mas lumawak pa ang ating mga kakayanan.
Gawin nating aral ang bawat pagsubok na dumarating sa ating buhay upang sa susunod ay mas handa tayo sa anumang pagsubok.
“Sa gitna ng pagsubok, be your best version. Huwag panghinaan ng loob at mawalan ng determinasyon.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Anong aral ang natutunan mo sa ganitong pagkakataon?
2. Paano mo pinapatibay ang iyong pananampalataya sa Panginoon?
3. Gaano kalakas ang iyong paniniwala sa iyong kakayahan para mag-survive sa ganitong panahon?