13/01/2020
▪Petals
🖋️bb_Trix collab with August Maximiana
➖Mistakes and Errors ahead➖
Daisy's POV
Where should I start? He loves me? He loves me not?
"h-hi!" napatitig nalang ako sa sahig, nagp-panic ako sa sobrang kabang nararamdaman ko. Hindi naman ako pasmado pero namamawis ang mga palad ko. Ang bilis din ng tibok ng puso ko pakiramdam ko gusto na nitong tumalon palabas ng dibdib ko.
"Ano yun?" halos manghina ang mga tuhod ko sa lamig ng pakikitungo nya, nag angat ako ng tingin at nakita ko siyang palinga linga sa paligid, na para bang tinitignan kung may ibang tao pa ba dito, pero sana naman ay wala.
Napahigpit ang pagkakahawak ko sa maliit na paper bag na dala ko. Huminga ako ng malalim at sinubukang labanan ang mga tingin nya.
"G-gusto kita, Kirk, para sayo ito" iniabot ko sakanya ang paper bag pero tinitigan nya lamang iyon.
"Hindi kita gusto" ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko pati na din ang sandaling pagtigil ng tibok ng puso ko. Ilang sandali ang kinailangan ko bago ako nakabawi sa sinabi nya.
Pilit ko syang nginitian at ibinaba ang paper bag sa harap nya.
"Ayos lang, pero sana tangapin mo tong binili ko para sayo. Sayo nayan, bahala ka na kung anong gusto mong gawin dyan." Muntik na akong pumiyok kaya napayuko nalang ako.
Hindi sya sumagot kaya naman tumalikod na ako at naglakad paalis, minabuti ko ng hindi magpaalam dahil pag nagsalita pa ako, tuluyan ng kakawala ang mga emosyon ko.
One petal down, he loves me not
-*-
"Gurl! Lutang lang? Nagiging bisyo mo na ang pagtulala ngayon ah" wika ni Hazel, hindi ko alam kung anong isasagot ko sa kanya kaya naman kamot ulo ko syang nginitian.
"ano ba kasi yang iniisip mo ha? O baka naman sino? Share mo naman!" inilapag nya ang ballpen nya sa mesa at nangalumbabang tumingin sa akin.
"wala naman" nagiwas ako ng tingin at ipinagpatuloy ang pags-sulat ng lecture. Hindi ko man nakikita ay ramdam ko ang mga tingin nya.
"Ang daya mo, syyy!" tinawanan ko nalang ang pagmamaktol nya. Isip bata talaga.
Magrereklamo pa sana si Hazel nang may nagsalita
"Daisy, labas tayo mamaya?" hindi kaagad ako nakasagot sa biglaang tanong nya dahil hindi ko din alam sa sarili ko kung anong isasagot ko sa kanya.
"Suus, date na kagad wala pang ligaw ligaw? Ang bilis dumamoves Geo ah?"
Singit ni Hazel kaya naman napatawa si Geo, kasabay non ang pagbukas ng pinto dahilan para mapako ang tingin ko duon.
Kirk.
Nasa bandang likod pa namin ni Hazel ang upuan nya kaya naman tinahak nya ung daan na papunta samin. How I wish na ako nalang ung pupuntahan nya at hindi ang upuan nya.
"Edi liligawan ko si Daisy" nagtama ang paningin namin ni Kirk, katulad ng dati, malamig pero hindi nakatakas sa aking paningin sa konting emosyon napadaan sa mga mata nya. Isang bagay na pinagsisihan kong nakita ko pa dahil naging dahilan ito para muli akong umasa.
Another petal starts
falling as my heart starts hoping.
He loves me.
-*-
Naging busy ang lahat dahil katapusan na ng semester, mga lessons na kailangan ireview, requirements na kailangang makumpleto, mga research na kailangang ipasa at ang clearance.
"Nakakapagod grabe!" Geo exclaimed habang inilalagay ang mga libro sa bag nya. Napatango nalang ako at sinimulang tahakin ang daan papuntang cafeteria.
"Nasan pala si Hazel?" tanong ni Geo, napaamang ako sa kanya. Sa dami ng ginagawa ko hindi ko napansing umalis ng classroom si Hazel
"Baka nasa garden un, tignan natin" wika ko, dahil minsan sa garden kami kumakain ng lunch at nagpapalipas oras baka sakaling nandoon sya ngayon.
Nang makarating kami ni Geo malapit sa garden nakita ko kaagad si Hazel. Pero natigil ako nang makita ko kung sino ang kasama niya, si Kirk.
"hangang kelan mo ba ako itatago? Hangang kelan natin ito itatago" dinig kong tanong ni Kirk kay Hazel. Nakunot ang noo ko, anong meron?
"mali yata ang timing natin, Daisy" Geo gave me a faint smile, hindi ko nalang sya sinagot dahil nakatuon ang pansin ko sa dalawang taong naguusap ngayon sa hardin.
"konting tiis nalang. Please, Kirk hintayin mo nalang maayos ung problema ng pamilya namin." he hugged her while she's crying, ngayon ko lang nakita si Hazel na nasa ganyang kalagayan.
Nanikip ang dibdib ko sa nakikita ko, ngayon malinaw na sa akin, they love each other. That time hindi ako ang tinitignan nya, kundi si Hazel. That's why he can't accept my feelings for him, because he's in love with someone.
Another petal started to fall
I had to let my feelings for him go
"Hazel!" muntik na akong mapamura nang tinawag ni Geo si Hazel. Mas mabilis pa sa alas kwatrong humiwalay si Hazel kay Kirk. Hindi ko alam kung matatawa ako o malulungkot sa nakita ko.
Hinila ako ni Geo papalapit sa kanila. I looked at them apologetically dahil itong kasama ko sinira ang moment nila.
"Kayo ahh" biglang namula si Hazel sa sinabi ni Geo. Napatingin nalang ako kay Kirk. There it is, his cold stares.
There's nothing left to do but to hide, so I just smiled.
One petal fell down
For my heart that is almost broken
-*-
"Hey..." napatingin ako sa kanya, I did my best to beam a smile at him. Daisy, just act normal.
"Nasan si Hazel?" tanong ko sa kanya at tumingin sa kalsada, nasa kabilang kanto kasi ang daan papuntang bahay namin, samantala ang daan papuntang bahay nila Hazel ay nasa kantong kinatatayuan ko.
"Nasa kabilang side sya" sinundan ko kung nasan ang tingin nya at nakita ko si Hazel na bumibili ng pagkaing tusok tusok.
"Ang takaw talaga" I chuckled on my own statement. Wala talagang kabusugan ang babaeng yun.
Nang mamataan nya kami ay kumaway ito sa amin, I just gave her a small wave of hi. Kasabay noon ay naging p**a ang ilaw ng traffic lights.
Kagad akong tumawid, gusto ko nang umuwi. Nanatili ang tingin ko kay Hazel na nakangiting naglalakad upang salubungin ako.
Ngunit sa isang iglap nawala ang ngiti nya. Napalingon akobsa likuran, I saw her father. Ngunit nang ibalik ko na ang tingin ko sa kanya ay hindi na sya gumagalaw at nanatili syang nakatayo sa gitna ng kalsada
"Haze!" shouted, naging automatiko ang mga kilos ko nang makita ko ang humaharurot na kotse na sasalubingin sya sa bandang kanan. She only smiled at me, I ran to reach her, no! Don't! Just... Please! Not her!
Nang maabot ko sya ay itinulak ko sya, I didn't know what happened next because the light from the car blinded me. I felt a great impact on my shoulder nang bumagsak ako sa kalsada.
Napatingin ako sa pinangalingan ko. Katulad ko, nakahandusay si Hazel sa kalsada, I looked around pero bigo akong malaman kung ano na ang nangyari dahil nandilim bigla ang paningin ko.
'Just take me, please, let them be alright'
Those was my last plea before the darkness consumed me.
-*-
"It's my fault, I'm sorry." I pulled her in a tight hug to give her comfort.
"Hindi ko kaya. I'm sorry" with that she leaved me alone.
"Thank you" I cried, it should be Thanks, but no thanks. I should be the one lying in that bed right now. I hated the way things turned out but I'm still grateful that Hazel, my sister, is still alive.
"Thanks, but no thanks. I wanted my half sister to be h-happy with you. I w-wanted my best friend to l-live the life she wanted to because she didn't have the opportunity to do so. I-I want you to save her from her father and bring her back in the arms of our mother..." but you died, napatakip ako ng mukha dahil sa sobrang pag iyak.
"but you chose to give me the opportunity to live beside her."
I cried and cried
As I looked at the man who saved my life
Bright lights shines
As the man that my sister and I both loved
Lie on his death bed tonight.
Where should this end?
Should I let the last petal fall?
Or should I let it bloom again and grow?
~*~
-🃏