
29/03/2025
𝗣𝗥𝗢𝗟𝗢𝗚𝗨𝗘
Pagkatapos ng klase ay nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko. Yari na naman ako nito kay Aya. Dali dali na akong lumabas ng classroom at magtatakbong bumaba.
Lumabas ako ng campus at nag abang ng taxi.
Pupunta ako sa usual spot namin ni Aya, sa favorite coffee shop n'ya. Hindi ako nagkakape ha.
Pagkarating d'on ay wala akong gaanong nakitang tao.
"Hayst. Aya naman oh! Pinagmadali pa ako."
Wala pa si Aya nang mga oras na yon. Akala ko pa naman ay naroon na s'ya pero wala pa pala. Naghanap nalang ako ng bakanteng upuan at nag order ng matcha latte.
Napalingon ako sa gawing pintuan nang marinig ang isang lagabag. Nakita ko ang isang pamilyar na mukha ng isang lalaki kaya kaagad ko itong nilapitan.
"T-tristan?"
Halos hindi ako makapagsalita, sobrang nanginginig ang boses ko at may mamuo-muong mga luha sa mga mata ko.
Lumingon s'ya sa'kin. "MJ.. I..i-"
Agad akong tumakbo papalayo habang umiiyak, napahinto ako nang harangin ako ni Alfred. Napaupo na lamang ako at humagulgol. Niyakap n'ya ako at tinapik ang likod ko.
"Anong nangyari?" tanong niya.
Ni hindi ko magawang tumingin sa kanya, sobra akong nanlulumo sa nakita ko.
Lumuhod siya, hinawakan ang magkabilang pisngi ko, saka dahan dahang iniangat ang mukha ko para tumingin sa kanya. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
"Ang sakit.. Ang sakit sakit!" sabi ko habang nakahawak sa dibdib ko. "Bakit ganon.."
"Halika na, iuuwi na kita. MJ, umuwi ka na sa'kin."
Author: Maria
PHOTO NOT MINE
CTTO
Plagiarism is a crime.
Please do not share or distribute this story without permission.
Kindly give credit where credit is due. CTTO before sharing!