01/06/2020
TO OUR PASABUYERS IN THIS TIME OF PANDEMIC AND SCARY VIRUS. I SALUTE YOUR HARDWORK.
The first time I made this "Pasabuy" thing in S&R yesterday since pupunta naman ako and I just tried if how it works. Narealised ko di pala sya ganon ka easy and naappreciate ko lalo yung mga nagpapasabuy. Madalas kasi nagpapasabuy lang ako to buy stuff, groceries and the like then deliver it infront of my door kasi nga takot ako lumabas dahil sa virus. Takot much ako for my babyloves and wala akong pass. But since nagkachance makalabas yesterday e nag-ask narin akong gustong magpasabuy. Super nakakapagod pala. 😅
1. Yung magdrive ka papunta sa grocery store. 2. Pagdating pipila ng ilang ikot na pila mga bessy.
3. Nagskip ako ng merienda. In short nagutom ako and nalipasan. Yung iba hindi na nakakapag lunch kasi nanghahabol ng oras na matapos ang mga need kunin.
4. Hanap dito hanap doon, balik dito balik doon, picture ng mga items.
5. Isang item pa lang ilang mins na kasi makikipagtransact ka pa sa nagpapabili kung yun ba, gora na ba, ilan ba etc
6. Hindi parin pala tapos yung mahabang pila mo sa labas kasi after mo mamili e pila sa counter naman gagawin mo mga bessy.
8. Then buhat na ng mga boxes kasi ilalagay na isa isa sa cart then after cart sa kotse naman.
9. After mamili, lakad dito, ikot dun so meaning ilang oras ka na nakatayo e magdadrive ka ulit pauwi.
10. Paguwi magbubuhat ng mga mabibigat na pinamili galing sa kotse papasok sa bahay.
11. Tapos isa isa mo na aayusin yung order ng bawat isa. Kasabay ng pangungulit text, pm at call ng mga nagpasabuy. 😅
12. Pag naayos na cocompute mo na kung how much lahat napamili mong pinasabuy ng mga nag-order.
13. Pag naayos mo na for shipping pa yung mga ibang nagpapasabuy or delivery na mga bessy. Sakin kasi for pick up or lalamoves sa mej malayo.
Yung ibang magpapasabuy pa nagbabago bigla yung isip kaya kawawa pinagpasabuyan kasi nag-abono.
Nag-enjoy naman ako mag-grocery shopping that time. Naramdaman ko yung pagod nung nakauwi na ko. Kumain ako ng snacks while driving kagutom talaga pumila ng mahahaba tas mag grocery.
Yes madali mag grocery for our own personal needs, kasi alam na natin kung ano yung mga bibilhin natin. Unlike sa nagpapasabuy na sesendan mo pa isa isa ng picture or nagpapahanap pa ng kung ano ano. And take note: di lang isa kausap kasi di lang isa ang nagpapasabuy madalas.
Kung iisipin lang minsan. Or madalas kulang pa talaga yong 100. (Ako nga 50 lang pasabuy rate ko sa P500 pesos yesterday kasi sinabay ko lang talaga. Kung di ako pupunta talaga e di ko i business ang pasabuy) but you know yong happiness mo mag shopping na binabayaran ka is nakakenjoy naman din pero super nakakapagod. Kumikita ka na masaya ka pa sa pamimili at nakaktulong pa sa iba. Like mga kuya Riders na magdedeliver, sa mga di member ng grocery store at lalo sa mga takot lumabas na gaya ko. 😅🤣
Just sharing according from my experience.
I salute our pasabuyers during this pandemic. Lalo yung mga no work no pay na dumidiskarte lang para magkaron ng source of income this time of crisis. Tas minsan ma bogus ka pa ng iba.
Lalo ko tuloy na-appreciate yung effort na ginagawa lagi ni daddyloves sa U.S para mag-shopping ng mga items for balik bayan box na ibebenta namin dito sa pinas. Tapos sya dinidisinfect nya pa isa isa bago iempake sa box. Kaya plakda sya after. 12 hrs sleep nung nakatulog na. Thank you so much for all the effort daddyloves. 😘😘😘
PS: Yung mismong bibilhin ko na organizer kaya ko nag-punta e wala na. Iyak tawa. 🤣😂Kaya yung mga pasabuy na lang nabilhan ko. Pero oks lang. Nagenjoy naman ako. Pag-uwi ko reklamo si babyloves. What took me so long daw. Jollibee lang naman daw ako nagpunta (paalam ko kasi sakanya bibilhan ko lang sya ng burger fries) 🤣🤣🤣
- JEIGH