03/02/2026
PANAGYAMAN!
"Ang magandang simula ay nagbubunga ng magandang wakas" - katagang nagbibigay inspirasyon sa bawat ANTONIANS!
Mula sa umpisa hanggang sa pagtatapos ng Regional Schools Press Conference (RSPC) 2026 na ginanap sa Tumauini, Isabela naramdaman ang labis na pagtutulungan, pakikiisa at kooperasyon upang maging maayos ang daloy ng kaganapang ito. Mula sa paghahanda ng mga paaralan bilang tuluyan ng mga delegado hanggang sa kanilang pag-alis ay nasilayan ang ngiti sa kanilang labi. Ang tagumpay at kasiyahan ay hindi lamang sa pagkamit ng medalya kundi sa mabuting pagtanggap, pakikitungo at ala-ala sa bawat delegado—SDO CAGAYAN.
Naging kaagapay at kaisa ang mga g**o, mag-aaral, mga magulang, SPTA Officials sa pangunguna ni President Rowella I. Esguerra, sa Punong Barangay Fortune Celeste T. Gabriel at Barangay Officials ng feeder Barangays ng SANHS, na pinangunahan ni Dr. Ferdinand V. Cuaresma, Principal IV upang mapanatili ang kaayusan at kalinisan para sa delegado ng SDO CAGAYAN sa pamumuno ni SDS Reynante Z. Caliguiran. Gayundin ang sakripisyo ng ating kapulisan na siyang nagpanatili ng seguridad o kaligtasan ng bawat delegado. Higit sa lahat, ang LGU Delfin Albano sa pamamahala ng butihing alkalde, kagalang-galang Thomas A. Pua Jr. sa hindi matutumbasang taos pusong suporta sa anumang programa ng DepEd lalong-lalo na sa bayan ng Delfin Albano.
Ang paaralang SANHS ay malugod at mainit na nagbibigay ng pasasalamat sa pagbubukas ng inyong mga sarili upang maging bahagi ng mahalagang pagkakataong ito. Ang RSPC 2026 ay hindi magiging makabuluhan kung wala ang inyong taos pusong pakikibahagi sa mga araw na nanatili ang mga delegado sa ating paaralan.
Walang hanggang pasasalamat, AGYAMAN!