23/09/2025
Andami ko na din nakasama,
mga tropa’t kabarkada,
nakisalo sa tawanan,
nakigulo sa saya’t inuman.
Pero nang dumilim ang daan,
tila ba ako’y iniwan ng karamihan.
Yung mga boses na dati’y maingay,
biglang natahimik, naglahong kasabay.
Doon ko napatunayan—
hindi lahat ng nakangiti ay kaagapay.
May mga kasama lang kapag magaan,
pero sa hirap, bigla kang tatalikuran.
Masakit tanggapin, pero totoo,
hindi lahat ng tinuring mong iyo,
ay handang tumindig sa tabi mo
kapag ang mundo mo’y gumuho.
Pamilya lang ang sasalba sa'yo.
yan ang tunay na buhay
sa simpleng pagtibok ng puso
pag asa sa susunod na yugto--