Mary ann Bhee Ghee

  • Home
  • Mary ann Bhee Ghee

Mary ann Bhee Ghee "Believe you can, and make it real"

Halla 😅
02/07/2025

Halla 😅

02/07/2025
02/07/2025

Para sa peace of mind mo, hayaan mo na lang. Mas gumagaan ang bagay kapag hindi mo pinipilit intindihin lahat.Kung anong nangyayari, hayaan mong mangyari. Hindi mo kailangang ayusin lahat.

30/06/2025

Walang taong Malinis lahat ay Nagkakamali at Nadadapa

pero Pwedeng magbago At gumawa ng tama.
😊

29/06/2025

Di mo pwedeng ikwento ang plano at life goals mo sa mga taong hindi mo kapareho mag-isip. Magtutunog mayabang ka lang sa kanila.😅

23/06/2025

I got over 200 reactions on my posts last week! Thanks everyone for your support! 🎉

Sige tayaw lang 🤩🤩🤩
18/06/2025

Sige tayaw lang 🤩🤩🤩

17/06/2025

Bagong umaga...kelangan nakangiti puno ng galak ang puso at positibo lagi sa buhay...ganyan lang mga lods....
Godbless us all..🥰

MAY TAO BA NA NAGPAHIYA SA IYO O SINISIRAAN KA SA HARAP NG IBANG TAO?Ang DEFAMATION ay paninirang puri sa reputasyon at ...
17/06/2025

MAY TAO BA NA NAGPAHIYA SA IYO O SINISIRAAN KA SA HARAP NG IBANG TAO?

Ang DEFAMATION ay paninirang puri sa reputasyon at karakter ng isang tao. Ito po ay tinatawag na LIBEL kung nakasulat, at SLANDER naman po kung naisagawa ng pasabi o sa pamamagitan po ng mga salita (verbal).

Anumang sabihin ng isang tao na nakakasira po sa reputasyon ng iba ay mayroong karampatang kaso at parusa. Kaya naman lagi pong pagingatan ang mga salitang ating binibitawan.

Tandaan po na libel man o slander, ay kailangang may “publication” o naisulat at ang paninirang puri ay may nakabasa nito maliban po sa taong sinisiraan.

Ang taong nakabasa ang siyang magiging witness at ang statement po niya ang pangunahing ebidensiya na kailangan.
Tandaan din po na sa ilalim ng batas, ang slander o oral defamation at libel ay magkaibang krimen, at may magkaibang parusa.

Sa ilalim po ng ARTICLE 358 ng REVISED PENAL CODE, maaari pong makulong ang nagkasala ng defamation depende po sa bigat ng kaso sa paninirang puri.

Para po mapatunayan ang prima facie defamation at makapagsampa po ng kaso sa paninirang puri, ang isang plaintiff o complainant ay dapat magpakita po ng apat (4 )na sumusunod na bagay:

1. Isang FALSE STATEMENT o maling salaysay, kasinungalingan o walang katotohanang pahayag na ipinahatid po na totoo;
2. Isang publication o komunikasyon po ng isang salaysay sa isa pang tao o third person;
3. Kasalanan o sala na naging sanhi po ng kapabayaan;
4. Damages o pinsala po na naidulot sa plaintiff, na siyang paksa ng statement o salaysay.

Para po maituring na ito po ay kaso sa paninirang puri, dapat ang paninira ay sinabi ng pasalita, sa publiko o higit sa isang tao, at may malisya, at patungkol po sa isang taong nabubuhay, na maaaring maging sanhi ng pagkasira ng kaniyang pangalan at reputasyon. Lahat ng ito po ay dapat na may ebidensiya.

Maaari din pong gamitin ang social media posts tulad po ng Facebook post or Tweet bilang ebidensya. Ngunit ito po ay dapat na mapatunayan sa pamamagitan din po ng mga testigo na nakakita nito.

Ayon po sa Article 90 ng Revised Penal Code na inamyendahan po ng Republic Act No 4661, hindi po makakapagsampa ng kaso ang indibidwal dahil anim na buwan po lamang ang panahong nakalaan para po sa pagsampa ng kaso laban sa oral defamation o paninirang puri.

Tatandaan po na ang pagsampa po ng kaso ng paninirang puri ay kinakailangang maihain sa loob po ng 6 na buwan. Gayundin po sa slander by deed. Binibigyan naman po ng isang taon para po sa mga kaso ng libel at mga katulad po na pagkakasala.
Kung ang paninirang puri ay oral o pasalita, dapat po ay may testigo ding nakarinig sa nasabing sitwasyon na pumapayag tumayo bilang testigo sa korte. Ang testigo na ito po ay malaki at may importanteng ganap sa pagusad at paglaban ng kaso.

Sa ilalim po ng Article 360 ng Revised Penal Code, na sinusugan po ng Republic Act bilang 1289, ang sinumang mag-lathala o magpakalat ng paninirang puri ay dapat po managot sa batas.

“Any person who shall publish, exhibit, or cause the publication or exhibition of any defamation in writing or by similar means, shall be responsible for the same.”
Kasama po dito ang may akda at editor ng isang libro o pamphlet na nagpahayag ng paninirang puri; pati na pahayagan o magazine kung saan inilathala ang paninirang puri ay may responsibilidad na dapat panagutan. Masasampahan din po sila ng kaso sa paninirang puri.

Libel case naman po ang tawag sa kasong maaaring isampa sa sino mang naninirang puri sa pamamagitan po ng printed at written materials.
Samantala, nagiging mabigat po ang kaso ng slander (grave slander), depende po sa kanilang:
1. Ginamit po na mga salita;
2. Personal po na relasyon ng akusado at kaniyang nasaktan na tao; at
3. Mga pangyayari o special circumstances ng kaso, pati na po ang mga ebidensiya na magpapatunay at magpapakita ng intensiyon ng akusado laban sa plaintiff. Halimbawa, nagsampa po ng kaso na siyang biktima po ng paninirang puri sa panahon ng paggawa ng krimen.

May dalawang uri po ng slander: ito po ay ang simple at grave.

Ang simple slander po ay may mababang parusa, at ang grave slander naman po ay may mas mataas na parusa.

Kung ang slander ay nangyari sanhi po ng galit o init ng ulo ng akusado, at may ganting paghahamon o pagbabanta po ng pananakit ang nag-aakusa o biktima ng slander, ito po ay itinuturing na simple slander, at hindi po mabigat ang parusa.

Sa ilalim po ng Local Government Code of 1991, kailangang dumaan po muna sa barangay para makapagsagawa ng mandatory conciliation kung ang isasampang kaso sa paninirang puri ay dahil po sa simple slander.

Kung seryoso at malubha po ang ginawang paninirang puri, at wala pong galit o iginanti ang biktima ng slander, na nakakasira ng reputasyon, ito po ay grave slander.
Sa kasong ito naman ay maaari pong diretso nang isampa sa fiscal o sa hukuman at hindi na po nangangailangang dumaan pa sa barangay.

Ang simple slander ay mayroong karampatang parusa na “arresto menor or 1 day to 1 month or a fine not exceeding P20 000.00.

School Uniform niyo po❗📌Duli ES 📌TADYOKONG ES
15/06/2025

School Uniform niyo po❗
📌Duli ES
📌TADYOKONG ES

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mary ann Bhee Ghee posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Mary ann Bhee Ghee:

Shortcuts

  • Address
  • Alerts
  • Contact The Business
  • Claim ownership or report listing
  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share