22/07/2025
RIDE REPORT - LAGUNA 300 MOTOUR CHALLENGE 2025
OK GAME!
eto nanaman po tayo sa ating paminsanang KGETV RIDE REPORT, na ating ginagawa pagkatapos ng sinasalihan natin endurance challege, sa mga susunod po na ride report ay atin na rin po isasali ang mga solo and group ride experiences ko po para mas lumawak ang masasakupan nating usapin at mga lugar.
GRID, CALAUAN
- nag simula po ang take off bandang 6am, umpisa palang maganda na ang takbo ng lahat, hindi ko alam kung dahil ba ito sa kadahilanan na basa ang kalsada at naulan o sadyang iba itong event na ito sa nakasanayan ko na umpisa palang sinisilihan na ang mga itlog nung ibang particpant kasi ratrat na agad papunta palang sa unang checkpoint, pero all goods parin naman - naikwento ko lang yung nakita ko ha hindi naman ako nang aano :p .. tapos ok din para sa akin talaga itong event kasi another batch nanaman ng mga bagong kasabayan ang aking natagpuan, yung wala naman kaplano plano pero kami yung mga nag stick together, anyway, nakarating ako sa 1st photops ng pasado 7am ng umaga
MABATO, CALAMBA, LAGUNA
- kung ang goal mo talaga ay makapag sight-seeing ay isa ito sa mga magandang nadaanan, yung may mga ahon at kurbada tapos tanaw mo yung view pababa mula sa bundok, eh ayos na ayos naman talaga, dito ko rin nakita na bumabalik muli yung diwa ng pagtutulungan kasi dalwang beses ako nakakita na may nagtulungan na mai-angat yung motor pag may na-ii-stuck sa putikan, which is minsan nalilimutan na sa ganitong mga event kasi every man or woman for themselves na... hindi mo naman masisisi kasi yun naman talaga ang end goal, nakakatuwa lang talaga yung idea na naka tulong tapos naka finish, mas ok diba? :)
- MARCOS TWIN MANSION
eto madalas na natin madaanan talaga, sadyang masabaw lang talaga ang earth kaya saktuhan lang talaga ang hataw, decent speed naman na sasakto parin sa alloted time, marami ng pamilyar sa lugar na ito kaya di ko na masyadong idedescribe ha, hehehe
- BAHAY NI RIZAL, CALAMBA
isa rin sa suki na photo ops ng mga endurance sa Laguna, nakarating kami dito sa bahay ni Rizal ng mga lampas lang ng kaunti ng 8am, nakukuha namin ang bawat checkpoint na hindi hihigit sa isat kalahating oras kaya ako namay tuwang tuwa at nangangamoy finisher na.... (talaga lang ha)
- 7 UP HILL, STA MARIA
at eto na nga yung isa sa highlight moments ko, pero bago sumapit dyan sa highlight na yan eh nag bulalo muna kami sa may stoplight sa may Halang Calamba ni tropa Aldren Gomez Librado Salibio at nung isa pang Aldren din ata name ni sir na naka Airblade from Pasig, mga naka kalhating oras din kami tapos sibat na agad patungong 7-UP hill, kaso eto nga, meron palang medyo mataas taas na baha malapit dun sa may Sun Star Mall sa may Sta Cruz, eh sa nakasanayan ko naman na lumulusong lang basta kasi madalas ko naman ginagawa yun... kaso sa pagkakataon na ito nagulat ako kasi tumirik bigla yung motor ko sa gitna nung baha (tingin ko gawa nung wave na nilikha nung mga sasakyan na kasalubong kaya pinasok yung airfilter at dun sa body throttle nung gravis ko) anyway, inantay parin ako nung mga kasama ko pero inisip ko kailangan nilang mauna kasi mahirap ng maghabol sa oras pag kinapos ka na sa oras (danas na danas ko na yan sa dami ng event na di ako naka finish) kaya nag decide ako na mag insist na paunahin na sila at ako naman ay maghahanap ng bukas na motor repair shop tutal umaandar pa naman ng bahagya yung motor ko, pag lalampas ka ng takbong trenta parang nabubulunan na, kaya takbong trenta lang ako habang binabaybay ang kahabaan ng sta.cruz - pagsanjan road, at ayun na nga nakatsamba ako ng open na shop at agad naman inasikaso yung motor ko, tinanggal yung body throttle, tinuyo, at binalik, tapos nilagyan ng glue stick yung mga posible daw na pasukin ng tubig para hindi daw agad tumirik motor ko sa baha.... ang publema wala pa yung air filter kinukuha pa daw kung saan kaya ayun waiting pa ako.. siguro dalwang oras mahigit ang nasayang ko mula sa repair hanggang sa pag iintay sa airfilter....pero ayun nga at ok na ang lahat kaya naka takbo na ulit ako at narating ko na ang 7-up hill ng mga bandang 12:30pm at ngarag nako sa mga oras na ito, nasa isip ko ratratin nalang ng walang humpay kasi kaya pa, meron pako mahigit kumulang apat na oras para abutan ang cut off na alas singko
Caliraya, CAVINTI
- wala ng menor menor dahil literal na wala akong menor haha, di ko malaman bakit parang naka choke palagi yung motor ko pero sa isip ko eh nasabi ko nalang na bahala na, narating ko itong cavinti photo ops ng bandang 1:40 ng hapon
MAJAYJAY
- eto na yung karumal dumal at pangalwa sa highlight ng byahe kong ito, napadaan ako sa isang animoy sa pelikula ng "wrong turn" ang ganapan, makipot na kalsada na gubat na talaga, walong kilometro na wala parin tao? may konting katanghan din ako kasi sunod sunodan ako sa google maps, pero wala na nangyari na eh, nang narating ko yung dulo ng makipot na kalsada ay bumulaga sakin ang pababa na daan, hindi sementado, maputik, tapos puro hukay na talagang mag shoot ang gulong pag idinaan, anong ginawa ko? edi itinuloy ko pa rin, hay nakupo, edi dahan dahan ko ibinaba yung motor, lakas loob bahala na si batman style... kaso pakiramdam ko talagang unti unti na iistak nako, sinubukan kong pumihit pabalik dahil napansin ko ilog na yung dulo hahaha... kaso stuck na talaga... medyo nagpapanic nako sa oras na yun kaya ang ginawa ko nag call ako sa mga tropa and sa organizer (buti may signal at nakatawag pako) para masabi ko kalagayan ko and location..parang pampawala lang ng kaba... pero syempre sarili ko pa rin aasahan ko kung paano ako makakaalis sa sitwasyon na iyon kaya naglakad ako ng di kalayuan (iniwan ko muna yung motor tutal nakatayo lang din naman sya hindi natutumba gawa ng malalim na putik) tapos napansin ko merong bakod at gate na gawa sa kawayan, sakto naman at may nasilip ako na may tao na hinigian ko ng tulong para maitulak paangat yung motor ko, di naman ako hinindian ni manong kahit halatang medyo busy sya sa mga ginagawa nya... anyway to cut the story short, naka balik nako sa main road at nakarating sa Majayjay marker ng pasado alas tres na ng hapon
YAMBO LAKE
- eto ang tumapos sa career ko hahaha, sa estimate ko kundi ako naligaw sa buset na google maps eh malamang mga 4:00pm to 5:00pm nasa Calauan na ako.... ang masaklap kasi dun ako dinala ng google maps sa YAMBO LAKE NG SAN PABLO imbis na sa YAMBO LAKE NAGCARLAN (which is pwede naman sana kaso private na daw yun way nung sa San Pablo or wala ng access dun sabi ng napagtanungan ko,,, ayoko namang mag shortcut baka maulit nanaman yung wrong turn moment ko) kaya nag sindi ako ng yosi at napamura nalang... ambilis ko nga tanga naman ako kasi mali yung napuntahan hahaha, anyway sakay ulit ng motor at binaybay ko ulit mula san pablo pa nagcarlan, oo nangamote nako talaga kaso anong oras na nyan parang pasado alas kwatro na, imbis na derederecho na sana ako sa TAYAK, ALAMINOS AT GEOTHERMAL, eh namali mali pa ng pinuntahan, hay nako ... pero ayun na nga tinuloy ko nalang din, andyan na yan eh haha
TAYAK HILL
- wala nako pake sa oras dito, alas kwatro mahigit na eh, pero sige tuloy pa rin ako, sige banat lang kaso ang publema naman ngayon eh mabilis nga ang patakbo ko kahit paahon kaso parang kinikilabutan na ako sa gubat sa kaliwat kanan tapos puro kalsada lang sa gitna hahaha... at isa pa nakapag pakaba sakin ay naiisip ko na pag inabot ako dito ng dilim yari na, sobrang haba din naman kasi yung bungad hanggang sa dulo ng Tayak Hill tapos ang kapal pa ng pagkagubat eh haha... pero habang paakyat nako naka aninag ako ng ilaw.. may parating din na motor, agun si mam madona pala at ang kanyang genio, nagsabay na kami kasi parehas na kaming kabado dun sa lugar, narating namin yung kailangang pag gawan ng photo ops then sibat na kami papuntang Alaminos
ALAMINOS
- dito sa parteng ito medyo nawawalan na ako ng gana kasi nga anong petsa na nasa alaminos pa kami at hindi pa namin makita yung buset na Alaminos na sign na malake, pero nabuhayan naman ako kasi sabi ni mam na kasama ko na tapusin namin lahat ng photo ops, ganun din naman daw para isang hirap nalang... naisip ko sabagay tama naman, na experience ko na rin naman lahat ng klase ng sitwasyon pag dating sa endurance..... panalo, talo, sakto halos sa oras, maaga sa oras, eh ano pa bang issue? kaya ayun pagkatapos namin mag photo ops eh ratrat na kami papuntang geothermal
GEOTHERMAL
- dito na yung realization na patapos na ang paglalakbay sa araw na iyon at napuntahan namin lahat nung dapat puntahan, punta pa rin sana kami sa grid kaso saradong gymnasium na yung nag aantay samin ayon kay sir rodel kaya dito nalang kami lumusot sa may lumang sabungan at huminto na kami doon sa may 711, kuddos din kay ser rodel organizer for still considering us as finishers ...although hindi kami solid na naka formally finish ay nakuha namin ang mga importanteng experience mula sa event na naganap. Sino mag aakala na tutuloy pa yung tumirik ang motor sa baha tapos na stranded sa putikan sa gitna ng kawalan at yung isa naman ay solo lang lumaro at hindi umasa sa GPS? sounds like finishers to me ❤️
note: kung papipiliin ako kung maaga ako nakatapos or kung uulitin ko yung na experience ko sa mismong araw na yun during that same event? piliin ko yung mga na experience ko, ....priceless 😉
thank you sa organizer and sa lahat ng tropa, marshalls, and sa co-particpants
overall assessment ng event: highly recommemdable sa may gustong sumubok sa mundo ng endurance (bsta wag lang yung iyakin 😂)