GO Baguio

GO Baguio Everything and Anything Baguio!

πŸŽ† π‡πšπ©π©π² 𝐍𝐞𝐰 𝐘𝐞𝐚𝐫 πŸπŸŽπŸπŸ”! πŸŽ†Here’s to fresh beginnings, bigger dreams, and brighter days ahead. May 2026 bring hope, success...
31/12/2025

πŸŽ† π‡πšπ©π©π² 𝐍𝐞𝐰 𝐘𝐞𝐚𝐫 πŸπŸŽπŸπŸ”! πŸŽ†

Here’s to fresh beginnings, bigger dreams, and brighter days ahead. May 2026 bring hope, success, and happiness to all. βœ¨πŸŽ‰


Sa bawat pahina ng kasaysayan, buhay ang diwa ni Dr. JosΓ© Rizal. Ang kanyang tapang, talino, at pagmamahal sa bayan ang ...
30/12/2025

Sa bawat pahina ng kasaysayan, buhay ang diwa ni Dr. JosΓ© Rizal. Ang kanyang tapang, talino, at pagmamahal sa bayan ang patuloy na gumigising sa ating pagka-Pilipino.

Ngayong Rizal Day, ipagpatuloy natin ang laban para sa isang makatarungan at malayang Pilipinas. πŸ‡΅πŸ‡­


Wishing everyone a Merry Christmas filled with peace, joy, and gratitude. May this season of giving bring hope to every ...
24/12/2025

Wishing everyone a Merry Christmas filled with peace, joy, and gratitude.

May this season of giving bring hope to every heart and blessings to every home. πŸŽ„


19/12/2025

NEWS UPDATE: Pumanaw na si dating DPWH undersecretary Catalina Cabral matapos umanong mahulog sa bangin sa Kennon Road, Tuba, Benguet nitong Huwebes ng gabi.

Ayon sa driver nito, binabaybay nila ang Kennon Road papuntang La Union nang magpababa si Cabral bandang alas-3:00 ng hapon.

Pinaalis umano siya ni Cabral kaya sumaglit muna siya sa isang gasolinahan at bumalik sa lugar ang dakong alas-5:00 ng hapon, ngunit hindi na niya ito natagpuan.

Nagpatulong ang driver sa mga awtoridad upang mahanap si Cabral at alas-8:00 kagabi nang matagpuan ang katawan nito sa gilid ng Bued River.

Narekober ang labi ng dating DPWH undersecretary sa bahagi ng bangin sa Camp 4 na may lalim na 40 metro bandang alas-12:30 ng madaling araw ngayong Biyernes, Disyembre 19.

Source: DZRH News

17/12/2025
'SAPILITANG PAGPAPASAYAW SA CHRISTMAS PARTY, MAAARING IREKLAMO β€” DOLE'Naglabas ng paalala ang Department of Labor and Em...
13/12/2025

'SAPILITANG PAGPAPASAYAW SA CHRISTMAS PARTY, MAAARING IREKLAMO β€” DOLE'

Naglabas ng paalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga kumpanya ngayong holiday season na hindi maaaring pilitin ang mga empleyado na sumali sa sayaw o anumang aktibidad sa Christmas party na labag sa kanilang paniniwala, relihiyon, o personal na pasya.

Ayon sa DOLE, malinaw sa Labor Code na ang isang manggagawa ay hindi maaaring obligahin sa mga gawain na wala sa kanyang job description. Dagdag pa ng ahensya, ang mga aktibidad sa Christmas party ay boluntaryo at hindi dapat maging batayan ng parusa, diskriminasyon, o panggigipit sa mga empleyadong piniling hindi lumahok.

Binigyang-diin ng DOLE na kung ang isang empleyado ay pinilit, tinakot, o binantaan ng parusa gaya ng suspensiyon, hindi pagbibigay ng insentibo, o masamang performance evaluation dahil sa hindi pagsali sa sayaw o party activities, maaari itong magsilbing batayan ng pormal na reklamo.

Paalala ng ahensya, may karapatan ang mga apektadong manggagawa na magsampa ng reklamo sa National Labor Relations Commission (NLRC) at humingi ng danyos kung mapatutunayang may pamimilit o panggigipit mula sa employer.

β€œKung ikaw ay pinilit at tinakot ng parusa dahil sa hindi pagsunod, maaari kang magsampa ng reklamo sa NLRC at humingi ng danyos,” ayon sa DOLE.

Hinimok din ng DOLE ang mga employer na igalang ang karapatan at dignidad ng kanilang mga empleyado at tiyaking ang mga aktibidad sa kumpanya, lalo na tuwing kapaskuhan, ay nagtataguyod ng pagkakaisa at hindi nagiging sanhi ng takot o diskriminasyon.


12/12/2025

Inaasahang daragsa simula Sabado, Disyembre 13, ang mahigit 23,000 scout mula sa iba’t ibang bansa at rehiyon sa Asya para sa 33rd Asia-Pacific Regional Scout Jamboree (APRSJ) na gaganapin sa Botolan, Zambales.

Ang prestihiyosong pagtitipon, na nagbibigay pagkakataon sa mga kabataang scout edad 12 hanggang 17 na makaranas ng internasyonal na pakikipagkaibigan at palitan ng kultura, ay pangungunahan ngayong taon ng Boy Scouts of the Philippines (BSP). Gaganapin ito mula Disyembre 14 hanggang 21 sa Kainomayan Scout Camp sa Barangay San Juan.

Magsisimula ang pagdating ng mga delegado mula Disyembre 13 hanggang 14 sa pamamagitan ng Ninoy Aquino International Airport at Clark International Airport. Inihanda na rin ang shuttle services na maghahatid sa kanila patungo sa kampo sa Botolan.

Inaasahan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na siya ring Chief Scout ng BSP, na pangunahan ang opisyal na pagbubukas ng jamboree at magsilbing keynote speaker sa programang nakatakda sa Disyembre 15.

Ayon kay Alcade Fallorin, chairperson ng Ramon Magsaysay Zambales Council na host ng APRSJ ngayong taon, puspusan ang mga paghahanda para sa pagdating ng libo-libong kalahok.
β€œThe camp is ready for the campers’ arrival, with the Philippine National Police, Armed Forces of the Philippine, Philippine Navy, and other teams already on-site. Health and security teams are also commencing their setup,” ani Fallorin sa isang panayam noong Biyernes.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin sa Zambales ang naturang jamboree isang malaking pagtitipon na layong isulong ang pagkakaibigan, pamumuno ng kabataan, pangangalaga sa kalikasan, at pagpapalitan ng kultura sa pagitan ng mga scout mula sa iba’t ibang bansa.



β€Ž

β€Ž

As we celebrate the Feast of the Immaculate Conception, may Mary’s purity, grace, and love guide our hearts today and al...
08/12/2025

As we celebrate the Feast of the Immaculate Conception, may Mary’s purity, grace, and love guide our hearts today and always.




π‹πŽππ† π–π„π„πŠπ„ππƒ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ πŸŽ‰Filipinos can look forward to a long weekend this December as the country marks the Feast of the ...
03/12/2025

π‹πŽππ† π–π„π„πŠπ„ππƒ π€πƒπ•πˆπ’πŽπ‘π˜ πŸŽ‰

Filipinos can look forward to a long weekend this December as the country marks the Feast of the Immaculate Conception on Monday, December 8.



πŸŽ„ 24 Days to Go Before Christmas!The spirit of the season starts now. Let the joy and excitement begin! ✨
01/12/2025

πŸŽ„ 24 Days to Go Before Christmas!

The spirit of the season starts now. Let the joy and excitement begin! ✨




Pansamantalang ititigil ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-i-impound ng mga e-bike, e-trike, at iba pang light ...
30/11/2025

Pansamantalang ititigil ng Land Transportation Office (LTO) ang pag-i-impound ng mga e-bike, e-trike, at iba pang light electric vehicles na mahuhuling dumaraan sa mga national road simula sa Lunes, Disyembre 1, ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Markus Lacanilao.

Ayon sa opisyal, ang full implementation ng paghuli at awtomatikong pag-impound ay nakatakdang magsimula sa Enero 2, 2026. Binigyang-diin ni Lacanilao na gagamitin ng ahensya ang panahon bago ang nasabing petsa upang magsagawa ng malawakan at mas pinaigting na information drive para maipaliwanag nang malinaw sa publiko ang umiiral na panuntunan ukol sa paggamit ng e-vehicles sa pangunahing kalsada.

Hinayag ni Lacanilao na hindi layon ng LTO na pahirapan ang mga gumagamit ng e-vehicles, kundi tiyakin ang kaligtasan, kaayusan, at disiplina sa kalsada. Aniya, mahalagang malaman ng bawat motorista ang tamang gamit at limitasyon ng kanilang sasakyan upang maiwasan ang aksidente at masiguro ang maayos na daloy ng trapiko.

Dagdag pa ng LTO, makikipag-ugnayan sila sa mga lokal na pamahalaan para sa mas maayos na pagsasagawa ng pagpapabatid at pagpapatupad ng mga alituntunin. Ang ahensya ay nananatiling bukas sa mga katanungan at hangad na maging mas handa at mas maalam ang publiko pagdating ng full enforcement sa 2026.

Photo: Philstar (Facebook)



π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’ 𝗗𝗔𝗬! πŸ‡΅πŸ‡­Sa paggunita sa Araw ni G*t. Andres Bonifacio, nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanyang tapang, malas...
30/11/2025

π—•π—’π—‘π—œπ—™π—”π—–π—œπ—’ 𝗗𝗔𝗬! πŸ‡΅πŸ‡­
Sa paggunita sa Araw ni G*t. Andres Bonifacio, nawa’y patuloy nating isabuhay ang kanyang tapang, malasakit, at pag-ibig sa bayan.
Mabuhay ang diwa ng ating mga bayani.



Address


Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GO Baguio posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to GO Baguio:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share